Handsome Guest

14.1K 382 51
                                        

Masayang lumabas ng elevator si Maine. Today signifies the first day of a new year and a new life for her. Dahil natanggap ang kuya Marco niya sa isang magazine publication sa New York, ang naiwang condo unit nito ang magiging bagong tirahan niya ngayon.

Hinatid pa niya sa airport ang nakakatandang kapatid para siguradong walang urungan na ito sa pag-alis. Who wouldn't want to have her own place? Your place. Your rules. Your freedom. Of course, ikaw din ang maglilinis. Pero ikaw din bahala kung kailan ka maglilinis di ba? Because there's no one around to nag you. 

Napangiti si Maine sa excitement. She loves Marco's place so she has nothing to add in its interior aside from her personal belongings. In the meantime, all she needs to do is to enjoy the private bliss, eat the take-out food she's holding, and then sleep til noon. 

Pero agad na nawala ang saya niya ng makita ang kalat ng kwarto pagbukas niya ng pinto. Empty bottles here, empty packs of chips there, and the frustrating mess of a confetti everywhere. May mga dishes pa na kailangan hugasan sa kusina.

"Urgh, ang baho!" Mabilis na tinakpan niya ang ilong gamit ang kamay. Tinignan niya uli ang kabuuan ng kwarto. It is obviously a scene from an after party. Narinig niya mula sa magulang na nagpa-farewell party dito ang kapatid at mga kaibigan nito.

Napabuntong-hininga siya. "Aalis na nga lang, hindi pa nilinisan. Si kuya talaga..."


Unang nilinisan ni Maine ay ang kusina. Habang nasa gitna siya ng paglalagay ng mga plato sa cabinet, biglang tumunog ang doorbell. Napakunot-noo si Maine dahil wala pa siyang sinabihan na titira siya sa bahay ni Marco. 

"Baka kaibigan ni kuya," bulong niya sa sarili at mabilis na pumunta ng pinto.

Nang buksan niya ang pinto, wala sa sariling napanganga sa istura ng lalaki si Maine. Matangkad ito, sobrang gwapo, at kadalasan nakikita sa telebisyon. Ilang beses na pumikit-pikit si Maine para siguraduhing hindi siya namamalikmata. Hindi nga...

Kaharap niya talaga si Alden Richards!

Sumilay ang isang malalim na dimple sa pisngi ni Alden pagkapansin sa naging rekasyon ng dalaga. "Uhm... Kapatid ka ni Marco?"

Napalunok si Maine bago tumango. Bilog ang mga mata na tinignan niya ng mabuti ang lalaki. Ang kislap ng mga mata nito, ang tangos ng ilong, ang kinis ng kutis, at – OMG – ang sarap rape-in ng mga labi!

"Pasensya na kung na-istorbo kita..." Walang narinig si Maine sa mga sinabi ni Alden kasi nakatutok lahat ng atensyon niya sa paraan ng paggalaw ng mga labi nito. Napakagat siya saglit sa ibabang labi niya para pigilan ang nagbabadyang tili. Sobra talaga siyang na-starstruck that any second now, baka himatayin siya sa saya.

"Idol kita..." hindi niya napagilang sabihin. Tumawa ito saglit sa gulat sa narinig at doon unti-unting natauhan si Maine. Agad na tinakpan niya ang bibig at tumingin tingin sa kung saan-saan huwag lang kay Alden. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi kaya bahagyang napatungo siya sa hiya. Nakakahiya ka, Maine...

"Pwede na ba akong pumasok?" nagdadalawang-isip na tanong ni Alden.

Agad na napatayo ng tuwid si Maine at naging alerto dito. "Bakit?"

Kahit si Alden ito, ang ultimate idol niya, hindi pa rin niya tatalikuran ang pagiging dalagang Pilipina niya. Bakit kailangan pumasok ni Alden? Siya na ngayon ang may-ari nitong unit, mag-isa lang siya, at lumalalim na ang gabi. Anong balak niyang gawin 'pag nasa loob na kami... ng kaming dalawa lang? Sobra ba siyang naakit sa ganda ko... ? Ganoon na ba ako ka-irresistible para umaksyon ng ganito si Alden... sa unang pagkikita namin?

My Mischievous ActsWhere stories live. Discover now