Chapter 4

23 0 0
                                    

TORI

It's been a week magmula nung magsimula ang klase. It's my second week here at DU. Medyo nasanay naman na ako sa mga facilities. Though minsan naliligaw pa din ako. At ngayon, nasa room ako, iniintay magsimula ang klase.

"Hey! Tori! Namiss kita!" Guess who?

Ay wag na pala kilala niyo na, si Megumi siyempre. Sino pa ba?

"Ang aga aga ang hyper mo!" Natatawa kong sabi.

"Well, that's me. Anyway? How's your weekend? Nagkita ba kayo ni Sky?" Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino? Si Sky? Ugh! Ayaw ko nga marinig pangalan noon eh.

"Sino? Si sungit? Nako. Dream on!" Sabi ko.

"Ah? Dream on? Kaya pala kanina mo pa sya tinitingnan dyan sa labas." Nagulat ako sa sinabi niya at natauhan ako. Pinapanuod ko pala siya? srsly? Last week pa'ko ganito ah? Ano ba yan!

"Hindi ha! Iba tinitingnan ko!" Pagmamaktol ko.

"Sige, sabi mo eh." Natatawang sagot ni Megumi.

Maya maya pa dumating na si Mr. Estrera.

"Goodmorning Class!"

"Goodmorning Mr. Estrera! It's nice to see you!" Bati namin sa kanya.

"You'll be having your family reorganization. May meeting din ang mga professors kaya isinabay na namin kesa naman gumala lang kayo sa buong campus. Required na may family kayo. Every family ay may assigned rooms so pumunta na lang kayo doon sa Family Building by 10 a.m. For now, you prepare for your auditions. May audition sa bawat family. That's all, you may go."

Pagkasabi noon ni Mr. Estrera ay lumabas na din kami ni Meg ng room namin. Naglakad kami hanggang marating ang main bulletin board ng department namin. Nakita namin doon ang list ng family na pwedeng salihan. Ang family dito ay clubs. Iniba lang ang tawag.

"Oh? Meg? San ka?" Tanong ko kay Megumi na mukhang naeexcite.

"Photography. Oh my gosh! First time na magka ganyang club dito! I need to be the first one!" Mukhang pareho kami ah?

"You like taking pictures?" Takang tanong ko.

"Super!" She said while clapping her hands.

"Yea, who wouldn't right?" I said as I write my name on the paper.

"You too? Oh God! We're best friends talaga! Kyaa!" At sabay kaming nagtitili at pumalakpak.

Break time ngayon, pero hindi ko kasama si Megumi. Iniintay ko kasi yung DSLR ko. Pinadala ko pa. Pati yung PortFolio ko. Ba't kaya ang tagal ni Mang Ren? Si Mang Ren ay driver namin mula pa nung ipinanganak sila Kuya. Ang tagal na rin non sa'min. Teka, asan na ba siya?

Maya maya biglang tumunog ang phone ko.

From: Kuya Migs

Ma'am Tori, sa parking lot niyo na lang po kunin, papunta pa lang po kami e. Pasensya na po ma'am at medyo nahuli kami.

Sino si Kuya Migs? Anak siya ni Manong Ren. Ano kayang nangyari at nahuli sila ng punta? Pero ayos lang mahaba pa naman ang oras bago mag 10 am.

To: Kuya Migs

Sige po Kuya, intayin ko na lang po kayo doon.

At sinend ko na.

Walls and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon