Chapter 35

12.1K 420 129
                                    

A/N: ang hilig ko talaga mag Authors note. Haha.


Anyway, pagpasensyahan nyo na kung may mura sa mga updates ko.


Hindi po ako nagmumura sa totoong buhay. Sa mga sinusulat ko lang para mas mabigyang buhay ang karakter ng mga characters. WAHAHAHA. Redundant!


Di po ako Trashtalker. Trashwriter lang. Lols


Kbye!



Chapter 35



Ang ARAW ay parang kotse sa highway. Mabilis dumaan!


Parang pagmamahal sayo ng syota mo. Mabilis Lumipas!


Parang Relasyon nyo, Mabilis na natapos!



December 24 na kasi! Kaunting kembot pa at 25 na! Kaunting oras nalang at Birthday na ni papa Jesus! Ngayon nga lang kami mag chi-christmas Shopping eh! Bibili kami ng pangregalo sa mga bata batutang mamamasko bukas!



Sabi ko nga kay Keehan, bigyan nalang namin ng dos ang mga mamamasko!


Sabi nya, ang kuripot ko naman daw. Dagdagan naman daw namin kahit isang pirasong beng-beng! Kaya eto... nasa SM kami at nakiki-trend sa mga humahabol sa pagbili ng noche Buena.


Bibili kami ng maraming box ng beng-beng para may maipamigay kami bukas!




"What do you want for Noche Buena?" tanong nya sakin.



Natuwa naman ako bigla.


Kapag kasi Pasko, madalas spaghetti lang na bigay ng mabubuti naming kapitbahay ang pinagsasaluhan namin. Naeexcite tuloy ako kasi tinanong nya ko kung anong gusto kang ihanda.



"Graham!" sabi ko kaagad with matching palakpak pa.


Ngumiti sya at parang natuwa sa itsura ko.



"okay. Anything else?" tinulak nya yung malaking grocery cart habang lumilinga sa mga paninda.



Alam nyo bang pangarap kong makapuno ng isang grocery cart?


Pag kasi nananalo kami sa Jueteng at nag-gogrocery kami, maliit na basket lang ang kaya naming punuin. Nagtitipid eh!



"Fiesta Ham" masayang sabi ko pa.


Mukha na ata akong taga bundok na ngayon lang nakatapak sa supermarket. hahaha



Kumuha sya ng packs ng graham at ilang lata ng condensed milk tsaka Nestle cream.



"ano pa?" tanong nya.



Mukhang kahit anong sabihin ko, handa nyang bilhin. Sige na nga, minsan ko lang abusuhin ang pagiging mayaman nya kaya.... "queso de bola, Fruit salad, Lasagna, Coffee Jelly, Palabok, Pizza, Menudo, Kare-kare, Adobo, Pork Steak, Pancit canton, Sardinas, Ulam king at Chicharon ni mang juan!"



Napanganga sya.


Nagtaas naman ako ng kilay.



Umiling sya tsaka napatawa.


"bakit may nakasamang chicharon ni mang juan?" natatawang tanong nya.



"para may snack" sagot ko.


Sorry ha! pag mahirap kasi, Chicharon lang, solb na!



"okay" kinagat nya ang ibabang labi nya habang nakangiting nagpipigil ng tawa.


Hinila nya ko sa kamay para maidikit nya ko sa katawan nya.


Marami kasing tao na namimili ngayon. Baka natatakot syang mawala ako.

At The Age Of 18 (complete)Where stories live. Discover now