Katapusan (Huling Parte)

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung pwede lang tumayo at umalis sa kwarto na 'to, ginawa ko na. Ayokong marinig iyong mga pinaguusapan nila. Puta paano ako aalis? Bulag na nga pala ako at halos bingi na. Hindi na rin yata ako makakapaglakad.

Bakit nabuhay pa ako kung ganito rin pala ang mangyayari sa akin?

Hindi ko na alam iyong ibang nangyari dahil binigyan na naman ako ng pampatulog. Kinagabihan, nung nagising ako, narinig ko na naman si Ate Kach. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Narinig ko rin na pinag-uusapan nila kung ano ang gagawin kay Bianca.

"She thinks he's dead," sabi ni Ate.

"Sasabihin mo ba sa kanya iyong nangyari dito?" tanong ni Kuya Tripp.

"Para ano? Para tuluyan na niyang mapatay ang kapatid ko?!"

"Kach, I know you're under a lot of stress pero buntis ka. Gusto mo bang umuwi muna? Ako muna ang magbabantay dito."

"No. Hindi ako aalis hanggang hindi nagigising si Parker. Hindi ako aalis sa tabi ng kapatid ko."

Ilang beses kong pinilit magsalita. Iyong bagay na natural mo lang nagagawa noon, ngayon halos hindi mo na magawa. Pati paghinga, halos iyakan mo na para magawa.

Umiiyak si Ate Kach habang kinakausap ako. Mahina lang ang boses ko. Halos hindi ko marinig ang sarili ko.

"I-imo..."

"Hindi ko alam kung nasaan siya."

Ayokong magalit siya kay Imogen. Hindi niya kasalanan 'to.

Iginalaw ko iyong daliri ko dahil iyon lang ang kaya kong gawin. Mas lalong lumakas ang iyak niya.

"Itaas mo 'yung index finger mo kapag oo, iyong middle kapag hindi. Okay?" sabi niya habang pinipigilan iyong paghikbi. Sumunod na lang ako sa sinabi niya dahil nahihirapan akong magsalita. "Bakit ka nandun, Parker? At bakit ka pumasok kahit nasusunog na? Gusto mo ba akong patayin sa sama ng loob?!"

Itinaas ko iyong gitna.

"Wala naman dun si Imogen, Parker. Bakit ka nandun?"

Ang akala ko nandun siya. Sabi niya kasi nandun siya. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya dahil sa akin.

"Pero 'wag kang mag-alala, okay? Nandito ang Ate. Ako ang bahala sa 'yo."

Wala na akong gustong itanong. Alam ko na okay na si Imogen. Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok sa isip ko iyong nangyari sa akin. Parang panaginip lang ang lahat.

Nung isang araw lang, parang normal pa... tapos ganito.

"Inayos ko na iyong kay Bianca. Papaniwalain natin siya na patay ka na, okay? Siguro sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno pero sana magpakamatay na siya. Kasi kung hindi, ako talaga ang papatay sa kanya."

Wala na akong paki.

"Gusto mo bang makausap si Imo?"

Iginalaw ko iyong gitna.

"Bakit ayaw mo? Nag-aalala siya, Parker. Tumawag din si Quin at sila Emma. Hindi nila alam ang nangyari."

Wala akong ginalaw. Pagod na lang ako. Gusto ko na ulit matulog.

Nagising ako ng madaling araw dahil sa sobrang sakit. Unti-unti ng nawawala iyong epekto ng anestisya at nararamdaman ko sa katawan ko iyong sakit. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Gusto kong mamatay pero ni hindi ako makagalaw.

"Tatawag ako ng doktor, sandali lang!" sigaw ni Ate Kach nung magising siya dahil sa sigaw ko. Agad kong hinawakan iyong kamay niyang katabi ng kamay ko at saka sumenyas na 'wag niya akong iwanan. "Tatanungin ko kung pwede ka pang bigyan ng pampaalis ng sakit, okay? Si Ate ang bahala sa 'yo," sabi niya at umiyak na naman siya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon