Kabanata 15

958K 21K 7.6K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 15 

My life had never been this quiet. Walang gumugulo sa akin... wala rin akong makausap. I didn't know if this was a bad thing but considering the things I have been through these past few weeks, I'd say that this silence was a breath of fresh air. At least ngayon may panahon na ako upang pagtuunan ng pansin iyong mga bagay na importante talaga.

Mari tried to talk to me but I just couldn't deal with any of that shit right now. Sawa na akong isipin iyong issue tungkol kay Shiloah. I just wanted to give that a rest. At para sa akin, wala na namang aayusin pa. It's useless to talk about something that you know could never be repaired. Para kang umaasa na mabuhay iyong patay. Para kang tanga na umaasa sa bagay na alam mong imposible namang mangyari.

And as it was, I didn't have any space for false hopes. I just wanna face everything head on.

Babe, have you eaten already?

Parker had been texting me non-stop. It's been about three days simula nung nagsabi siya sa akin na mayroon siyang gagawin. I didn't question him. I didn't bug him like I used to. I simply said okay and went on with my life.

That was almost easy.

But of course a part of me would always want to know kung ano nga ba ang nangyayari kay Parker. I love him—I really do... Pero dadating din pala talaga iyong panahon na maiisip mo na para ka ng tanga sa mga ginagawa mo.

Yes. I replied. Nagrereply ako kapag tinetext niya, sumasagot ako sa mga tawag niya. I didn't cut my communication with him. I just decided that worrying about something he'd never tell me was futile. Pinapasakit ko lang ang ulo ko. I'd just let things run its natural course.

Kung saan man pupunta 'tong sa amin ni Parker, bahala na.

I gave everything, yes, pero kung masasaktan at masasaktan lang naman din ako, I didn't think it's the wisest choice to make.

Naggrupo kami para sa isang subject ko. Unfortunately, ka-grupo ko sina Candy at Shiloah pati na rin iyong iba nilang friends. I took a deep breath. Sawa na akong magreklamo. I'd just suck this up and be done with this.

"San tayo magsisimula sa proposal?" I asked them dahil ilang minuto na simula nung binuo iyong grupo namin pero wala pa kaming napag-uusapan talaga. Magkakaroon kasi kami ng isang trial para sa business na gusto naming itayo. Preparation para sa tunay na thesis namin.

Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga 'to? Ni wala man lang sumagot sa akin dahil busy silang pag-usapan iyong party na aattendan nila.

"71G na lang. Please?" sabi ni Candy doon sa isa nilang kaibigan. Tinignan niya ng malagkit si Shiloah. "Pick me up at my place later?"

Tumango lang si Shiloah.

"Sweet. Thanks, baby," sabi niya kay Shiloah at saka hinalikan ito sa pisngi. Napailing na lang ako, mabuti na lang at walang nakakita sa akin. Ayoko ng gulo. At isa pa, maganda na rin na may ibang pagbabalingan ng atensyon si Shiloah. Masaya rin ako na confident na siya sa sarili niya. Good for him.

Dahil sa tingin ko wala namang akong mapapala sa mga taong 'to, kinuha ko na lang iyong laptop mula sa bag ko at saka nagsimula ng draft ng proposal namin. Kinuha ko rin iyong earplugs ko dahil mababaliw na ako kapag nakarinig pa ako ng salitang party mula sa kanila. Wala ba silang alam gawin kung hindi ang magparty?

I sighed as I stared at the empty document in front of me. Kaya mo 'yan, Imo!

I started typing. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila itong ginagawa ko... pero as if naman may sinabi sila sa akin kung ano ang gusto nilang mangyari. Pasalamat sila wala na akong energy sa isa pang away. Said na said na ako kay Mari at Parker pa lang. I just wanted to really get this done and over with.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon