SHATTERED GLASSES

Start from the beginning
                                    

Natagalan siguro siya sa paghihintay ng kwento ko kaya bigla siyang tumayo. Akala ko ay babalik na siya sa pwesto niya pero nagtaka ako nang i-offer niya sakin ang kanang kamay niya.

"Tara." Aya niya sakin.

"Ha? Saan naman tayo pupunta?" Even though I don't really know what her plan is, tumayo din ako at dahan-dahang ipinatong ang kaliwang kamay ko sa kamay niya.

"Basta. Sama ka nalang sakin." Halata ang pag-iingat niya sa paghawak ng kamay ko dahil nga namamaga pa ito. Sweet.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng elevator at pinindot ni Althea ang button na nasa pinakababa ng panel. I have no idea where it leads, pero naramdaman kong umaakyat ang elevator car. Isang parang fire exit door ang una kong nakita nung bumukas ang pinto ng sinasakyan namin. Pagkalabas naman namin ay napansin kong may malalaking shelves na nakapaligid sa maliit na kwartong un. Ang laman ay puro mga clear glass na halos 1 meter by 1 meter ang laki ng bawat isa, pero hindi ganung kakapal ang mga ito. May mga bola naman ng billiards sa pinakababa ng isang shelf. Nagtaka naman ako kung para saan ang mga un.

"Teka. Dinala mo ba ako dito para magbilliards tayo? Alam kong may pustahan tayo, pero Althea naman. Next time na natin gawin 'to." Sabi ko sa kanya habang busy siya sa pagkuha ng mga clear glass na mukhang magaan naman pala dahil nakaya niyang buhatin ng sabay-sabay.

Tinawanan niya lang ako at sinabing kumuha ako ng limang bola. Sumunod naman kagad ako sa kanya nung buksan niya ang fire exit door na meron palang password. Nakailang pindot si Althea bago ito tuluyang bumukas. Natulala naman ako bigla nang marealize ko kung nasaan kami.

"Bakit mo naman ako dinala dito? Eh ako ang may problema, tapos nandito tayo sa hiding place mo? Minsan ang labo mo rin eh." Nagtatakang tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko sa rooftop ng building namin.

Honestly, hindi ko ineexpect na ganito ang itsura ng lugar na 'to. Sa ganda ba naman ng design ng building na 'to tapos ang rooftop pala, ganito kakalat? Maraming basag na salamin at kung ano-ano ang nakasulat sa pader. Curse words and names of people I don't know.

"Game. Simulan mo na?" Saad niya habang hinihila niya ako papunta sa isang side ng lugar.

"Simulan ang alin?" Tanong ko ulit habang hawak-hawak parin ang mga bola ng billiards.

"Kita mo yang limang nakahilerang salamin? Batuhin mo. Basagin mo gamit nyang mga bola na hawak mo. Dyan mo ilabas lahat ng galit mo. Para mabawas-bawasan naman." Sagot niya.

Nakita ko ang mga salamin na bahagyang nakasandal sa kabilang side ng rooftop. Malayo ang mga ito sa pwesto namin.

"Dali na, Jade. Go na. Isipin mo mukha ng ex mo ung salamin."

Bumalik ang tindi ng galit ko nung banggitin niya ang salitang 'ex' kaya naibato ko bigla ang isang bola na malakas namang tumama sa pinakaunang salamin. Nagulat ako dahil totoo nga ang sabi ni Althea. Nabawasan nga kagad ung galit ko nung marinig at makita kong nabasag ung salamin.

Tinignan ko ang kasama ko at ngumiti lang ito sabay tango; encouraging me to keep going. And I did. Palakas ng palakas ang bawat hagis ko. Sinabayan ko narin ng malalakas na sigaw. Nakalimutan ko na nga ang namamaga kong mga kamay. At late ko narin narealize na umiiyak pala ako.

When I did my last throw, dun ko lang totally nafeel ang pagod. I felt so drained; physically and emotionally. Malapit nang bumigay ang mga tuhod ko. And for the first time today, si Althea naman ang nagulat sa sunod na ginawa ko.



I hugged her tight without a second thought.



It took her a few seconds to move and hug me back, but I was so thankful for those arms that wrapped my waist with equal tightness. Those arms that suddenly made me feel okay. Those arms that suddenly made me feel...












Safe.











"Thank you." I whispered.



MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now