Chapter 3

5.9K 58 9
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

"Sige na kasi!"


"Ara!"


"Please?!" Leche talaga tong babaeng 'to. Ang liit liit na nga yung kuwarto nagagawa pang sumigaw. Tsaka sino ba naman ang hindi mabi-bingi kung ganun?

"Daks! Utang na loob! H'wag kang sumigaw jan! Please! Gusto ko nang matulog." grabe! Gusto ko na talagang matulog, promise.

"Ayoko. Tulongan mo muna ako." sagot naman niya.

Hindi ko na lang siya pinapansin kasi inaantok na ako at gusto ko na talagang matulog! Urgh.

"Manahimik ka nga diyan Mika! Natutulog ako!" sigaw naman sa kanya ni Kimmy. Hihi.

Napatigil naman si Mika. Gusto ko siyang tawanan ngayon pero inaantok na talaga ako. Haha.

Buti nga sa kanya. Ang ingay kasi eh! Hay. Salamat talaga dito kay Kim. If you want to live, the last thing you would ever do is to disturb her when she's sleeping.

But anyways, I can sleep well na. Yehey.

Mika's Point of View

Kainis talaga si Kimmy! Kung hindi lang siya Amazona at Sadista eh! Tss.

Isa rin tong si Ara! Bakit ba ayaw niya akong tulongan? Tutulongan lang naman niya akong kaibiganin si Jeron eh. Tapos magkakadevelopan kami tapos magiging kami then happily ever after!

Chaaar! Honglondee ko talaga! Eh hayaan niyo na! Ganyan talaga pag maganda. Ang guwapo kasi ni Jeron eh pero parang snob? Pero okay lang naman yun diba? I love him the way he is. Kung hindi siya snob then hindi siya si Jeron.

Parang si Kimmy lang. Pag hindi yan sadista at amazona at hindi mukhang tomboy, hindi siya si Kimmy. Haha.

Pero bakit ba hindi ko siya malapitan? Torpe ba ang tawag dun? Tss. Hindi naman siguro kasi panlalaki naman yung torpe eh. Para kasi sa akin siya yung tipong mahirap maabot at imposibleng maging kami.

Ang sarap maglaslas pero uso rin ngayon ang sumubok. Next time nga kakausapin ko na talaga siya. Ang drama lang?

Hay. Hindi ako makatulog. Ang hirap naman magisip ng paraan para makilala ko siya at makilala niya rin ako. Nakakatawa dahil mukha akong desperada at

Natatawa ako kasi para akong tanga.

Makatulog na nga lang.

2: 31 am

*close eyes*

*opens eyes*

2: 32 am.

Urgh! Bakit ba hindi ako makatulog. Hmp. Boring naman dito! Makalabas na nga lang.

Kinuha ko yung jacket ko at naglakad pababa ng hagdan. Tinignan ko muna kong gising yung mga tao sa baba.

Okay! Check!

Tsaka ako lumabas. San naman kaya ako pupunta?

Naisip kong sa may grass fields na lang. Ang presko kasi dun eh. Bukod sa matatanaw mo yung mga bituin, gusto ko ring magpahangin.

Pagdating ko doon, agad akong humilitay. Ang sarap tuloy matulog. The place was comforting.

My kind of setting. Cool breeze and wonderful stars dagdag mo na rin yung city lights at yung mukha ni Jeron.

Wait a minute. 

Kaninong mukha ulit?

Ano?! Mukha ni Jeron?!

Wait nga baka hallucination lang to! Kinusot ko yung mata ko tsaka pumikit at dumilat ulit.

Hindi siya hallucination! Totoo siya!

"Aray!"

Sa sobrang pagkagulat ko napaupo ako at nauntog yung ulo ko sa ulo niya! Ouch! Araaay!

"Aray naman!" sabi niya habang hinahaplos yung parte ng mukha't ulo niya na nauntog sa ulo ko. Kainis! Baliw kasi to eh! Nagsta-star gazing yung tao tapos biglang itatapat niya yung mukha niya?

Sinong hindi magugulat dun diba?!

"Sorry." sabi ko sa kanya, kahit hindi ko naman talaga kasalanan. 

"Okay lang. Kasalanan ko naman eh. Hahahah." sabi nito sabay tawa at kamot sa batok.

Shemays! I'm in heaven right now! Yung tawa niya! Ang cute. Plano ba niya akong patayin sa cuteness niya?!

"Ba't ka nagblu-blush?!" sabi niya sa akin with a worried tone "May sakit ka ba?!" then nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko.

Sheet! Ang cute niyang mag-worry! Tsaka bakit parang feeling ko eh may dumadaloy na Meralco este kuryente galing sa mga kamay niya?!

"Ah hindi noh! Kinabahan lang ako. Ikaw kasi eh. Nakakagulat ka." sabi ko sa kanya at inalis yung kamay niya dahil nakukuryente talaga ako.

"Sorry. I didn't mean it. Haha." natatawang sabi niya. Tatawa na naman eh! Lalo tuloy akong magblu- blush.

"Ano ka ba! Okay lang. Formal introduction, Mika Aereen Reyes or Yeye na lang." sabi ko sakanya habang ina-abot yung kamay ko.

"Jeron Teng, Je na lang." Inabot niya yung kamay ko then nag-wink? Ewan ko ba. Pero ayoko munang mag-assume. Ngitian ko na lang siya. 

Huh? Anong problema niya? Bakit siya nakangiti ng ganun? At bakit kaya kami nagtiti-tigan?

"Ahh... ayaw mo talagang bitawan ang mga kamay ko?"

Holy dang crap!

Kaya pala nakangiti siya ng ganun eh! Gosh! Mika nakakahiya ka.

"Ah sorry. Hahah." sabi ko sakanya.

Humiga siya sa damuhan at nilagay ang mga braso sa ulo niya at pinikit ang kanyang mga mata. Ako naman naka upo lang at tinititigan ang beautiful creature na nasa harap ko. Damn! Ang guwapo talaga niya. Chaaar. He looks like an angel when he sleeps.

Nakita ko namang ngumiti siya "Baka matunaw ako niyan ha?" sabi niya.

How the hell did he know?! Kainis talaga! Akala ko tulog na siya! Jeron TENG. Humiga na ako at tumingin sa mga bituin. Parang mas lalong kumislap yung mga bituin ng dumating siya. Ang sarap talaga sa pakiramdam lalo na pag kasama mo yung .. taong gusto mo.

"Ba't ka andito?" tanong ko sa kanya habang tumitingin sa mga bituin. Eto na yung chance o! Para maging close kami.

"Wala. Hindi ako makatulog eh. Ikaw?" sagot niya.

"Ah, likewise." eh ang boring naman. Yun lang ang narating ng usapan namin. Pero atleast diba? Nakakasama ko siya. Hihi.


My Idol , My Lover - Under RevisionWhere stories live. Discover now