Chapter 5

14 1 1
                                    





"Yes."


At sa iisang linyang iyon ay nagkagulo ang buong dorm. Nakatingin lang sa akin si Seungcheol at ganun din ako sa kanya. Nahihiya siya ngunit nakangiti pa rin habang ako di ko ma imagine kung anong klasenb emosyon ang pinapakita ko ngayon. Pero ramdam ko talaga ang sakit ng katawan dahil kung iyugyog ako ng mga katabi ko ay para bang walang bukas. Napapadaing lang ako sa sakit. Juskopo naman kahit mukhang babae ka ay lalaki ka pa rin naman Yoon Jeonghan. Ang sakit ha.


"Keurae. Satisfied na din naman kami sa sagot mo hyung kaya pwede ka na umupo." Sabi ni Soonyoung habang nagtutulakan pa rin sila ni Jihoon. Parang mga highschool kung kiligin eh. Mas naging awkward dahil magkatabi pala kami ni Seungcheol at umusog si Joshua para bigyan ng space si Cheol. Alam ko namang fan service lang iyon pero kasi napaka delikado para sa puso ko. Ayokong umasa. Napakasakit umasa ulit.


"Anong kakainin natin para sa lunch?" Tanong ni Jeonghan sa mga members. Parang di lang nila ako tinukso kanina kung makapag change topic sila e ano? At ang biglang sumagi sa utak ko ay samgyupsal. Tumingin siya sakin at tinanong din ako kung ano ang gusto ko para sa lunch. So dito din ako kakain ng lunch? Hanggang anong oras ako dito? Baka di na ako pauwiin ng mga 'to. Gustong gusto ko po yon. ㅋㅋㅋ


"Samgyeopsal?" Patanong kong sagot sabay tawa ng marahan. Tumango siya, "Samgyeopsal tayo guys."


"Younghee, gusto mo ba kumain ng kimchi jjigae? Ipagluluto ka namin ni DK." Tanong ni Mingyu sabay akbay kay Seokmin na siyang nakangiti lang ng malawak. Nagliwanag ang mga mata ko at agad na tumango. Napangiti tuloy si Mingyu sa reaksyon ko. Heol. Obvious na obvious talaga na gusto kong makatikim ng luto ng isang Kim Mingyu. Tumayo ako at pumunta sa gawi nilang dalawa at nagpresenta na tumulong, "Gusto ko tumulong, Gyu. Can I call you, Gyu?"


Umakto siya na para bang kinikilig at nakalagay pa talaga ang dalawang kamay sa puso tapos sinuntok suntok si Seokmin sa kanang braso, "She gave me a nickname. Heol. Coups hyung, she gave me a nickname. Gyu na ang tawag niya sakin mula ngayon. Ah jinjja."


Nakangiti lang si Seungcheol sa kanya na para bang proud. Tumawa lang ako sa ka OA-han ni Mingyu. Mukha siyang tanga pero wala eh, yun din ang rason kung bakit mahal ko sila. Umakbay siya sakin at kay Seokmin at marahan kaming hinatak papunta sa kusina habang si Minghao naman ay sumusunod sa likuran namin.


"Official na kasama ka na sa 97 line squad. Walang titibag ha?" Biglang sabi ni Seokmin kaya napangiti ako at tumango, "Ipapatapon ka namin kay Myungho sa Han River kapag sumali ka pa sa iba pang squad. Dapat kami lang best friends mo." Dagdag pa ni Mingyu at tumango lang ako, "Mas matanda pa rin ako sa inyong tatlo kaya umayos kayo baka makatikim kayo sakin." Bigla silang umakto na para bang hoobae at tinawanan ko lang sila, "Kaya ko kayo mahal eh. Tara na magluto na tayo."


Nang makarating kami sa kusina ay nagsuot muna kami ng apron at tinali ko ang buhok ko at tatlo silang nakatingin sakin at biglang napabulong si Seokmin, "Heol, Younghee. Ang ganda mo." Pero dinig pa rin naming tatlo sa kusina kaya napatingin kaming tatlo sa kanya at nagpabalik balik ang tingin niya sakin at kina Minghao at Mingyu, "Diba? Totoo naman diba?" At nanghingi pa nga ng validation. Nakita kong umiling si Minghao sa kanya at pinasuotan na lang siya ng apron habang sinasabi na," Keurae keurae. Maganda naman talaga si Younghee kaya nga tayo squad eh. Di siya makakasama sa atin kung di siya maganda."


I scoffed at what he said at akmang hahampasin siya ng frying pan pero tumakbo lang siya palabas ng kusina, "Joke lang, Younghee."


"Ewan ko sayo. Tara na magluto na nga tayo." Natatawa kong sabi sa kanila at pumwesto lang sila para makapagsimula na kami.


Maid With LoveWhere stories live. Discover now