Chapter 30.

14.8K 427 169
                                    

CHAPTER 30.

Nang makarating sa bahay namin ay hindi kami nagkikibuan. Pero okay lang, atleast hindi niya ako iniwan. Atleast kami parin.

Ayaw ko na tanungin kung bakit nagbago siya kasi baka pagawayan lang namin. Hihintayin ko nalang yung time na magoopen up siya sa akin.

"Ano gusto mong kainin? Ipagluluto kita." Napatingin ako sakanya. Alam kong galit padin siya at ayoko na dagdagan 'yung sama ng loob niya.

"I'm fine. Ipagluto mo nalang ang sarili mo."

He sighed at tinabihan ako. Niyakap niya ang baywang 'ko at nirest niya ang kanyang ulo sa braso 'ko, "Alam kong nakakasawa na 'yung sorry ko pero then again.. I'm sorry, Via. Nagaway na naman tayo. May mali ako, hindi ko pinapakinggan ang side mo. At hindi ko priority si Coleen. Ikaw."

Binaling ko ang tingin ko sakanya, "Kung ako, bakit palaging kay Coleen ka lumalapit?"

"Kasi alam kong malaki ang galit niya sa'yo. Ayokong dumating 'yung time na kapag naging malala 'yung sakit niya, ikaw ang masisisi. Cause I know for a fact na ikaw at ikaw ang sisisihin niya kapag may nangyaring masama sakanya. I'm protecting you, Olivia. Baka namisinterpret mo lang ako. My fault, ngayon lang ako nagexplain sa iyo."

Tumango nalang ako. Hindi ko parin maintindihan pero okay lang. Nagexplain na siya. Baka kapag nagsalita pa ako ay kung saan-saan pa makarating ang usapan namin at ayaw kong mangyari 'yun.

Ang tagal na naming hindi naga-ano ni Anton. Almost 2 weeks nadin. I don't know kung healthy ba yun sa relasyon. Pero natatakot ako na kapag may mangyari, baka dumating yung time na pagsawaan niya na ako. Baka humanap pa siya ng ibang babae. Kaya hindi. Kakayanin 'kong hindi kami mag make love. Minsan nagpaparamdam siya na gusto niyang mag-ganun, pero binabalewala 'ko.

Pero... Baka naman kapag hindi ko siya pinagbigyan, baka ibuhos niya sa iba 'yung init ng katawan niya? Taena naman! Ano ba 'tong iniisip 'ko? Stop overthingking Via!

"Anong iniisip mo?" Tanong niya. Kasalukuyan na kaming naglu-lunch ngayon. Napilit niya talaga akong kumain.

"Kapag ba hindi tayo nag make love maghahanap ka ng iba?" Diretsang tanong 'ko.

Literal na naibuga niya yung tubig na iniinom niya. Natatawa-tawa pa siya habang pinupunasan ng tissue 'yung bibig niya.

"Ano 'bang tanong 'yan 'by? Syempre hindi!" Humalakhak siya. "Ikaw lang 'yung babaeng ikakama 'ko. Pangako 'ko 'yan."

"Talaga?"

"Oo. Ano ka ba, hinding hindi ako tutulad sa kuya 'ko."

Napangiti ako dahil 'doon. Namiss 'ko yung naughty, pervert at corny side ni Anton. He's been serious kasi these past few days.

"Bakit hindi mo na ako minamanyak?" Tanong 'ko.

Naningkit ang mata niya pero nakangiti, "Bakit? Gusto mo?"

"Namiss ko lang 'yung ganong side mo. Kasi nung mag bestfriends palang tayo, every chance you could get ay mamanyakin mo agad ako."

"Halika dito.." Nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

"ANTON NAKIKILITI AKO! ANO BA!"

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon