Chapter 5

35 0 0
                                    

TORI

It's practice time. Malapit na daw kasi magsimula ang Interschool. Ang aga diba? Pero ngayon nagpapahinga ako katatapos lang naming girls maglaro. Boys naman ang naglalaro ngayon. Trip daw nila manuod kanina kaya Ngayon kami naman ang manunuod sa kanila. Maglalaro si Sungit ngayon. Eh bakit ba? Nasanay na ako na Sungit eh. Di bale sasanayin ko na lang din ang sarili ko na tawagin siyang Sky.

Pinapanuod ko siyang maglaro. Ace player. Ang galing niya. Bigla namang tumabi sakin si Nate, di pala kasali sa naglalaro.

"Ang galing niya 'no?" Tanong ni Nate sakin.

"Sino?" Kunwari diko kilala pero alam ko namang si Sky ang sinasabi niya e.

"Sus, edi yung best friend ko!"

"Hmm. Oo. Teka ba't di ka kasali sa naglalaro?" This time tiningnan ko sya. Nakita ko na may benda yung daliri niya.

"Nasuklo eh." Sabay kamot sa ulo. Ang cute talaga ni Nate.
Natawa ako at tumingin na ulit sa mga naglalaro. Sakto namang napatingin din si Sky. Di ko maintindihan yung expression niya. Pero maya maya ngumiti siya. Konti nga lang. Pero alam ko, sure ako, ngumiti sya.

"Tori." napatingin ako kay Nate.

"Bakit Nate?"

"Alam mo bang ikaw ang pinakaunang babae na kinausap ni Sky dito sa school?"

Nagtaka ako sa sinabi niya? Ako? Bakit ako?

"Alam mo kasi yang si Sky, NGSB." Si Sky? Wala pang Girl Friend kahit isa? "Never nga yan nakipagdate eh. Hindi rin kumakausap ng babae dito sa school, silent treatment yan. Ni si Megumi di nyan kinakausap dati. Nu'ng isang araw lang. " napatawa naman siya sinabi niya. "Si Ate Erin, pinsan niya iyon pero bihira no'ng kausapin yon." Pinsan niya pala si Ate Erin? Ba't hindi man lang niya kinakausap? Silent treatment nga eh.

"Pihikan si Sky sa babae, Tori. Pero nagulat ako ng makitang kinausap ka niya. Baka may pag asang magbago na yan ngayon dahil sayo." Hala? Magbago dahil sa'kin? "May sasabihin ako sa'yo, wag mo sasabihin kay Sky?" Natawa naman ako but then I nod. "Ulila na si Sky. Tito at Tita nya na lang kasama niya, sa tingin ko yun ang dahilan kung ba't siya nagkaganyan, naging tahimik at walang imik." Ulila na pala siya. Feeling ko tuloy ang rude ko sa kanya. Hay. Tiningnan ko siya habang naglalaro. Ang galing talaga niya.

"He's the Emperor. Emperor of the Assasins." Ang corny na astig. May nickname siya. "Don't get me wrong, hindi siya Assasin. Yun ang tawag sa kanya when he's on the court. Napakabilis kasi. Siya ang pinaka mabilis. At Emperor naman talaga yan. Do you know the Zamonte Empire? Company nila yon. Pinakamayaman ang pamilya nila sa buong Pilipinas. I swear. Ang yaman niyang best friend ko. Sa dami ba naman ng buisness nila. At astig din niyan kasi ilan sa business nila siya ang nagmamanagae. "

Napanganga ako sa sinabi niya, seryoso? Si Sky? Nagmamanage na ng buisness at a young age? Ang galing naman.

"SKY!" Sabay kaming napalingon ni Nate sa may entrance ng Gym. Nakita ko si Megumi na tumatakbo.

"Come with me! Nasaan si Tori?" Sabi niya habang papalapit na kay Sky.

Tinawag siya ni Nate at itinuro ako. She motioned me to come down. At bumaba naman ako.

"You two, I need you guys! Sumama na kayo sa'kin please. Ngayon lang Sky. Please." I look at Sky. Napatingin siya sa'kin. I gave a him 'sumama-ka-na-look' and luckily hindi siya masungit ngayon. Kaya nakaalis na agad kami.

Nasa loob kami ng room na para sa Photography club, dito pala kami dinala ni Megumi.

