Chapter 5

5.2K 60 5
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

"Ba't ka andito?" tanong ko sakanya habang tumitingin sa mga bituin. Eto na yung chance o! Para maging close kami.

"Wala. Hindi ako makatulog eh. Ikaw?" sagot naman niya.

"Ah likewise."Ang boring naman. Yun lang ang narating ng usapan namin. Pero atleast diba? Nakakasama ko siya!

Nagising ako nang di oras. Ano ba yun? Panaginip ba yun? Nakasama ko si Jeron kagabi?

May nagp-play sa utak ko. Iba't ibang scenario. Ewan ko lang kung totoo eh. Karamihan pa eh nakakahiya!

Gaya na lang nung nagpagkilala raw ako sa kanya at inabot niya yung kamay ko tapos tinitignan lang niya ako ng matagal. Hindi ko alam kung bakit tinititigan niya at ngini- ngitian niya ako ng matagal kasi kanina pa siya ganyan eh. Wagas! Tapos yun pala, hawak hawak ko pa rin yung kamay niya hanggang ngayon! Shemays talaga! Nakakahiya!

Nag- assume pa man din ako na crush niya ako dahil wagas kung makatitig tapos yun pala, hawak hawak ko yu-- nevermind. Ayoko ng alalahanin pa.

Yung isa naman eh nakahiga siya sa damuhan tapos yung kamay niya nasa may ulo niya, yung parang nagre-relax? Tapos titignan ko siya dahil akala ko tulog na siya tapos biglang may nabuong ngiti sa mukha niya at sinabi niya ang mga katagang "Baka matunaw ako niyan?" kaya sa sobrang hiya ko nahiga na lang ako para hindi niya makita na namumula na ako sa kahihiyan!

*hingang malalim*

Buti na lang pala panaginip lang yun! Papatayin ko talaga ang sarili ko pag totoo yun! Nakakahiya kaya. Ikaw ba naman ang mapahiya sa harap ng crush mo?!

Pero a part of me thinks that na parang totoo siya. Pero ang sinasabi naman ng utak ko eh hindi kasi kung totoo nga yun, bakit nandito ako? Kung totoo yun edi dapat nandun pa rin ako sa damuhan.

Ah basta! PANAGINIP lang yun! Hindi magiging totoo yun! Case Closed! Amp. Hindi magkakatotoo kasi sobrang nakakahiya!

After ng ilang minutong pag-iisip, tuluyan na akong nagising at nagstretching. After nag-stretching, naligo na ako.

Pagkatapos kong naligo, kumain na ako ng almusal na hinanda ni Tomsy. Kasama na rin sina Kimmy, Carol, Cienne, Ate Mich, Ate Abi . Ah basta, yung buong Lady Spikers.

"Naks! Inspired ka ata Tomsy ah? Ang sarap naman nito!" pang-aasar ko sa kanya kasi sobrang sarap talaga. Tsaka hindi naman siya nagigising ng maaga para lang magluto. Kasabay ko kaya 'yan sa paggising.

"Oo nga, Sino yang inspirasyon mo? Ayiee." panga-asara ni Kim.

"DaughterF, siya ba yung narinig ko sa phone?" tanong ni Ate Aby at napatingin siya sa akin.

"Si Thomas Torres 'yan ano? Ayiieee!" pang-aasar rin ni Cienne.

Hahaha. Eto nanaman kaming mga bullies.

"Uyy! Mga bullies may sasabihin ako mamaya tungkol kay Mika!" threat naman ni Ara. Push mo yan Ara! Hindi ako natatakot!

"Sige. Ano?" pangha- hamon ko dito.

Ara's Point of View

"Naks! Inspired ka ata Tomsy ah? Ang sarap naman nito!" pang-aasar niya sa akin. Umupo siya kasi kaga-galing lang niya sa banyo. Nakakainis! Umagang umaga eh.

"Oo nga, sino yung inspirasyon mo? Ayiee." sabi naman ni Kim. Che! Traydor talaga tong si Kim! Ang sarap pektusan! Amp.

"DaughterF, siya ba yung narinig ko sa phone?" tanong ni Ate Abi na nakangiti ng nakakaloko. Yung tipong may binabalak gawing masama. Sheesh. Sabi ko na eh. Mabro-broadcast talaga 'to sa buong dorm. Yung kahihiyan na dinanas ko matapos nung pinatawag ako ni Coach Ramil.

"Si Thomas Torres yan ano? Ayiieee!" pang-aasar rin ni Cienne.

Nakakainis na ha! Pagka-isahan daw ba ako?! Amp. Si Mika kasi eh!

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagsimulang kainin yung almusal ko.

Hanggang sa may naisip ako. "Uyy mga bullies may sasabihin ako mamaya tungkol kay Mika!" panananakot ko sakanya. Akala niya ah? Sasabihin ko yung nangyari kagabi! Yung binuhat siya ni Jeron kagabi?Kilig much pa rin ako dun ah.

"Sige nga." walang takot na pangha-hamon niya sa akin. Okay lang talaga sa kanya na sabihin ko sa mga bullies yung nangyare kagabi? Baka naman kasi akala niya panaganip lang yun. Hahahah.

Okay fine, Mika Reyes. Maghanda ka!

--

After ng almusal namin, pumasok na ako sa school. Naglalakad ako sa hallway habang kausap si Mika.

"Huy Mika! Nakakainis ka talaga kanina! Grr." pagre-reklamo ko sa kanya. Nakakainis kaya! Kung ano anong sinasabi kanina eh!

"Ikaw ah maghan----"

*Boogsh*

Aray! Ang sakit nun! Ouch lang!

"Sorry." sabi niya.

What the hell??!!

Uhh.

My Idol , My Lover - Under RevisionWhere stories live. Discover now