Nabitawan ni Kuya Hades ang dala niyang pagkain. Napapikit ako sa sobrang sakit ng nararamdaman 'ko.

Ang gago 'ko. Sobrang gago 'ko. Nakuha ko pang magloko? Kahit may sakit siya?

Why didnt he tell me? Bakit? Bakit niya itinago?

"Jasmine alam mo ba ang tungkol sa kondisyon ni Anton?" Tanong ni Kuya Hades habang pinipigilan ang sarili na mag break down.

"K-kuya.."

"ALAM MO?"

"A-alam 'ko... He told me. Last week niya lang din nalaman." Napapikit si Jasmine at napaiyak nadin, "I'm sorry kung hindi 'ko sinabi agad. Ayaw ni Anton magalala kayo.. Lalo kana, Via." Malungkot na saad ni Jasmine sakin at halatang masama ang loob niya sakin.

"B-bakit ako—"

"You caused him the unbearable pain that he didn't imagine possible to be felt! Ang sama mo, Olivia! You're gonna regret everything!" Tinalikuran kami ni Jasmine and I don't even know what she's saying. Alam niya...?

Matapos ang ilang oras na paghihintay ay pinayagan na kaming pumasok sa kwarto ni Anton. Galing siya sa ER at nasa personal bed niya na siya ngayon kaya pwede na siyang bisitahin.

Hindi ako makaimik kasi si Kuya Hades ang kumakausap sakanya.

"Tinawagan 'ko na sila Mama. They'll be here—" naputol ang sasabihin ni Kuya Hades.

"Kuya hindi nila kailangan malaman—"

"Putangina, Anton. Napaka-gago mo talaga. Bakit hindi mo sinabi na may leukemia ka? Akala ko ba magkakampi tayo?" Muling naluha si Kuya Hades habang nakahawak sa mga kamay ni Anton.

Hindi 'ko kayang tignan ang namumutla at sobrang tamlay na si Anton. Sobrang nadudurog ang puso 'ko. Sobrang sakit. Putangina mo Olivia. Sobrang sama 'ko. Ang sama 'ko putangina.

"Kuya c-can I talk to Via for awhile?"

Naiwan kaming dalawa sa kwarto. Tahimik lang kaming dalawa at ang tanging naririnig 'ko lamang ay ang hagulgol 'ko.

"Olivia.. Mahal 'ko.." Nakangiting sabi niya. "'Wag kana iyak. Babantayan naman kita pag namatay–"

"Anton 'wag kang magsalita ng ganyan..." Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman 'ko ngayon. Putangina.

"Olivia, stage 4 na 'to. Gustohin 'ko mang lumaban, pinigilan mo na agad ako." Aniya nang nakangiti. Napa simangot ako sa sinabi niya.

"Anton—"

"Mahal mo si Gino diba?" Aniya nang nakangiti.

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin 'ko. Shit.... Alam niya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Olivia, mamamatay nalang din ako, maging honest kana." He pouted. "Sorry kung napabayaan kita. Sorry kung wala akong time sa'yo. Sorry kung puro trabaho lang ako at naisip mo na nakakalimutan na kita."

"Anton I'm so.. So... Sorry.. Nadala lang ako. Oo aaminin ko, gusto ko si Gino pero ikaw ang mahal 'ko.. Anton sorry.." Halos lumuhod na ako dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod 'ko.

Ang sama sama 'ko. Tangina!!!! Tangina mo Via dapat ikaw yung may leukemia ngayon!!!

"Naiintidihan 'ko. Mabuti nga 'yon, may bagong magpapasay sa'yo kapag nawala na ako." He smiled. Pero sa kalagitnaan ng ngiti niya ay tumulo ang luha niya, "Sobrang sakit na malaman 'kong gusto mo na makipaghiwalay sakin. Sobrang sakit kasi hindi mo ako naiintidihan. I am working hard to give you the life you deserve pero mukhang mali 'yung paraan 'ko para ibigay iyon sa'yo. Ang sakit, Olivia. Sobrang sakit. Minsan pinagdasal 'ko na sana masagasaan nalang ako para maka-takas ako sa pagkirot ng puso 'ko." Humagulgol na siya at mas lalo akong nadurog. I'm sorry, Anton... Sorry... "Olivia, mahal na mahal kita at sobrang sakit na nito.. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit.."

Wala akong ibang ginawa kundi ang humagulgol at magsorry kay Anton. Lord God, please po.. Magbabago na po ako.. Chance pa po, please.

"Kaya papakawalan na kita, Via. I don't want you to see me suffering. Wag kang maawa sakin. Ayaw 'ko kaawaan mo ako. Alam ko namang hindi mo na ako mahal kaya papakawalan na kita." Sa gitna ng hagulgol niya ay ngumiti siya.

"Ang gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo!"  Mas lalo akong humagulgol, "Gagaling ka, Anton! Hindi pwedeng maghiwalay tayo! A-aalagaan kita! M-magsisimula tayo ulit! Promise.. Isa pang chance, please Anton. Nagmamaka-awa ako please.. Anton hayaan mo akong alagaan ka..." lumuhod ako sa harapan niya at ilang beses na nagmakaawa.

Nakikipag break na siya habang may sakit siya. Halos mamatay ako sa sakit. Putangina mo Olivia. Kasalanan mo lahat ng 'to!!!!

"Olivia, please. Kung pwede lang, umalis kana. Don't get me wrong, mahal kita. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita.." Hinawakan niya ang mga kamay 'ko. "Pero mamamatay na ako. Iiwan din kita. Sige na, Olivia.. Umalis kana."

And in that instant, alam 'kong sa unang pagkakataon ay durog ng pinong pino ang puso 'ko. I'm sorry... Anton. Hindi ko alam ang mararamdaman 'ko sa sobrang konsensya at sa sobrang sama 'ko to cheat on him.

Ang gago kong beastfriendWhere stories live. Discover now