4 ✘

515 8 2
                                    


Chasten's Point of view


Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Shit. Kailangan na naming umalis sa resort na ito bago pa mahuli ang lahat. Kailagan ko nang sabihin sa mga kaibigan ko ang lahat ng nalaman ko bago pa mangyari ang hindi inaasahan.

Nakita ko siya. Kilala ko kung sino ang pumatay kay Ysa at Raven. Traydor siya. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa amin ito.

Kung nung una ay nagdadalawang isip pa ako sa mga kilos niya, pwes ngayon sigurado na ako.

Flashback

Nasa kwarto kami ngayon. Tapos na akong magayos ng gamit. Nagkayayaan na lumabas ng kwarto at tumambay sa pool area.

Ay nako may nakalimutan pala ako.

Dinial ko sa cellphone ko ang number ni mama.

Hello 'ma?

Oh anak? Bakit ka napatawag?

Nandito na po kami. Ligtas naman po kaming nakarating.

Salamat naman sa Diyos. Oh siya ingat kayo diyan ha.

Opo 'ma. Sige po bye.

Napansin kong ang dami niya masyadong ginagawa kaya sinundan ko siya.

Napadpad ako sa basement ng rest house. Nagtago ako dito sa likod ng cabinet.

Bakit ang damit kutsilyo? May power saw. Martilyo, lagari at kung ano ano pang matatalim na bagay.

Bakit meron siya nitong mga gamit na ito? Anong ginagawa niya dito?

End of flashback

Dimmi's Point of View


Dinala namin sila sa clinic ng resort na to. Umaasang mabuhay pa sila. Pero kahit na makapunta kaming clinic. Wala namang tao dun o nurse para magasikaso sa mga kaibigan ko.

Nagbabakasali sila na mabubuhay pa sila Ysa at Arvin. Pero ako? Hindi na ako umaasa na pwede pa silang mabuhay.

Sino ba naman ang maniniwala na pwede pa silang mabuhay?

Tipong naglalabasan na ang buto. Butas ang ulo at nakalitaw na ang utak. Nakahiwalay na ang upper body part sa lower body part. Na nagmistulang manananggal na dahil nakahiwalay na nga ang katawan.

Napakawalang-awa naman ng taong pumatay sa kanila. Pinatay silang dalawa na hindi tao ang tingin, pinatay sila na para bang hayop lang. Napakasaklap ng nangyari sa kanila. Ano bang naging kasalanan nila?

Hindi ko na maintindihan. Naguguluhan na ako.

Sino ba ang pwedeng pumatay sa amin dito? Edi syempre isa sa amin ang mamamatay-tao.

Nahihirapan na ako. Hindi ko na kilala kung sino ang kakampi ko at kalaban.

Hindi ko na din kilala kung sino ang kaibigan ko at kaaway.

"Guys wag na kayong umasa na mabubuhay pa silang dalawa." sabi ko sa kanila

"Oo nga. Guys, masakit mang tanggapin kailangan nating tanggapin ang pangyayaring ito." Dugtong naman ni Clar sa sinabi ko.

"UMAMIN NA ANG AAMIN. SINONG TRAYDOR ANG PUMATAY SA KANILA? TANGINA UMAYOS KAYO!" nagulat ako sa sigaw ni Louell. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Walang umiimik sa amin. Puro paghikbi lang ang tanging naririnig.

"AH HINDI TALAGA AAMIN YUNG PUMATAY HA? PWES. PAG NALAMAN KO LANG TALAGA KUNG SINO KA PAPATAYIN DIN KITA TANDAAN MO YAN." inawat na nila Jerick at Caleb si Louell.

Wala akong kaide-ideya kung sino talaga ang pumatay.

Wala naman akong natatandaan na nakagalit ni Ysa at Raven sa amin eh.

Gulong gulo na ako!

And everything went black...

Clar's Point of View


"Guys!! Si Dimmi! Nahimatay! Guys tulungan niyo ako." narinig naming sigaw ni Pat.

Agad akong lumapit sa kaibigan ko at pinaypayan ko ito.

"Dimmi? Dimmi! Gising."

Inalog alog lang namin ang katawan niya at buti naman nagising na siya.

"Magpahinga ka muna Dimmi. Wag ka munang gumalaw. Nahimatay ka." sabi ko sa kanya sabay abot ng isang baso ng tubig.

"Salamat."

Siguro kaya siya nawalan ng malay dahil sa sobrang kapagudan at pagiisip masyado.

Hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako ay napapagod na din sa kakaisip sa nangyari.

Sino bang kakampi at kalaban? Ang gulo.

-

Villa Consolacion [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora