''Ikaw? Sa tingin mo, mahirap maging Engineer?'' siya naman ang nagsalita.
Agaran ang pagtango ko. ''Sa tingin ko palang mahirap na talaga! Math!''
''Pero mas mahirap yata maging Nurse.'' aniya at nag-angat sa akin ng tingin habang nakangisi.
Ngumisi din ako. ''Not so, mas mahirap pa rin kahit kailan ang math compared to science.''
Nagpatuloy s'ya sa pagdu-drawing. Hindi ko naman maiwasang panuorin ang kanyang ginagawa at mamangha dahil sa pagiging magaling niya sa aspeto'ng ito. No doubts, matalino talaga s'ya. Matalinong Engineer.
Ilang sandali pa, napaangat naman ang tingin ko sa kanyang mukha. He's actually gorgeous. Yung tipong pareho ng pinsan kong si Durcan na mukhang mabait at goodboy pero ang totoo, hanep. But the only thing that makes him differ is that, mas reveal yung pagiging mukhang badboy niya. Well, hindi naman badboy na tipong katatakutan kundi badboy na tila pagkakaguluhan ng mga babae, gano'n. He's some of a gorgeous devilish guy.
''Baka matunaw ako niyan mamaya ah?'' maya-maya ay salita niyang nakangisi habang focus sa ginagawa.
''Ha? Ah.. hindi ah!'' kaagad akong nag-iwas. Shit! So, he knows it that I'm staring?
Pa-sexy'ng tumawa s'ya at sinulyapan ako. Shit talaga!
Kinahapunan, tanong nang tanong si Kirsten sa akin kung bakit wala daw ako kanina sa aming Calculus subject. Syempre, nagdahilan ako ng kung anong maisip ko at hindi binanggit ang totoo'ng magkasama talaga kami kanina ni Cedric, aasarin na naman ako nang aasarin eh!
Tapos na ang maghapong klase namin at kasalukuyan na kaming naglalakad sa field palabas ng paaralan at hintayin ang aming mga sundo. Susunduin yata s'ya ngayon ng kanilang driver at ako, syempre, tulad ng lagi, sasabay ako kay kuya Arkadee.
''Busy nga ako sa kagagawa ng assignment natin sa Basic Economy sa library kaya hayun, hindi ko namalayan ang oras at napa-absent ako ng tuluyan sa Calculus.'' I lied.
Hindi naman ako sinungaling na tao ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon kung bakit tila kailangan ko talagang magsinungaling.
I don't know why it feels so wrong to lie yet sometimes, it's also the better thing to do lalo na kapag ipit ka na at wala kanang choice. Pero mali talaga eh! Dahil wala ka nang choice kaya ka magsisinungaling? I think, that's untolerable!
I'm untolerable this time!
''Sigurado ka, Meg?''
''Oo nga!''
''Megan, Kirsten!''
Kapwa kami napalingon ng pinsan ko sa tumawag sa amin mula sa likuran. Kumakaway na tumatakbo papalapit rito si Dessica.
''Uuwi na kayo?'' mukhang hinihingal pa niyang tanong nang makaabot ng tuluyan sa amin.
Kirsten nodded. ''Oo, ikaw?''
''Uuwi na rin eh kaya lang hindi raw ako masusundo ngayon ng daddy ko dahil may importanteng lakad s'ya.''
''Gano'n? Edi, sumabay ka na lang sa amin.'' my cousin kindly offered.
Nagningning ang kanyang mga mata. ''Talaga, pwede?''
''Oo naman! Parang naiba ka pa eh, kaibigan ka din naman namin!''
''Thanks, Kirs! Meg, okay lang?'' she turned on me.
I nodded. ''Okay lang.'' as if may choice pa ako?
Nang makalabas kami tuluyan ng gate, tama namang dumating din kaagad ang sundo ni Kirsten.
''Nandiyan na si manong Berto. Sumabay ka na sa akin, Dess.'' aniya pa sa kaklase namin.
KAMU SEDANG MEMBACA
If Only (On-Going)
Fiksi RemajaMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...
CHAPTER TWENTY-THREE
Mulai dari awal
