1 ✘

1.2K 25 2
                                    


Third Person's POV

Biyernes ng hapon, abalang abala ang magkakaibigan sa pagpaplano ng mga kailangan nila at gagawin para sa outing nila na magaganap bukas.

"Excited na talaga ako bukas. Magdadala ako ng sunblock baka mangitim ako." masayang sambit ni Tine sa kanyang mga kaibigan na kasama niya ngayong nagpaplano para bukas.

"Ako din. Josko Tine! Kahit naman magdala ka ng sunblock, mangingitim ka pa din." sabi naman ni Clar kay Tine na pangisi ngisi pa.

"At bakit naman mangingitim pa rin ako?" tanong naman ni Tine kay Clar na may halong pagtataka.

"Eh maitim ka na naman talaga eh. Hahahahaha." sabi ulit ni Clar at humagalpak na sa pagtawa, may paghawak pa siya sa tyan niya dahil tuwang tuwa talaga siya sa nasabi niya.

"Nakakainis ka!" tanging nasabi ni Tine kay Clar.

"Manahimik na nga kayong dalawa diyan. Sino sino ba ang mga siguradong kasama?" pag-iiba naman ni Dimmi ng usapan. Siya ang tumatayong ate ng mga ito dahil siya ang nakatatanda sa kanilang lahat. Siya rin ang parang leader sa grupo nila dahil siya ang madalas na nagpaplano ng mga gala nila.

"Ahh. Natanong ko na yung boys kanina. Sigurado na naman daw silang makakasama sila." sabi naman ni Clar kay Dimmi.

"Oo nga. Sure daw ang boys. Eh lahat naman tayong girls ay sure na din eh. So lahat ay makakasama. Yeyyy!" sabi ni Pat na pasayaw sayaw pa. 

"Excited na akoooooo." sigaw din ni Ysa. Ang pinakamahinhin sa kanila. Ngayon lang siya sumigaw ng ganyan dahil sa sobrang tuwa.

-

Sa kabilang dako naman ay may nagmamasid sa mga babae. Nanlilisik ang mata nito na para bang gusto niyang patayin ang mga ito.

Dumako naman ang tingin niya sa mga lalaki. Nanggigilaiti na siya sa galit at inis. At katulad din kanina, nanlilisik din ang mata nitong nakatingin sa kanila.

Tiningnan naman niya ang kaisa-isang babaeng minahal niya ng lubos. Ang babaeng kaya niyang isakripisyo ang lahat para lang dito. Ang babaeng matagal na niyang lihim na minamahal.

-

"Hi guys." bati ni Raven sa mga kaibigan niya pagkadating niya sa cafeteria. Nasa cafeteria sila ngayon.

"Oh, nandyan na ang tagalibre. Bigyan ng daan." pabirong sabi ni Jerick.

"Hahaha. Baliw talaga to. Tabi nga dyan! Paupo naman." sambit ni Raven.

-

"Okay. So lahat tayo ay mga sigurado ng sasama. Wala ng atrasan ha? Ang problema nalang natin ay yung pambayad sa cottage, rooms, tapos yung foods at yung sasakyan natin." paninimula ni Dimmi ng usapan.

"Sa ilog nalang kasi, libre pa." sabi ni Caleb na natatawa.

"Kadiri ka Caleb! Magswimming ka don mag-isa. Basta kame sa pool kami." sabi naman ni Clar na panay ang ayaw sa paliligo sa ilog dahil narurumihan daw siya.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." sabi naman ni Caleb kay Clar.

"MAS LALONG HINDI NAMIN HINIHINGI ANG OPINYON MO!" sabay na sabay naman na sabi ng mga girls at boys kay Caleb.

"Ano baaa! Wala akong binigay na opinyon." inis na sabi ni Caleb sa mga kaibigan niya.

"Yung sa ilog na lang tayo maligo hindi ba opinyon yun?" tanong naman ni Ely kay Caleb.

"Ay, sorry naman. Akala ko kasi hindi ako nagbigay ng opinyon eh." tanging nasabi ni Caleb at napakamot na lang siya sa batok niya.

"Ganun talaga, Caleb. Parang sa love. Akala mo siya na pero hindi pa pala. Sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan kasi umasa ka na siya na. Katulad nung nangyari sayo, akala mo hindi ka nagbigay ng opinyon pero nagbigay ka naman talaga. Kaya ang nangyari, nasaktan ka. Nasigawan ka nila." sabi ni Pat. Sa lahat ng magkakaibigan, siya ang matindi kung makahugot. Kaya nga ang tawag nila diyan ay Dukot queen eh. Ayaw nila ng hugot queen. Para naman daw maiba.

"Ayun na! Dumudukot na naman!" at nagsimula ng naghiyawan ang magkakaibigan.

-

"So, ako na ang bahala sa sasakyan natin. Dadalhin ko yung van namin. Tapos sa foods tapos yung pambayad sa entrance, kanya kanya. Basta yung iba pang miscellaneous kanya kanya na. Okay?" sabi ni Dimmi.

"Anong oras magkikita kita? San ang tagpuan?" tanong naman ni Chasten

"Buti napaalala mo Chasten. Sa ministop tayo magkikita kita. 6:30 dapat nandun na kayo." sagot naman ni Louell.

"Okay guys! Uwian na. Bye na sainyo!" pamamaalam ni Tine sa mga kaibigan niya.

Tine's Point of View

Nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan kong umuwi agad para makakuha na ako ng pera sa bahay para makapamili na agad ako ng pagkain ko para bukas.

Dumating ako sa bahay ng alas cinco y media na ng hapon. Dali dali akong nagbihis ng damit.

"Mama, mamimili lang po ako ng babaunin ko bukas ah?" sabi ko kay mama.

"Sige, ingat ka."

Naglakad na ako at tinungo ang main door para makalabas na. Pero bago pa ako makalabas ay bigla akong binato sa likod ng kung ano mang bagay. Tumingin naman ako sa likod ko, --si mama pala ang bumato sa akin.

"Bakit niyo ko binato 'ma?"

"Pera yan pulutin mo." sabi sa akin ni mama sabay turo dun sa perang ibinato niya sa akin kanina.

"Aanhin ko naman to?"

"Gaga ka talaga, syempre pocket money mo bukas. Isip isip din anak pag may time!"

"Hay ewan ko sainyo ma. Bye. Thanks!"

Tuluyan na akong lumabas ng pintuan at tiningnan ko kung magkano ang binigay na pera sa akin ni mama.

"Wow. Rits kid. 5k." nasabi ko na lamang ng mabilang ko kung magkano ang binigay sa akin ni mama.

-

Villa Consolacion [COMPLETED]Where stories live. Discover now