"Hey, Kuya Paulus, they're here. So will you let my pictures be added on the exhibit?" Tanong niya agad.

Lumabas naman si Kuya sa kurtina. Ang daming pakulo ni Kuya.

"Yes, Megumi. Salamat sa pagdala sa dalawa."

"Meg, Kuya? What's going on?"

"Ganito kasi yan, Tori. Eh kasi may exhibit next month. And pupunta dun ay ang mga pinakamagagaling na photographers. And it's a very big oppurtunity for me para magkaron ako ng training sa isa sa pinaka prestigious school of photography sa N.Y. You know me Tori. I love photography that much. I'm sorry best friend. Eh kasi naman yang Kuya mo eh pag hindi ko daw kayo nadala sa kanya, di niya isasama yung pictures ko. So, no choice ako. Sinabi ko sa kanya na lagot siya kay Mom and Dad, kaso wala eh. Alam na pala nila. So wala akong mapapang black mail." Litanya ni Meg.

"It's okay Meg, ayos lang." Sabi ko naman.

"I'll be going na. Mukhang may pag uusapan pa kayo." Sabi niya at lumabas na.

"So, what do you want?" Tanong ni Sky.

"What do I want? Well, gusto ko na kayong dalawa ang gumawa ng Photo Magazine ng school."

Photo Magazine? Ano bang trip nitong si Kuya?

"Alam kong sasabihin niyong may newspaper na tayo. Pero, sabi kasi yon ng Dean. Gusto daw niya na makita ang every side ng DU. At hindi din naman daw napapasama sa newspaper ang lahat ng magagandang pictures ng univ. At isa pa, yung copy niyan ay ipadadala sa mga workshop oraganizers. Hindi ko rin alam kung bakit at kelan."

"And you choose the two of us para gawin iyan?" Tanong ni Sky.

"No." Sagot ni Kuya sa kanya. "The Dean wants the two of you to work on this kasi nakita niya yung Port Folio niyo." Then he smirked at Sky.

Matatagalan ko bang gumawa kasama 'to? Baka mag away lang kami nito.

"Kuya? Are you really serious about this? Bakit hindi si Meg at Sky, or Ako at si Meg?" Tanong ko sa kanya.

"Diba nga the Dean wants the two of you. At busy si Meg sa exhibit niya."

"Ah! Kuya you're insane! Alam mo namang magkaaway kami nito. Ni hindi nga kami magkasundo then you want us to work together?"

"Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na ang dean ang may gusto at hindi ako." I can sense that he's mad.

"Whatever Kuya! I just... I just can't work with him!"

"Shut up!" Nagulat ako ng sumigaw si Sky. Hinila niya ako bigla.

Nakarating kami sa likod ng Family Bldg. Walang tao dito.

"Talaga bang ayaw mo akong makasama?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya galit. Iba ang tono niya.

"It's not like that, kasi naman baka hindi rin tayo makatpos ng pinapagawa sa'tin e. Alam mo namang mag aaway lang tayo."

"I know that, but you seemed like ayaw na ayaw mo sakin." Is he really Sky?

"Hindi nga kasi sa ganoon."

"Eh ano? Ha? Ganoon din naman ang ibig sabihin noon eh!" Bigla siyang sumigaw. Nagulat ako.

"Bakit ka ba sumisigaw ha? Ano bang problema mo?" Sagot ko sa kanya. Napasigaw na rin ako.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Napaka arte mo! Nakakainis na yang kaartehan mo! Nakakainis ka! Iyang buong pagkatao mo! Kung ayaw mo sakin sabihin mo agad!"

"May narinig ka ba mula sa akin na ayaw ko sa'yo?" Sabi ko pero hindi naman siya sumagot.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Napaiyak na ako. Gusto niyang sabihin ko na ayaw ko sa kanya?

"S-sige. Y-you want me to t-tell you that? I don't like you! I don't want to be with you! Nakakainis ka rin! Iyang buong pagkatao mo! You suck Sky!" I said. Tapos, umiyak ako ng umiyak sa harap niya. Sige pagtawanan niya na. Eh sa naiiyak ako sa mga pinagsasabi niya eh.

Sabagay, ako naman nagsimula. Ako naman nagsabi na ayoko sa kanya, edi tama lang 'to. Kasalanan ko naman.

Walls and BoundariesWhere stories live. Discover now