CHAPTER TWENTY-FOUR

Comenzar desde el principio
                                        

''Meg, where are you going?'' ani kuya Arkadee.

''Bababa ako at magtataxi pauwi. Mas mabuti na iyon kaysa ang manatili dito sa loob!''

''Meg, I'm sorry for this trouble. Ako nalang ang bababa.'' Violet even volunteered.

''Wag na! Ako nalang!'' huling sinabi ko at padabog na sinarado ang pinto ng kotse.

Tama namang pagkababa ko ay namataan ko ang kotse ni Trakes na papadaan dito kaya agad ko na itong pinarahan. Pagkahinto palang sa tapat ko ay binuksan ko na kaagad ang front seat at walang paalam na umupo rito.

''Pasabay.'' simpleng sabi ko lamang habang naglalagay ng seatbelt.

''Meg, may date ako ngayon.'' agad pang reklamo ni Trakes.

''I don't care! Just drive me home first!'' galit ko pang utos.

''Take care of my sis, Trakes!'' bilin pa ni kuya Arkadee'ng nakabukas ang bintana ng kotse.

Napakamot sa ulo si Trakes at nakabusangot na tumango. ''I know.'' walang kaamor-amor na aniya saka sinarado ang bintana at pinatakbo ulit ang sasakyan.

''What happened, Meg? Mukha kang badtrip.'' nauna rin itong nakipag-usap sa akin sa kalagitnaan ng biyahe.

Naka-crossed arms ako at nakabusangot ang mukha na diretso ang tingin sa daraanan. ''Nakakainis yung dalawang babae! Nakisabay na nga lang sa amin ng kapatid ko, gumawa-gawa pa ng gulo!''

Natawa s'ya bigla. ''Anong pinagkakaguluhan? Si Arkadee?''

''Oo, si Arkadee!'' I stated then rolled my eyes in the air.

''Naks! Gwapo talaga ni Ark!'' humalakhak siya. ''How I wish to be in his shoes. Yung pinag-aagawan ng chicks! Saya siguro no'n 'no?''

Bahagyang inayos ko ang eye glasses ko then I rolled my eyes again. ''I'm thankful you're not in his shoes!''

Kinaumagahan, medyo nabigla ako nang sinadya talaga akong abangan ni Violet sa gate para lang humingi ng pasensya sa hindi magandang nangyari kahapon.

''Look, Meg. I'm sorry sa nangyari kahapon. May kasalanan din ako kung bakit kami nag-away nung classmate mong iyon, sorry talaga.'' buong pagpapakumbaba at sinsiro nitong paghingi ng tawad.

I smiled softly. ''It's alright now. Alam kong hindi mo rin naman intensyong makipag-away kay Dessica kaya okay na 'yon. Move on na tayo.'' sincere ko ding pagpapatawad.

Violet is a truly kind and sincere person kaya sino ba naman ako para hindi siya patawarin 'di ba? And besides, kung tutuusin, may punto naman talaga siya sa mga sinabi niya kahapon kay Dessica. Okay, don't get me wrong, I'm not taking sides here. What I'm just trying to say is that, we can forgive then forget.

Niyakap niya bigla ako. ''Thanks dahil naiintindihan mo, Meg.''

Tumango na lamang ako at nang dumistansya ulit ay tinanong naman niya ang tungkol sa kuya ko. ''Si Ark? Hindi kayo magkasabay ngayon?''

''Magkasabay. Nag-park pa kasi iyon ng kotse n'ya.''

''Ah kaya pala. 'Kala ko, hindi kayo nagsabay. By the way, let's go. Sabay na tayo papunta ng mga building natin.''

Tumango ako at nagsabay na nga kami. Hindi naman nagkakalayo ang building ng Nursing sa building ng Arts Major kaya hindi na rin masama kung magsasabay kami. Habang naglalakad nga ay nagkukwento siya sa akin ng kung anu-ano tungkol sa iba't-ibang mga bagay na obserbasyon niya kay kuya Arkadee. Well, base sa mga kwento niya, tila alam at nakikilala na talaga niya ito ng maigi. Lagi rin naman kasing magkasama ang dalawa kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit mukhang ang dami na niyang alam tungkol sa kuya ko.

If Only (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora