CHAPTER TWENTY-FOUR

Mulai dari awal
                                        

A part of me is grateful dahil nagkaroon ng mabait at mapagkuwentong kaibigan si kuya Ark but another part of me is scared na baka sa sobrang close nila ay maagawan ako ng isang best friend at kakampi. I mean, baka mawalan na ng time paminsan-minsan sa akin ang kapatid ko kasi ito na ang lagi nitong kasama, idagdag pang classmates sila. However, after all, I still like Violet as my kuya Arkadee's classmate and new close friend. Mabait naman kasi at mukhang mapagkakatiwalaan.

Nang tuluyan akong makarating sa aming room ay sinalubong din ako ni Dessica.

''Good morning, Meg! Pasensya na nga pala sa nangyari kahapon ah? Yung bruhildang Violet naman kasi na 'yon!'' aniya at ikinapit ang isang kamay sa braso ko.

Magkakaiba pala talaga ugali ng mga tao sa mundo. Mayroong magpagpakumbaba at buong loob na aamin sa kasalanan saka hihingi ng pasensya sa nagawa at mayroon ding oo nga't magsosorry sa nagawa pero isisisi pa sa iba ng mali. And I think, Dessica's on the latter.

''Okay lang 'yon. Huwag n'yo nalang ulit uulitin.'' simpleng sagot ko saka tipid na ngumiti at naupo sa tabi ni Kirsten.

''I heard what happened yesterday. Ang hot ng kuya mo ah!'' ani Kirsten habang nakangiti ng nakakaloka nang tuluyan akong makaupo sa kanyang tabi.

Bahagyang tinampal ko ang baliw. ''Huwag ka nga! Magpinsan kayo!''

''Ano?!'' humalakhak siya. ''Gaga. I know! Ang malisyosa mo! Taken na ako 'no!''

''Nino?'' napangisi na rin ako. ''Ni Trakes?''

''Secret!''

''Sus! Hindi naman kasi kayo masyadong obvious 'no!'' I stated sarcastically.

''Hmmp! Inggit ka lang kasi wala kang love life!'' asar nito pero sa birong pamamaraan. ''Ba't 'di mo pa kasi sagutin si Cedric para maging colorful naman 'yang college life mo 'no! Like haler, second year college and still no boyfriend? Duh!''

''Pa'no ko sasagutin gayong hindi nga nanliligaw!'' tatawa-tawa kong sagot.

''Sus, hindi pa ngayon pero humanahap lang 'yon ng tiyempo. Liligawan ka din no'n isa sa mga araw na 'to!''

Hindi na ako nagsalita pa at tumawa na lamang nang tumawa. Kung anu-ano kasing pinagsasabi ng isang ito!

Nang matapos ang dalawang first subjects namin at dumating na naman ang one hour vacant. Kinaladkad na naman si Kirsten sa kung saan ni Trakes. Date na naman malamang. They even both offered me to go with them but I refused to. Bukod sa nakakahiya at nakakaistorbo ako sa dalawa na mukha lang akong chaperon nila, eh may gagawin pa akong assignment sa aming Calculus.

Hindi kasi ako nakapagpaturo kay kuya Arkadee kagabi kasi nang pumunta ako sa kwarto niya, tulog na siya. Ayoko namang istorbohin s'ya sa magandang tulog niya para lang magpatulong sa assignment ko. Masyado na akong nakakaabala no'n. Kaya mag-isa ako ngayon dito na nakaupo sa isang bench sa tapat ng building namin at nagpapakahirap na gumawa ng assignments, ang hirap pa naman! Panay tuloy ang kamot ko sa ulo habang sumasagot. Swear, ang gulo ng math!

Nasa kalagitnaan na ako ng solving ko nang may bigla namang taong sumulpot sa likuran ko at marahang tinakpan ng dalawang mga kamay niya ang aking mga mata. Lalaki ito dahil may kalakihan ang mga kamay ngunit malambot iyon. Binuhayan tuloy ako ng pag-asang sa wakas ay may makakatulong na rin sa akin sa assignments ko.

''Kuya Ark?'' nakangiti ko pang panghuhula.

''Wrong.'' aniya at pinakawalan na ang mga mata ko.

Nilingon ko ito at nakita si Cedric. ''Uy, Ric, ikaw pala 'yan!''

Pinaghalong tuwa at pagkadismaya ang naramdaman ko. Pagkadismaya dahil hindi pala ito si kuya Arkadee at tuwa din naman kasi kahit papa'no, hindi ako mag-iisa ngayon. Thanks to Cedric.

Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang sinasagutan ko. ''Assignment sa math?''

Nahihiyang tumango ako at pasimpleng sinarado ang notebook ko. Matalino pa naman ang isang 'to sa math kaya paniguradong madali nitong makita ang mga mali sa sinagutan ko.

''Vacant mo ngayon 'di ba? Why so alone?'' aniya.

''May pinuntahan kasi sina Kirsten at Trakes.''

''Date?''

''Siguro.''

''Hindi ka ba nalulungkot o minsan nai-insecure sa mga friends mong girls na taken na? I mean, hindi man lang ba sumagi kahit minsan sa isip mong magka-boyfriend na rin para hindi ka na nao-OP tuwing may lakad ang mga kaibigan mo kasama ng mga boyfriends nila?''

Napaisip bigla ako sa tanong niya. Well, since high school and until now, hindi pa naman talaga sumagi sa isipan ko ang mag-boyfriend para lamang makasabay sa mga kaibigan kong mga taken. Wala naman akong insecurity sa katawan lalo na sa mga ganyang bagay. I'm already contented with what I have now; complete and happy family, cool and funny friends, closest brother, my brain, my natural features that I'm always proud of, talents, and excellent grades in school.

Pero ngayon, naging palaisipan na rin talaga ang sinabi ni Cedric. Oo nga naman, ba't hindi ko i-try ulit? Yung tipong gusto ko at willing ako, hindi tulad noong high school na napilitan lamang ako dahil ang hirap i-reject nung guy na sobra-sobra ang effort na ginagawa everyday. Why not? Baka sakali nga namang pagnagka-boyfriend ulit ako ngayon, baka hindi na ako ma-OP pa at maging sobrang atensyon seeker sa mga kaibigan kong may sari-sarili ding mga buhay, especially to kuya Arkadee.

''Alam mo, alam ko na kung ba't hindi ka pa nagbo-boyfriend hanggang ngayon. Masyado kang babad sa pag-aaral!'' siguradong saad niya. Pagkatapos ay tumayo siya at marahang kinuha ang braso ko dahil mukhang may pupuntahan itong balak pa akong isama. ''Enough with the studies first. Magpakasaya ka naman kahit minsan lang. Let's go!'' anito at naglakad na papunta sa kung saan habang hila-hila ako.

''Where are we going, Ric?'' tanong ko.

''To the real world kung saan malalayo ka pansamantala sa kalbaryo ng pag-aaral.''

Natawa na ako. Kung anu-anong pinagsasabi nito!

Tumawa rin ito at nagpatianod na lamang ako sa kanya. Who knows? Baka ito na nga ang susi upang maenjoy ko nga ang tunay na mundo maliban sa pag-aaral at pag-aalala sa mga bagay-bagay sa paligid ko.

If Only (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang