"Hindi ako aalis hangga't hindi ka tumatahan." sabi ko naman sa kanya.

"Eh paano na y-yung k-klase mo?" tanong naman niya.

"Wala naman kasi akong klase eh." sagot ko naman sa tanong niya kahit meron naman talaga. May klase pa ako pero the hell I care? Mika needs me for all I know. She damn needs me.

Niyakap ko siya para patahanin. Sigurado akong na-trauma siya sa nangyari kanina. Tanginang gago 'yun! Tss.

I didn't why I act the way I do now. Hindi ko naman kasi siya girlfriend eh. But something's urging me to protect her. The chances may be slim but it's worth the try naman siguro.

Ligawan ko kaya?

Mika's Point of View

I'm so really thankful na dumating si Jeron. Like seriously? I don't know what to do kung minanyak ako nung halimaw na 'yun.

"Are you okay, Mika?" tanong niya sa akin. Nandito nga pala kami sa classroom. Ewan ko ba pero mas feel ko talaga dito eh. Ayokong makita ako ng mga taong umiiyak. We were both sitting down habang nakasandal sa pader.

"Oo okay na ako. Salamat sa pag-tulong. Puwede ka ng umalis baka may klase ka pa." sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang mga luhang pilit na lumalabas sa aking mga mata.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka tumatahan." sagot naman niya sa akin.

"Eh paano na y-yung k-klase mo?" tanong ko naman sakanya. Tanginang luha! Kahit kelan talaga napaka-traydor!

"Wala naman kasi akong klase eh." nagulat naman ako nung pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya. Hindi na ako pumalag pa dahil sa hindi malamang dahilan.

"Pasensya ka na kung na-aabala kita ah." sabi ko sakanya habang pinipigilang umiyak.

"Alam mo, iiyak mo na yan. Nandito naman ako eh. Subukan mo, gagaan ang pakiramdaman mo pag iniyak mo yang nararamdaman mo." sabi naman niya tsaka niya ako niyakap.

Sa mga sinabing iyon, hindi ko na napigilan ang mga luha at tuluyan ng umiyak. Siguro tama nga siya, iiyak ko na lang ang lahat. There's always the aftermath of crying kasi eh. Pagkatapos mong umiyak, parang gumagaan yung pakiramdam mo.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Ara's Point of View

After ng ilang years, nakarating na ako sa cafeteria. Ka-buwesit! Nakakainis talaga! After kung mag -ala- Usain Bolt wala pala yung prof? Aba sino namang hindi mabubuwesit sa ganun diba?!

Tatayo na sana ako para bumili ng biglang nag-ring yung phone ko.

Calling ..  

Bestplan Ye'

Sinagot ko naman agad. Naku, for sure magagalit na naman 'to sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanya. Eh kasalanan naman niya eh? Ang bagal bagal!

"Hoy! Ba't mo a--"


Huh?! Anyare dun? Babaan daw ba ako?

Eh, hayaan mo na. Hihintayin ko na lang ulit na tumawag siya. Basta! Gutom ako noh! Kaya kakain ako! Tumayo na ako para bumili ng pagkain. Gutom na gutom na talaga ako! Deym!

--

Bumili na ako ng cheesecake at bumalik sa table ko. Umupo ako at sinimulang humiwa ng maliit na piraso ng cheese cake ng may tumawag sa akin.

"Ara! Wow! Cheesecake!"

Ano ba?! Akala ko makakain ako ng payapa, tahimik at matiwasay! Tsk. Pero dumating yung dakilang taga-sira ng araw! Bakit ba siya nandito?

"Huy, ba't ka ba andito?" tanong ko sa kanya with one eyebrow raised.

"Bakit? Ayaw mo ba sa akin?" tanong naman niya habang naka-pout.

ANAK NG TILAPIA! BAKIT ANG CUTE CU-- culet niya! Grabe! Sobrang kulit talaga!

"Subuan kita gusto mo?" tanong niya sa akin sabay kuha nung kutsara na hawak hawak ko. Jusko, hindi ko pa nga sinasabing gusto ko eh!

"Ayoko nga! Akin na nga 'yan! Ibalik mo!" sabi ko sa kanya.

"Edi ako na lang subuan mo. " sabi niya ng nakangiti.

"Ah?"

"Diba puwede naman guys?" sigaw niya sa mga tao doon sa cafeteria. Nag-agree naman ang mga tao dun. Kainis tong Thomas na 'to! Dinamay pa ang mga tao eh. Tsaka yung mga tao dun, as if naman alam kung anong pinag-uusapan namin?

"Say ah baby!" sabi ko sa kanya tsaka ako kumuha ng napakalaking piraso ng cheesecake. "Teka! Ang laki naman ata niyan bab--" hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at sinubo na ang malaking pirasong cake.

"Yiee! Thomara feels!" tili nung mga nasa cafeteria. Aba? Ano to? Scene sa isang movie? Kinakikiligan?

"Acck--acck tu-tuubig!" oh may! Pasensya na! Hindi ko siya napansin dahil busy akong nag-iisip at nagmumura sa isipan.

"Ah, eto!" sabay abot ko nung tubig. Hahahah! Nakakatawa talaga siya! Halos mag- violet na yung mukha niya eh! Hahahha.

Natapos na rin kaming kumain. Kainis! May nagpi-picture na naman sa amin kanina! Tengene. Lumabas na kami sa cafeteria para hanapin ang nawawalang si Mika Reyes.

Habang naglalakad kami, nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan. "Ikaw ah, may kasalanan ka pa sa akin." sabi niya sa akin with his most intimidating voice.

Napalunok ako nang laway dahil sa sinabi niyang iyon.

Pilit kong inalala 'yung pinagagawa ko sa kanya. Wala naman akong maalala, ah?

"Wala akong ginagawang masama!" sigaw ko sa kanya. "Tsaka pakialis nga yang kamay mo and why are you following me?" sunod sunod na sabi ko dito.

"Kasi gusto ko, bakit ba?"

_____________________

My Idol , My Lover - Under RevisionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt