Chapter 2

16 1 0
                                    



Habang nakatungo ako at pinagmamasdan ang napakagandang sunset ay napansin kong pabalik na si Seungcheol, "Di ko alam kung anong gusto mong inumin kaya binili na lang kita nito." Sabi niya sabay abot ng plastic bag sa akin. Tinignan ko ang nasa loob at nakitang may laman itong isang banana milk, straw at isang tubig. Napangiti ako nang maisip na binilhan niya ako ng gatas at tubig para kumalma ako. Tumingin ako sa kanya at nagpasalamat, "Kamsahamnida, Oppa."


Lumingon siya sakin at tinanguan ako habang nakangiti, "You're welcome."


Nabalot kami ng katahimikan. Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit sa punong inuupuan namin kanina. Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay ng Seventeen ang tinatanaw namin ngayon-- Serenity at Rose Quartz. Di ko naiwasang mapangiti ng tipid dahil doon. Ang galing ng timing. Panay ang tingin ko sa kanya dahil di siya nagsasalita at nakatingin lang ng diretso, ninanamnam din siguro ang magandang tanawin. Siguro ay napansin niya kaya nagtanong siya, "May gusto ka bang sabihin? Kanina ka pa kasi nakatingin."


Agad na nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin. Ayan. Napakahalata mo kasi, Younghee. Mapagkakamalan ka pang baliw diyan eh. Narinig ko siyang tumawa ng marahan bago magsalita ulit, "Kilala mo ba ako, Younghee-ssi?" Napalingon ako sa kanya at naabutang nakatingin na siya sakin. Muntik na akong mabilaukan ng gatas na iniinom ko buti na lang ay nalunok ko ng maayos, "Ne, Oppa." Simple kong sagot.


Napatango tango siya at nagtanong ulit, "Pwede ko bang malaman kung paano mo ko nakilala?" Napangiti ako sa tanong niya at pinakita sa kanya ang maliit na diamond tattoo sa gilid ng wrist ko. Nanlaki ng konti ang mga mata niya and his mouth formed an o as a response, "Carat ka pala, Younghee-ssi?" Tumango tango lang ako bilang sagot.


"So can I just call you Younghee? I didn't know you were family." He asked in all smiles. He called me family. Pamilya niya ako. At doon, naalala ko na naman ang nangyari kanina. Pasimple kong pinahiran ang nakatakas na luha sa kanang mata ko ngunit di rin iyon nakatakas kay Seungcheol. Napalitan ng pag-aalala ang mga masasaya niyang mata, "Gusto mo bang pag-usapan natin?" Nagulat ako sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya at di alam ang isasagot. Nang di pa rin ako nakasagot sa tanong niya ay ngumiti na lang siya at sinabing, "Kung masyadong masakit para sayo ay okay lang naman na wag natin pag usapan. Di kita pipilitin. Sasamahan na lang kita dito. Kailangan ko din ng makakausap eh. Okay lang ba mag kwento sayo, Younghee?" Tumango lang ako bilang sagot.


"Alam mo kasi nahihirapan akong magsabi sa mga kaibigan ko. Kasi nga ako ang leader kaya dapat maging malakas ako palagi. Kaya sayo na lang ako mag kukuwento." Nakangiti niyang paliwanag, "Di ko alam kung bakit napaka komportable ng pakiramdam ko sayo kahit ngayon lang tayo nagkakilala."


Di ko napigilang mapangiti. Ah, the typical Choi Seungcheol. Always winning the carats' hearts with that single line. This isn't healthy for my heart. Too much information. Too much kilig.


"Kwento ka lang, Oppa. I'm all ears."


Napangiti siya sa sinabi ko at tumango. Naikwento niya sakin na sobrang napapagod na siya sa pagiging idol at pagiging leader na minsan sumasagi sa utak niya na mag quit. Agad na nanlaki ang mga mata ko at napakunot ang noo sa narinig ko pero inayos ko kaagad dahil ayokong maramdaman niya na hinuhusgahan ko siya.


"Kaya umalis muna ako doon kasi nasasaktan akong makita ang mga members na nahihirapan sa sobrang busy naming schedules na halos di sila makapag pahinga ng maayos." Dagdag niya pa. Ito. Ito ang dahilan kung bakit siya ang pinakagusto ko sa 13 members ng Seventeen. Napaka maalaga niya at napaka selfless na tao, "At dito ako napadpad."


Di ko alam ang sasabihin ko. Di naman ako magaling magbigay ng advice and there's also too much on my plate right now. Di ko namalayan na pina-pat ko na pala ang ulo niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Maski ako nagulat din. Ginagawa ko lang ang ginagawa ng Daddy ko kapag proud siya sa akin.


Maid With LoveWhere stories live. Discover now