"Sige na nga. Pero cake lang ang gagawin ko. Ang chef na ang bahala sa ibang pagkain." Dahil nawala na nang tuluyan ang antok ko, pumayag na lang ako. Pero plano kong bumalik ulit sa pagtulog mamaya kaya cake lang ang gagawin ko. Hahahaha

"Fine. It's better than none. Pinagmalaki pa naman kita sa kanila na magaling kang magluto kaa wag na wag mo akong biguin." Lumabas na si Mommy ng kwarto. Hay, buti naman.

Dinner. 7:45PM:

Nakaupo ako ngayon sa aming dining table. Hindi lang sina Mommy , Daddy at Lolo Guille ang kasama ko ngayon kundi kasama rin sina Lolo Teodoro, Tito Theo, Tita Teresa, at syempre, ang kaharap ko ngayon sa hapag-kainan na si Thomas.

"Why aren't you eating Ara?" Tanong niya sa'kin. Nang marinig ng mga nakatatanda na kinausap ako ni Thomas, tumahimik agad sila.

"Princess, tinatanong ka ni Thomas. Ngayon ko lang napansin, bakit sobrang tahimik mo? Hindi ka masaya na nadito ngayon ang boyfriend mo?" Ugh!!! Mommy talaga! Hindi pala niya alam ang tungkol sa miscommunication?

"Hindi ko siya boyfriend."

"Hindi ko siya girlfriend."

"What's the meaning of this?" Naguguluhang tanong ni Mommy.

"Actually, nagkamali ang Thomas namin. Magkapangalan pala ang kanyang girlfriend at fiancée... it's just a misunderstanding." Paliwanag ni Tita Teresa.

"You mean may ibang girlfriend na pala si Thomas?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.

"Pero hiwalay na sila. It was just pure stupid childish puppy love." Paglilinaw ni Lolo Teodoro. Nakita kong biglang lumungkot ang mga mata ni Thomas pero agad naman siyang nakabawi.

"Well, it's settled then. The wedding's happening in 5 months!" Masiglang pahayag ni Lolo Guille.

"Pero Lolo, pwede bang hindi-"

"Yeah. I sure hope na by that time, I've already learned to love Ara." Putol ni Thomas sa dapat sana'y sasabihin ko. Nagulat ako sa sinabi niya kaya pilit kong hinuhuli ang mga mata niya pero nag-iwas naman siya ng tingin sa'kin. Ano ba ang pinaplano mo Thomas? Ito na ang tamang pagkakataon para masabi sa kanila na pareho nating ayaw sa kasunduan.

Nakita kong nagkatinginan ulit ang mga matatanda. Nararamdaman kong hindi ko talaga magugustuhan ang mga iniisip nila.

"I'm sure you will, iho. It's so easy to fall in love with my granddaughter. Any guy would be lucky to have her." Lolo Guille looked at me tenderly. Na-guilty tuloy ako kanina.

"Pinapaubaya na namin ang aming nag-iisang anak sa'yo Thomas. Sana naman hindi mo siya sasaktan." Dagdag ni Dad. Ngee, bakit ba ganito ang mga sinasabi nila? Ano ba 'yan, pinapamigay na ba talaga ako nina Dad? Tsk.

"Lolo, Dad, hindi ko po boyfriend si Thomas." Putol ko sa kanila.

"Not yet. But he'll soon be your husband." Sagot sa'kin ni Dad.

"Pero hindi ko siya mahal."

"Then in that case, we'll have to help you two fall in love." Sagot naman ni Tita Teresa.

WHAT??!!

"Teresa's right, Ara." Pagsang-ayon naman ni Tito Theo.

"Wag ka nang maraming arte anak. I'm sure hindi rin ganun ka-hirap mahalin si Thomas." Dagdag pa ni Daddy. Tinawag akong maarte ni Dad?

"This'll be so exciting! Don't you agree Papa?" Puno ng sigla na sabi ni Mommy.

"Couldn't agree more." Tugon ni Lolo Guille.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now