"Okay lang kahit mag isa ako"

"Hindi. Buntis ka. Delikado at madaling araw ka mamalengke. Mas maige nang may kasama ka. Okay lang naman sayo bro diba?"

Pare-pareho kaming tumingin kay Keehan.

Walang pag aalinlangan sa mukha nya nung tumango sya kaya yung puso ko, akala mo'y nanalo sa Miss Universe sa sobrang saya.

"Ayan! Nakaligtas na si Kiefer sa toka nya sa pamamalengke. Madaya!" Hinaing naman ni Kuya Derrick at nagtawanan nalang kami.

Nung matapos kami manuod ng OTWOL, umakyat na kami ni Keehan sa kwarto.

"Marumi sa palengke, mabaho, masikip, hmmmm... ano pa ba?"
kasalukuyan ko syang tinatakot para di na sya sumama bukas. Baka kasi magreklamo sya pag nakarating na sa palengke.
Rich kid pa naman! Baka hindi pa nya naeexperience pumunta sa sea food section sa palengke.

"I know and I'm well aware of that" tumingin ako sa kanya saglit.

"Weh?" Sabi ko bago sya tinalikuran.

Lumapit ako sa kutson nya at ipinaglatag sya.

"I've been to wet market. Literally wet coz You badly need to ride on a boat to be able to cruise the whole place." Aniya.

Ngumuso naman ako pero patuloy lang sa ginagawa.

"saan naman yan? Ang oa ha" komento ko.

Tumawa sya bago sumagot.

"Floating market in Thailand"

Natigil ako sa ginagawa ko dahil tapos na rin naman ako sa pag aayos ng higaan nya. Nilingon ko sya ng nakataas ang isang kilay.

"Edi ikaw nang sossy! Oh sya tulog na at maaga pa tayo bukas mamamalengke!"

Umupo ako sa kama ko habang nanatili naman syang nakatayo at nakatingin sakin.

"Tunganga pa more. Tulog ka na" ipinasok ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot at naghahanda na sa pagtulog kung hindi nya lang ako ginambala.

Naramdaman ko ang gabi gabi kong nadarama. Yun ay ang paglubog ng kama ko dahil humihiga sya sa tabi ko.

"Ayan ka nanaman eh! Dun ka na sa sahig keehan" tinutulak ko sya pabagsak ng kama. Di naman sya masasaktan dahil sasaluhin sya ng kutson nya sa sahig.

"gabi gabi mo nalang ako pinagtatabuyan." aniya.

Tumaas ang gilid ng labi ko kasi ang cute nya pag nagpapaawa.

"Hay naku" kinamot ko ang kili-kili ko. "Nangangati ang kili kili ko sa kakulitan mo!" Umirap ako at tumawa lang siya.

Pinulupot nya ang braso nya sa bewang ko at hinalikan ako sa balikat ko.

"About that..." nakapikit na ko eh. Nagsalita nga lang ulit sya.

"Ano?" Tanong ko.

"It's itchy because you have to shave your under arm Kobe"

Namilog ang mga mata ko at milyon milyong mura na ang nasabi ko sa isip ko.
Tangina!! Ano daw?
Niloloko nya ba ko?

“A-anong sabi mo?” di kasi talaga ako makapaniwalang sinasabihan nya akong magshave! Nakakaloko diba?

Kinagat nya ang ibabang labi nya habang nagpipigil ng ngiting nakatitig saakin.

“Well, your under-arm is kind of….” Lumabas na ang malaking ngiti nya. Mukha natatawa talaga ang gunggong. “Hairy?”

Kasabay ng pagbigkas nya ng katagang hairy ang paggunaw ng mundo ko!
Hindi ako makapaniwalang sinasabihan nya ng mabuhok ang kili kili ko.
King ina talaga! Nakakahiyaaaaaa!!!

At The Age Of 18 (complete)Where stories live. Discover now