CHAPTER TWENTY-FOUR

Magsimula sa umpisa
                                        

Nagulat ako sa kanyang itinatanong. Pa'no niya nalaman 'yon? Well, aaminin ko na, these past few days, lumalabas at gumagala nga ako kasama si Cedric.

''You're going out with Cedric, Megan Deborah?'' seryoso ang tono at mga matang nakatingin sa akin sa salamin na turan ng kapatid ko.

Mag-i-istrikto na naman 'to, panigurado!

''Uhm.. yeah. Pinauunlakan ko naman yung iilang invitations niya, kuya, and he's fun to be with!'' pa-cool pero kinakabahan ko ring sagot.

Humalakhak si Violet. ''Ayan, mukhang ni-nerbyos pa si baby sis bigla, kuya! Bawas-bawasan naman po kasi dapat ang pagiging istrikto at over protective!'' asar pa niya sa binata.

''As the closest brother, normal lang naman sa akin ang mag-istrikto at maging over protective ng ganito sa kapatid ko lalo na sa mga ganitong klase ng aspeto. I just don't want my lovely sister to get a worst in this life.''

''Correct! Kaya proud ako sayo eh! Sana may kuya din ako kagaya mo, Ark!'' biglang singit ulit ni Dessica.

Tumaas bigla ang isang kilay ni Violet. ''Gusto mo lang palang magka-kuya ng kasing kisig, gwapo, at over protective na gaya ni Arkadee kaya inaagawan mo ng pwesto niya diyan sa front seat si Megan. Uh oh!'' mataray pang sinabi niya.

''Anong sinabi mo!'' nagtaas bigla ng boses si Dessica.

''May gusto ka lang yata kay Arkadee kaya nakikisawsaw ka lagi sa magkapatid.'' patuloy pa ng katabi ko.

''Hindi 'yan totoo! At kung may gusto nga naman ako kay Ark, wala ka ng pake do'n!''

''Oh edi lumabas din ang totoo! Pinalalabas mo lang na laging may pinupuntahang importante ang sundo mo para makasingit ka sa magkapatid at inaagawan mo pa talaga ng pwesto diyan sa front seat ang kapatid ni Ark. Delikadesa nga kahit konti lang, babae ka pa naman!''

''Wala kang alam kaya 'wag mo akong husgahan!'' tila pikon na pikon na si Dessica.

''Hindi naman ako manghuhusga kung hindi ko nakikita ang mga hinuhusga ko sayo.'' patuloy naman sa pangasar ni Violet.

''You, bitch, shut up!''

Violet laughed sarcastically. ''Kung bitch ako, ano ka naman? Isang whore na makapal ang mukha na ang lakas ng loob na agawan ng pwesto niya si Megan sa tabi ng kapatid niyang si Ark. Whore!''

''Urgggh!'' inis na inis na sumigaw si Dessica.

''Hahaha!'' tatawa-tawa lang naman si Violet.

''Maldita ka!''

''Naman!''

''Impokrita at feeling perfect!''

''Makapal ka naman.''

''Girls, stop it.'' mahinahon ngunit madiing utas ng kapatid ko.

Ngunit hindi pa rin nagpapigil ang dalawang babae at patuloy pa rin sa pagtatalo.

''Dess, tama na.'' saway ko na kay Dessica.

''Violet, tama na 'yan.'' si kuya naman ang sumaway sa kanyang kaklase.

''Bitch!''

''Makapal na whore!''

Uminit na talaga ang ulo ko. Like hell! Nakikisabay lang sila nito ha! ''Sinabing tumigil na kayong dalawa! Ang iingay ninyo! Parang mga wala kayong pinag-aralan!'' singhal ko sa mga ito na ikinabigla at ikinatahimik nga ng dalawang nag-aaway. Tiningnan ko si kuya Arkadee sa salamin. ''Stop the car, kuya.''

''Meg-''

''I said just stop the car!''

Tila nagulat ito sa biglang pagtaas ko ng boses at madaling ipi-nark ang kotse sa harapan. Nang tumigil ito ay kaagad kong kinalas ang seatbelt ko at binuksan ang kotse.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon