''Ah.. may bibilhin pa kasi ako diyan sa tabi, kay Megan nalang siguro ako sasabay.'' sagot nitong parang nahihiya.
''Oh? Diyan lang naman sa tabi, daanan nalang natin. Halika na.'' patuloy pa ng pinsan ko nang tuluyang makapasok sa kotse.
''Ah.. kasi.. ang totoo niyan, ayoko munang umuwi ng ganito kaaga kasi may problema ngayon sina mommy at daddy eh, kaya mamaya na siguro. Maraming salamat nalang talaga, Kirs!''
''Sigurado ka ba?''
''Oo.''
''Kung gano'n, sige, mauna na ako sa inyo. Bye, girls!'' aniya pa at nagbeso sa akin.
''Bye, take care.''
Isinarado na niya ang kotse at hindi kalaunan, naglaho na ng tuluyan ang mga ito sa aming paningin.
''Okay lang ba talaga na sumabay ako, Meg?''
Binalingan ko si Dessica. I nodded on her.
''Pero sabi mo, ayaw mo pang umuwi agad 'di ba? dahil may problema mom and dad mo sa bahay n'yo. Ilang sandali lang baka dumating agad si kuya at umuwi din kaagad kami.''
''Gano'n ba? Okay lang. Mas mabuti nga 'yong harapin ko family problem namin sa bahay 'di ba? kaysa ang umiwas at takbuhan ang mga problema.'' aniya.
Kumunot bigla ang noo ko sa pagtataka sa itinuran niya. Kanina ang sabi niya kay Kirsten, ayaw pa niyang umuwi, then all of a sudden, ang sabi niya sa akin okay lang na umuwi na s'ya kahit may problema sa bahay nila. Ano ba talaga, Dess? Seriously, ang gulo mo!
Hindi nagtagal, namataan ko na ang paparating na kotse ng kapatid ko.
''Gosh! Nand'yan na s'ya!''
Narinig ko pang bulong ng katabi ko na tila excited at pasulyap-sulyap sa hawak niyang maliit na salamin.
Mukhang alam ko na ang totoong pakay ng babaeng 'to kung bakit atat na atat na makisabay sa akin sa pag-uwi. Dahil pala sa kuya Arkadee ko! Seriously, Dess?
Duda na tuloy ako kung may problema ba talaga sa bahay nila o kung hindi ba talaga s'ya masusundo ng daddy niya ngayong araw. O baka naman..
''Meg!''
Naputol ako sa aking pag-iisip nang namataan na nasa harapan ko na pala si kuya Arkadee. Nakabukas ang binata ng sasakyan nito at nakabungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Bumakas tuloy ang dimples niya sa bawat gilid ng labi at napahugot ako bigla ng hininga.
''Hi, kuya!''
''Let's go?''
Tumango ako. ''Pero may makikisabay nga pala sa atin na classmate namin ni Kirsten, kuya. You still remember Dessica?'' itinuro ko ang katabi ko.
Tinapunan lang ng saglit na tingin ito ni kuya at bumaling ulit sa akin. ''Familiar.''
''Ako yung kaibigan at kaklase nina Megan at Kirsten mula pa nang first year. Minsan pa nga kaming nakapunta ng bahay ninyo noon para gumawa ng project kasama ng iba pa naming mga kaklase.'' si Dessica na mismo ang nagpakilala ng sarili sa kapatid ko.
''Hindi ko na maalala eh.'' balewalang sagot ni kuya Ark.
Nalukot naman bigla ang mukha ng babae. ''Gano'n ba? Sayang naman.'' Ngumiti ulit ito. ''Di bale na, makakapunta pa naman kami ulit siguro sa inyo kapag may mga projects ulit kami na gagawin sa iba't-ibang subjects namin.''
Nanahimik ang kapatid ko habang nakatuon ang mga mata sa akin.
''Ah.. okay lang ba kung sumabay muna ako sa inyo sa pag-uwi ngayon? Hindi kasi ako masusundo ng daddy ko.'' patuloy pa rin sa pagsasalita ni Dessica.
''Yon ay kung okay lang kay Meg?'' ani kuya nang hindi inaalis ang paningin sa akin.
Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Dessica. ''Okay naman daw sa kanya. Kanina ko pa nga tinatanong eh, ilang beses na, at sabi niya okay lang daw talaga. 'Di ba, Meg?''
Suminghap ako tsaka tumango.
''Kung gano'n, let's go. Baka marami pang homeworks na gagawin si Megan sa bahay.'' anang kapatid ko.
I stepped closer into his car. Binuksan ko ang pinto sa tabi niya at akmang papasok na sana ako nang bigla akong pigilan sa braso ng classmate ko.
''Ako nalang muna sa front seat, Meg, para maturo ko sa kanya yung daan papunta sa bahay namin.'' anito at hindi pa ako nakakapagsalita ay nauna nang pumasok sa loob at umupo sa tabi ng nakatatanda kong kapatid.
Nalukot ng tuluyan ang mukha ko at nasira ang mood na hinayaan ito. Pumunta ako sa back seat at doon na lamang umupo. Chill, Meg. Ngayong araw lang naman ito. Ngayon lang 'to!
''Sa'n nga pala yung tindahan na pagbibilhan mo? Tsaka ano nga ulit yung bibilhin mong binanggit mo kanina kay Kirsten?'' tanong ko rito nang nagbibiyahe na kami.
''Ah 'yon ba? Wala na. Okay lang, next time ko nalang bibilhin, hindi naman gano'n 'yon kaimportante. Diretso nalang tayo sa bahay.''
''Sigurado ka?''
Tumango ito tapos bumaling sa kapatid kong busy sa pagda-drive. ''Mahirap ba ang arts major?''
''Hindi naman.'' tipid na sagot ni Arkadee habang hindi inaalis sa kalsada ang paningin.
''Talaga? Parang gusto ko na tuloy mag-shift!'' natatawang biro nito.
I secretly rolled my eyes. Dessica's thing.
''Kapag magsi-shift ako, ia-accomodate mo ba ako?'' patuloy pa rin nito na dinadaan sa biro ang tono.
''2nd sem sa first year at 1st sem sa second year lang ang panahon na makaka-shift ang isang estudyante. Hindi na yata pwede sa 2nd sem sa second year, masyado nang late 'yon.'' ani kuya Arkadee.
Nakita ko naman ang tila pagkapahiya ng babae at napakagat-labi pa ito gayunpaman, hindi pa rin ito tumigil. ''Kami naman sa Nursing, minsan mahirap, minsan din hindi pero enjoy naman. 'Di ba, Meg?'' nilingon pa ako.
Tataas na sana ako ng kilay at sisinghalan ito na 'bakit? nagtatanong ba si kuya? nagkukwento ka, hindi naman nagtatanong ang pinagkukwentuhan mo!'. But instead of voicing that out, I chose to just nod and show her I agree. Rude naman kapag lagi ko nalang na pagtatarayan.
''Kitams! Agree ang kapatid mo!'' sabi pa nito sabay halakhak.
Nanatili kaming tahimik na magkapatid at si Dessica lang talaga itong talak nang talak. ''Close talaga kayong dalawang magkapatid 'no? Mula pa man noon?''
Tiningnan ako ni kuya mula sa salamin saka tumango s'ya sa tanong nito. ''Very close.''
Nakipagtitigan rin ako sa kanya sa salamin at pakiramdam ko, matutunaw ako sa lalim at kaseryosohan ng kanyang mga mata. Nauna naman siyang umiwas para mag-focus ulit sa daraanan.
''Sabi nga ni Kirsten sa akin noon, ang galing-galing mo daw sa math tapos si Megan daw, mahina raw do'n kaya lagi mo raw tinuturuan. Ang galing mo nga talaga siguro!''
Nagulat pa ako sa tinuran ni Dessica. Although, yes, mahina naman talaga ako sa math pero bakit kailangan pa nitong i-open ang usaping iyon?!
God, patience Megan Deborah! Patience!
''Magaling naman si Megan Deborah sa maraming aspect. Sports, singing, academics, etc. pero sa math, although, hindi gaano pero madali siyang natuturuan at madali niyang nakukuha ang mga itinuturo sa kanya.'' pagtatanggol sa akin ni kuya.
Tila napahiya naman ito at idinaan nalang sa tawa ang mali. ''Hehe. Oo naman! Magaling naman talaga si Megan! Syempre, kapatid mo eh!'' awkward!
Tiningnan ko ang kapatid kong nakatingin sa akin sa salamin. Nginitian ko siya ng napakaganda at nginitian din niya ako ng banayad. So, he's still my kuya Arkadee, huh? Yung kuya na lagi kong kasangga at kakampi.
I'm so happy!
YOU ARE READING
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...
CHAPTER TWENTY-THREE
Start from the beginning
