Chapter 43.

10.7K 368 150
                                    

CHAPTER 43.

I immediately asked the nurse station kung saan ang room ni Anton Blackwell. Buti nalang ay sinabi agad ng nurse sa akin.

Nang makarating ako sa 9th floor ay parang nagso-slow mo ang mundo 'ko. Palapit ng palapit ako sa kwarto niya at natatanaw 'ko na si Kuya Hades, Ate Demetria at yung babaeng kasama ni Anton sa pharmacy.

"K-kuya Hades.." Lumapit ako sakanila.

Kumuyom ang panga ni Kuya Hades sa akin at nagiwas lang ng tingin. Mukhang galit siya. Natanaw 'ko ang dalawang boquet ng flowers sa tabi ng babaeng hindi 'ko kilala.

"Jasmine, pakitext nalang ako kung nakalabas na si Anton. Bibili lang ako ng makakain niya." Anang Kuya Hades and left with Ate Demetria.

Naiwan kaming dalawa nung Jasmine. Umupo ako sa upuan sa tapat niya.

"Who are you? Babae ka ba niya?" Tanong 'ko.

Umiling iling ang babae at sarcastic na ngumiti, "I'm not like you, Olivia. Kapag committed ako, loyal ako."

I smirked, "'Wag kang magmalinis. I've seen you two yesterday at the pharmacy."

"At nakita ka din namin ni Anton kahapon. Sa sinehan. May kasama. Nakikipaglampungan ka lang naman sa isang lalaki." Umiling-iling siya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Nanliit ang mata 'ko sakanya pero inirapan niya lang ako. Fuck. Alam na ni Anton.

May lumabas na doctor. Anang doctor ay hindi pa daw pwedeng pumasok sa loob ng kwarto ni Anton.

"D-doc, excuse me.." Hinabol 'ko ang doctor nang makalayo siya sa hospital room ni Anton.

"Yes, hija?"

"A-ano pong mayroon? Bakit nasa ER ang pasyente?"

"Are you his...?"

"Girlfriend po."

"I'm sorry to say but.. Your boyfriend is suffering from Acute myeloid Leukemia, stage 4." Malungkot na saad ng doctor.

Parang nablanko ako nang marinig 'ko iyon. Napaupo ako at hindi 'ko alam ang gagawin 'ko. May leukemia siya.. Stage 4....

Stage 4.

Naguunahan sa pagtulo ang mga luha 'ko. Halos magdugo ang labi 'ko sa kakakagat 'ko. Sobrang sakit. Hindi 'ko maexplain yung nararamdaman 'ko.

Putangina...

Sana nagbibiro lang 'yong doctor. Sana parte lang 'to ng pakulo ni Anton. Sana parte lang ito ng mga masasamang biro.

"Olivia what happened? Anong sabi ng doctor?" Nilapitan ako ni Ate Demetria at nasa likod niya si Hades.

"A-ate.." Sobrang nahihirapan akong sabihin iyon. Nagbabara ang mga lalamunan 'ko.

"Olivia what? Sabihin mo na!" Medyo tumaas ang boses ni Kuya Hades at halata ang kaba at pagaalala dito.

"M-may leukemia si Anton...." Napahagulgol ako dahil sa sobrang bigat ng puso ko, "Stage 4..."

Ang gago kong beastfriendWhere stories live. Discover now