“Mamamatay-tao ka!”

Kaso hindi na iyon muling naulit nang may humila kay Bianca at itulak siya nang malakas. Hindi ko na nakita kung saan siya bumagsak o tumama dahil napapapikit na ako pero tiyak na mawawalan siya ng malay dahil malakas ang narinig kong kalabog.

“H-Heather…” Kahit na wala na akong halos makita’y napatitig ako kay Grant.

Kumurap-kurap pa ako para siguraduhin kung siya nga ang nasa tapat ko. Hindi ko alam kung paano siya nakarating dito. Basta ang alam ko lang ay umiyak agad siya nang makita ako. Pinunasan niya ang tumutulong dugo mula sa’king noo. Nanginginig ang aking mga balikat ngunit kahit isang patak ng luha’y walang bumagsak sa’kin.

“God… s-stay with me.” Tinapik-tapik niya ang aking pisngi. Nanginginig ang mga kamay niya… at nagpapanic siya. “P-Please, don’t close your eyes.”

Ngumiti ako. Ibinuka ko ang bibig pero walang lumabas na boses. Niyakap niya ako nang mahigpit. “I’d die before I’d let anything happen to you,” he said and he meant it as I closed my eyes.

He lifted me up. Napapikit ako pero gising ang diwa ko. Gusto ko na lang ngang matulog para hindi ko na maramdaman ang sakit.

“B-Bianca… wake up!” Narinig ko iyon. Pinilit kong muling dumilat. Ilang segundo lang ay nasa lapag na naman ang katawan ko. Napaluhod si Grant at nabitiwan niya ako nang magpaputok ng baril si Leo.

Humigpit ang hawak ni Grant sa’king kamay. Patuloy sa panginginig ang mga labi ko at natulala na lang nang inilapit niya ang mukha sa’kin para halikan ako sa noo. “I’d die before I’d let anything happen to you,” muling bulong niya.

Nagtindigan ang aking mga balahibo. I was so scared. Sobra! Alam kong may tama siya. Kaso hindi ko alam kung saan banda. Itinaas ko ang palad kahit wala na akong lakas para haplusin ang likod niya. Oh God! No…

Tumayo si Grant. Humarap siya kay Leo na may hawak na baril at nanlilisik ang mga mata. Hindi ko alam kung ano’ng lagay ni Bianca at bakit naging mukhang mabangis na tigre ang aura niya.

“Ano’ng ginawa mo sa kanya!?” Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang magsalita si Leo. Damn! He’s gonna kill…

“G-Grant…” sa wakas ay nahanap ko ang boses ko. Pero halos bulong lang iyon. “No… d-don’t!” Lumapit siya kay Leo. Gusto kong tumayo. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sumigaw. Kaso wala na… wala ng natitirang lakas sa’kin. Gusto ko ring muling pumikit pero nanigas na lang ako habang nakikipagsuntukan siya kay Leo.

Tila may milyon-milyong bulitas ang bumaon sa katawan ko nang naistatwa si Grant. Tumigil siya sa paggalaw. Nakatayo lang siya. Nakatalikod sa’kin habang unti-unti siyang bumagsak paluhod. Leo was still pointing his gun at him. Patuloy pa rin sa pagbaril. And I yelled and cried.

“No… G-Grant…”

“Wake up!” may tumapik sa pisngi ko. Napabalikwas ako. Hilam sa luha ang aking mukha. Nadilatan ko ang nag-aalalang si Leo. Nahigit ko ang hininga. May inaabot siya sa’king panyo. “You’re having a bad dream…” malumanay ang boses niya.

Marahil ay natatakot din siya sa nanlilisik na mga mata ng aming mga kasama dito sa Van. Ni hindi ko nga sila magawang tingnan. Sa kanilang mga kumikinang na sapatos at kay Leo lang ako nakakatingin.

Gumagalaw ang balikat ko. Ilang beses akong humugot ng malalalim na hininga. Hindi ko kinukuha ang panyo kaya si Leo na ang nagpunas ng aking mukha. Para akong tanga. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.

Pasalamat ako kasi nailabas ko ang luhang matagal ko nang kinikimkim. Pasalamat ako kasi panaginip lang iyon. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ang panaginip lang. Kasi totoo pa rin ito. Totoo si Leo. Totoo si Bianca. Totoo na malayo pa rin ako sa’king pamilya.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat