That Stupid Girl

63 1 0
                                    

"Mia... Uuwi na ako." narinig kong saad ni Emma habang nakikipagkwentuhan ako kina Uzi.

"Maaga pa! 8pm pa lang! Tsaka nandito pa si Bryle." sagot naman ni Mia.

Girls.

Nga naman. Kahit na pinapakita nilang may sekreto silang pinag-uusapan, naririnig at naririnig pa din sila.

"Guys! Ihahatid ko lang si Emma sa labas." agaw atensiyon ni Mia.

"Mauna na ko sa inyo." paalam naman ni Emma.

"O,? Maaga pa! Saka nandito pa nga si Bryle!" sigaw ni Eion saka tumawa. Kaya tinignan ko siya ng masama. Ngunit tumawa lang ito ng malakas.

Hindi ko rin alam kong sumagot pa ba si Emma sa mga sinabi nila. Napansin ko na lang na lumalabas na sila ng bahay.

"There's something weird with your girl." biglang utas ni Seth saka tumingin sa akin.

"She's not MY GIRL." sagot ko sa kanya.
Ngumiti lamang ito saka umiling.

Gago!


"Akala ko ba hindi kasama si Emma dito?" bulong ko kay Liam habang nakatingin kay Emma na nakatayo sa may gilid ng pool. Nandito kami ngayon sa Mimar's Pool para e-celebrate ang birthday ni Seth. Akala ko nga kami lang boys ang nandito. Kasama rin pala si Mia at yang Emma na yan.

I know she's doing nothing. Pero kapag nakikita ko siyang ngumingiti sakin o di kaya'y lumalapit man lang sakin ay naiirita ako.

"Dude. Akong bahala." saad ni Liam.

"No. I can handle it." saka ako umalis sa tabi niya. Papalapit na ako sa pwesto niya ng mamataan ko ang dalawang babae na dadaan sa likod niya.

This is gonna be fun.

Nilakihan ko ang paghakbang ko para makatapat sa mga babae. Sinadya kong banggain sila. Nabangga naman nung isang babae na maputi si Emma kaya dahilan ng pagkakatulak nito at nahulog ito sa pool.

I smirked.

"Oh my gosh!" sigaw ng babae na nakatulak kay Emma.

"Oh my! Gem! Yung girl!" sigaw ng kasama niya.

Aahon din naman yan eh. Tsk.

"Bryle! Si Emma! Tulungan mo!" biglang sigaw ng papalapit na si Mia kasama si Seth. Napalingon naman ako sa pool ng mapansin na hindi pa ito umaahon.

Shit. It's 16 feet.

Agad akong tumalon para madaluhan siya. Sumisid ako at nakita ko naman siya. Lumanggoy ako papunta sa kanya at hinila siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at maingat na iniahon siya sa tubig.
Umubo siya ng umubo. Inilabas niya lahat ng tubig na nainom niya siguro.

"Hindi ka naman pala marunong lumanggoy! Ba't kasi nakatayo ka sa tabi ng pool!" sigaw ko sa kanya.

Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Lumaki ang kanyang mata ng magtagpo ang aming paningin. Saka lang siguro niya na-realize na ako ang tumulong sa kanya.

"S--salamat." saad niya saka ngumiti sa akin. Mas lalo akong nairita sa kanya. May gana pa siyang ngumiti pagkatapos ng nangyari?
Kaya tinalikuran ko siya at umalis na.

I just hate her.

Yun bang kahit na ilang beses ko na siyang sinigawan at inaway ay nginingitian niya pa rin ako. Tsk! Nakakairita!




Isang malagim na aksidente ang nakapagpayanig ng mundo ko.
Ang pagkakadisgrasya ni Bea, my younger sister, nabangga siya ng malaking sasakyan. Napuruhan ng grabe ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata.

"Ku--ya, mabubulag na ba ako?" tanong niya sa akin. It's been three weeks that she's in this hospital. Kailangan na maoperahan siya sa mata para makakita muli. Ngunit walang pang nagcocompatible na donor para magawa ang operasyon sa kanya.

"No, baby girl. Kuya will help you out,okay? Just pray to the Lord for you to heal." sagot ko sa kanya. Agad ng tumulo ang aking mga luha ng makita ang kapatid ko na nahihirapan. Pinahid ko ang aking luha saka lumabas muna ako ng kanyang silid.
Naglakad ako papunta sa may garden ng ospital para makalangghap ng hangin. Ngunit nakatagpo ko si Emma na nakatayo sa may upuan malapit sa mga tanim ng bulaklak. Ngumiti siya sa akin.

"What are you doing here?"
Tanong ko sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin. Kaya kumunot ang aking noo. Hindi siya nagsalita. Pero, bigla kong naramdaman na niyakap niya ako. Nanigas ako sa kanyang ginawa. I didn't hug her back. But, deep inside, I know something warm feeling that touches my heart and that warm feeling is in my stomach also. I don't know, basta. . . narerelax ang puso ko sa yakap niya. I just close my eyes and savor the moment.

"Alam kong malungkot ka. Pero huwag kang mag-alala. .malapit ka ng sumaya. Magiging masaya ka na." bulong niya sa akin. Nagtaka ako sa mga pinagsasabi niya. Bago pa ako makapagtanong sa kanya ay binitawan na niya ako. Kaya dumilat ako. Sakto naman na ang lapit ng mukha niya sa akin. Natulala ako.
Naramdaman ko na lang ang halik na nanggaling sa kanya mula sa aking pisngi.

Nanigas ulit ako saking kinatatayuan at bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso.

Shit. What's happening to me?

Nakita kong ngumiti siya bago tumalikod at naglakad palayo. Naiwan akong tulala at naguguluhan sa mga inasta niya. Pati saking mga nararamdaman,naguguluhan din ako.

What the heck is this feeling?
Shit.
So gay.




Matapos ang isang linggo ay nakakita ng compatible donor para kay Bea. At noong nakaraang araw ay naging successful ang operasyon. Nakakakita na siya ulit. Masayang-masaya ang aking kapatid. Kaya napapangiti na lang ako bigla kapag nakikita ko ang mga tawa niya. Dalawa lang kaming magkapatid kaya masaya ako at masaya siya ngayon. Pero, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga mata ay nakakaramdam ako ng kakaiba.
I don't know what it is. Ngunit isinagpapawalang-kibo ko na lang ito.


That Stupid GirlWhere stories live. Discover now