Chapter 1

28 1 1
                                    





tw: violence


"Younghee!" Napalingon ako sa pagtawag sakin ng kaklase ko, "Uuwi ka na?" Tumango ako, "Oo eh. May kailangan pa kong gawin."


"Sayang. I was gonna ask you to come pa sana sa bahay kasi 1st birthday ng baby brother ko." Sabi niya. Napasimangot ako, "Mianhae, Kira. Bawi na lang ako next year ha. Happy birthday na lang kay baby Kali."


"Keurae. I'll see you on Monday, sa graduation!" Paalam niya at saka tumalikod para bumalik sa classroom namin.


Nagpaslak lang ako ng earphones habang nag lalakad palabas ng school. Mamimiss ko din ang school na 'to. Mababait ang mga kaklase ko at marami din akong magagandang memories dito. 3 araw na lang at gagraduate na ako. Excited akong umuwi dahil may good news akong sasabihin kanila Mommy at Daddy. Sigurado akong matutuwa sila nito.


With High Honors ako ngayong graduation!


Habang papasok ako ng bahay ay nakarinig ako ng sigawan. Tinanggal ko ang earphones ko at pumasok ng bahay. At halos lumuwa ang eyeballs ko nang maabutan ko sina Mommy at Daddy na nagsisigawan sa sala. Ang sakit sa tenga at sa puso ng sigawan nila. Ngayon ko lang nakita ang mga magulang ko na nag-aaway.


"Aalis na talaga ako dito! Hindi ko na kayang mabuhay kasama ka!" Narinig kong sigaw ni Dad. "Go on! No one's stopping you!" Mom shouted back.


"Mom? Dad? Why are you shouting at each other?" Kalmado kong tanong sa kanilang dalawa. Nagulat sila nang makita ako. Di siguro nila inaasahan na dadating ako ng ganito kaaga dahil madalas ay gabi na ko nakakauwi dahil sa club activities.


"Younghee, anak. You're home." Sabi ni Mommy na parang walang nangyari. Nilapitan niya ako at niyakap. Ako naman na naguguluhan sa nangyari ay na wirduhan sa inasal ng ina ko habang nakapako sa ama kong galit ang mga mata ko. He's beyond angry. Our eyes met and he gave me a sad smile before going upstairs to their bedroom.


"Mom, what's happening?" Tanong ko. My Mom just smiled sadly at me and uttered the words that shattered my heart into pieces. "Maghihiwalay na kami ng Daddy mo."


Pagkasabi na pagkasabi nun ni Mommy ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto nilang dalawa para hanapin si Daddy. And there I saw him, packing his things while crying.


"Dad? Where are you going? Business trip?" Kalmado kong tanong sa kanya. Kalma lang Younghee, hayaan mong mag explain ang ama mo. Don't jump to conclusions baka niloloko ka lang ng nanay mo. He stopped midway and looked at me with the same eyes as my Mom earlier. I gasped and my hands flew towards my mouth. Napailing ako. No. You wouldn't.


"Daddy! Wag mo naman 'tong gawin. Wag mo kaming iwan." Nagsusumamo kong hiling sa ama ko na kasalukuyan ay nag-iimpake ng mga gamit niya. Nakahawak lang ang mga kamay ko sa braso niya para pigilan siyang umalis. Pero ni isang tingin hindi ako binigyan. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Kakauwi ko lang ng bahay at ang agad kong nadatnan ay ang ama at ina ko na nag aaway. May balak pa sana akong sabihin sa kanila na magandang balita pero ito ang naabutan ko sa bahay. Tinignan ko si Mommy at nakita siyang nakatayo lang sa gilid. Minsa'y nagtama ang tingin namin pero iniwas niya naman agad ito. Bakit ganito? Diba dapat pinipigilan niya si Daddy na umalis? Halos sumabog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nilapitan ko si Mommy at niyugyog.


"Mom! Mommy. Wag ka lang tumayo diyan. Pigilan mo si Dad! Pigilan mo siya umalis, Mom. Please. Please!" Pagmamakaawa ko kay Mom. Pero di siya sumagot. Di pa rin niya ako tinitignan kahit na halos maglupasay na ako dito sa kakaiyak at pagmamakaawa sa kanilang dalawa. Napasabunot na lang ako sa galit. Di ko na alam ang gagawin ko. Bigla na lang ako natumba.


Maid With LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang