5 ✘

526 8 3
                                    

T A N D A A N : BAKLA SI ELY

Hatinggabi....

Third Person's POV

"Wag kasing magaslaw Ely. Susuntukin na kita!" sabi ni Dimmi kay Ely. Nagswiswimming sila ngayong lahat. Hindi pala lahat, nasa kwarto si Clar. Ayaw magswimming kaya natutulog na lang. Kanina pa siyang nandun sa kwarto. Simula nung namatay sila Ysa at Raven, hindi na lumabas. Dahil baka hindi niya pa tanggap na wala na yung dalawa.

Naisipan nilang magswimming para mawala ang depresyon na nararamdaman nila sa pangyayari kanina. Para makalimutan nila kahit panandalian ang sakit na pinagdadaanan nila.

"Weeeeee." patuloy padin si Ely sa pangwiwisik ng tubig kay Dimmi. Kaya naman nainis na si Dimmi. Napupuno na siya kanina pa kay Ely.

"Leche naman kasi." sabi ni Dimmi sabay ahon niya sa pool.

"Ely naman kasi. Hindi na naman kasi yata nakikipagbiruan si Dimmi eh." sabi naman ni Louell na nasa kabilang side ng pool at nakikipagkwentuhan kay Chasten. Iniisip kasi nila kung paano sila makakatakas sa killer. At kung paano makakahanap ng tyempong maikulong sa isang bakanteng room ang killer. Kilala na nila ang killer.

-

Sa kabilang dako naman ay papunta na si Dimmi sa kwarto nila para makapagpalit na ng damit at para makitulog na din dun sa tabi ni Clar. Hindi niya alam ay sinusundan na siya ni Ely.

"Boo"

"Ay jusko!"

Ginulat ni Ely si Dimmi at dahil sa gulat ay napahawak siya sa kanyang puso.

"Ano ba Ely. Kanina pa ha!" sabi ni Dimmi kay Ely.

"Sorry naman girl! Di ko naman sinasadya yu---- Tangina ang baho." sabi ni Ely at biglang napatakip ang kamay niya sa ilong.

"Shit. Ano yun? Ang sangsang ng amoy. Sakit sa ilong." sabi naman ni Dimmi at napatakip din ang kamay niya sa ilong

"Mukhang sa kwarto niyo yata yun girl nanggagaling. Ano ba yan! Ang samlang niyo naman. Ang baho shit." sabi naman ni Ely kay Dimmi.

"Tara nga tingnan natin."

Tiningnan nila ang kwarto kung saan nanggagaling ang mabahong amoy na naamoy nila. Bigla naman kinabahan si Dimmi dahil sa biglang naisip niya. Naisip niya kasi na baka may sunod na biniktima ang killer. Baka may isinunod na patayin sa mga kaibigan niya.

"Ely bilisan mo ang paglalakad. Kinukutuban ako." sambit ni Dimmi kay Ely. Kaya naman dinalian nila ang paglalakad. Tumakbo na sila hanggang sa marating nila ang kwarto.

Kahit natatakot silang pihitin ang door knob ay naglakas loob sila dahil gusto nilang malaman ang nasa loob ng kwartong yun. Kung ano ang mabahong yun.

"3 down."

"Shit!' sabi ni Dianne at Jerome

Nang mabuksan na nilang dalawa ang pinto, yan ang tumambad sa kanila. Nakasulat sa dingding at dugo pa ang pinangsulat. Dugo ni Clar...

Naabutan nilang nakahandusay sa kama ang katawan ni Clar habang ang ulo niyang nakahiwalay sa katawan niya ay nakakalat lamang sa sahig.

Punong puno ng saksak ang damit ni Clar. Nagmistulang basahan na ang damit nito dahil nagkasira sira na dahil sa pagkakasaksak sa kanya.

Agad nilapitan ni Dimmi ang bangkay ni Clar. Wala siyang pakialam kahit gaano pa ito kabaho, basta mayakap lang niya ang kaibigan niya kahit sa huling sandali.

"Waaaaaa. Mga pvta kayo. Wala kayong awa. Waaaa." paulit ulit na sigaw ni Dimmi habang yakap yakap ang katawan ni Clar habang umiiyak.

Si Ely naman ay nakatulala lang dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayari. May nakita siyang papel na nasa maliit na lamesa at kinuha niya ito.

Villa Consolacion [COMPLETED]Where stories live. Discover now