"Jade, may gagawin ka after work?" Althea asked while we were busy checking the works of our planning team.

"Uhmm... wala naman. Bakit?" Sagot ko na nakatingin parin sa mga tracing papers na nasa desk.

"Tara, sama ka. Nagyayaya mga kaibigan ko. Konting inuman lang. Sama ka na, wala namang pasok bukas eh."

"Ha? Hindi ba nakakahiya? Tsaka baka ma-OP lang ako dun." Pag-aalangan ko.

"Ano ka ba! Kasama mo naman ako oh. Hindi ko hahayaang ma-OP ka. And besides, sigurado akong makakasundo mo ung mga kaibigan ko. Mga baliw din un tulad mo."

"Wow naman. Nagsalita! Ang yabang mo rin eh no?" Hinampas ko siya sa braso at nagtawanan kami.


...




SA BAR


"Ayun sila oh! Tara." Turo ni Althea sa tatlong tao na nakaupo malapit sa center area ng bar.

Habang hila-hila niya ako patungo sa pwesto ng mga kaibigan, pinagmasdan ko ang tatlo. There's one girl na maiksi din ang buhok tulad ni Althea pero medyo light brown ang kulay nito. Nakasuot pa ito ng red lipstick. The other girl has a long brown hair, at mukha itong ibang lahi. Napakaganda nito. The last one is a butch lesbian. I could tell from her boycut hair and rolled-up sleeves of her polo.

"Hello guys!" Bati ng kasama ko sa kanila habang hawak-hawak parin ang kamay ko.

"Althea!!!"

"Sa wakas nakarating ka, Tsong! Akala ko hindi mo na kami sisiputin eh." Biro nung butch.

"Siya ba ung sinasabi mong kapartner mo sa trabaho?" Tanong naman kagad ng babaeng mukhang ibang lahi na nakaturo at nakatingin sakin.

"Ah oo. Nga pala guys, this is Jade. The best project manager I've ever met!"

"Baliw!" Sabi ko at sabay-sabay kaming natawa dahil sa pambobola ni Althea.

Binanggit naman niya isa-isa ang pangalan ng mga ito. I found out that they call the butch lesbian – Batchi. The other girl with a short hair is Wila. At ung magandang babae naman ay nagngangalang Cathleen.


Althea was right once again. Nakasundo ko kagad ang mga kaibigan niya. Wala pang 30 minutes ay grabe na ang kwentuhan at biruan namin. I try to double the fun by throwing several jokes which even Althea thinks were funny.

After an hour ay napansin kong medyo may tama na ang tatlo. Napakabilis kasi nilang uminom. Si Althea naman ay wala pang katama-tama dahil pangalawang bote palang ng beer ang iniinom niya ngayon. Naka-limang bote na ako pero wala pa naman akong tama. Ayoko ring magpakalasing dahil magda-drive pa ako pauwi.

"Ano Jade, mahina ka rin bang uminom tulad nitong ni Althea?" Panunukso ni Batchi saming dalawa.

Halos maibuga naman ni Athea ang laman ng bibig dahil sa narinig niya.

"Mahina ka palang uminom? Ayy, wala 'to." Dagdag ko sa pang-aasar.

"Hindi ah. Sadyang ayoko lang talaga nang nalalasing at nagigising kinabukasan na may hang-over." Pagtatanggol naman ni Althea sa sarili.

"Wala. Weak!" Patuloy parin ang pang-aasar ko habang tawa naman ng tawa si Batchi.

"Tsong, lagi mo na ngang isama 'tong si Jade sa inuman natin. Para may kasama ako sa pang-aasar sayo." Tawa ulit ni Batchi na sinabayan ko naman.

"Sige, magsama kayong dalawa. Ganyan naman kayo eh!"

Itinigil ko muna ang panunukso, at kumuha ulit ng isa pang boteng beer.

Habang nakikipaglaro ako kayla Wila at Batchi ng isang hand game na inimbento daw nila, ay nakita ko from my peripheral vision si Cathleen na sinusubuan si Althea ng pagkain. Kahit malakas ang music sa bar ay narinig ko parin na tinanong ni Althea si Cathleen kung okay lang siya.


That made me smile secretly. Nakakatuwa kasi silang dalawa. Kanina ko pa napapansin ang pagiging sweet nila sa isa't isa, lalo na si Cathleen. Wala naman itong kaso sakin dahil halos ganun din kami ng mga kabarkada ko nung highschool at college.


Pero medyo nawala ang ngiti ko at nadistract ako bigla sa nilalaro namin when I remembered something because of Althea and Cathleen. More specifically... someone.




























Magkwento ka na kasi, Jade. Sino ba yang someone na yan? Si ex ba yan?




MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now