44: Slow Motion

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla namang may nag-doorbell. Pumunta agad ako sa labas para buksan 'yong gate. Pagbukas ko, speaking of, nakita ko siya. Parang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

Naalala ko kasi bigla 'yong mga sinabi niya sa 'kin kahapon. Waaaah! Naisip ko na naman 'yong kiss namin. Kainis naman! May sakit lang siguro siya kaya niya nasabi 'yon kahapon.

"I enjoyed that kiss, Candice."

Ay, nag-echo na naman sa isip ko.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Ay, nandiyan nga pala siya, 'no? Hehe.

"Okay ka na ba?"

"Masyado ka namang concerned sa 'kin." Nakangiti na siya agad sa 'kin. Tss, kahit kailan talaga. "Huwag kang mag-alala, okay na ko."

"Baka kasi mabinat ka na naman, e. Kasalanan ko na naman ulit."

"E di, kapag nagkasakit ulit ako, aalagaan mo ulit ako." Kumikindat-kindat pa siya.

"Ano ako, nurse mo? Bahala ka 'pag nagkasakit ka." Tigas ng ulo niya. Bahala siya, hindi ko na kasalanan kapag nagkasakit ulit siya. "Sige, pasok ka na."

Bago kami makapasok sa loob, sinalubong kami ni Cholo.

"Roo!" Lumapit agad siya kay Jeydon. Pfft! Bakit kay Jeydon siya lumapit? Parang gustung-gusto niya sa Jeydon. No, baby! Dapat kay Mommy ka lang lalapit.

"Shit! Ilayo mo sa 'kin 'yang aso mo!" Kinuha ko naman agad si Cholo sa kanya. Ang arte talaga ng lalaking 'yon. Sabi ko kasi sa 'yo, Cholo, huwag kang lalapit sa pusang robot na 'yan.

"Anong problema mo kay Cholo, ha? Wala namang ginagawa sa 'yo 'yong aso ko."

"E, sa ayoko sa aso, e."

"Ang cute-cute kaya ni Cholo, 'di ba, baby?" Umupo ako para ma-hug ko siya. Dinilaan naman niya ako. "See? Sweet pa. Ang arte mo lang, e."

"Ayaw ng mga pusa sa aso kaya ayoko rin sa kanila."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napigilan 'yong tawa ko sa sinabi niya.

"Anong nakakatawa, ha?!"

"Oo nga pala. Si Doraemon ka kaya ayaw mo sa aso! Wahaha! Mukha ka talagang pusa. Meow!" Na-miss ko ring asarin 'yong abnormal na 'yon. Natatawa pa rin ako kaya ang sama na ng tingin niya sa 'kin. "Meow!"

"Shut up, Betty!" Sabi na nga ba, e. May sakit lang siya kahapon. Hindi na niya ako tinawag sa pangalan ko.

"Whatever, Doraemon!"

"Yah! Wanna die?"

Haha, ang sarap niyang asarin.

"Ayieee!"

Napalingon kaming dalawa kina Troy, Ginno at Six. Ano na namang trip nila? Mga baliw.

"Diyan nagkatuluyan 'yong aso't pusa namin. Palaging nag-aaway, e, ayon, na-develop." Tawa sila nang tawa sa sinabi ni Six.

"Hoy, Six tumigil ka nga! Hindi pwedeng magkatuluyan ang aso tsaka pusa."

Sinabi mo pa! I hate cats. Kaya nga siguro hate ko rin 'tong si Jeydon. "Talaga! Ang arte kasi ng mga pusa. Parang 'yong isa rito! Wahaha!"

"Whatever. Akala ko ba, magpa-practice tayo, ha?" Haha! Change topic kasi naasar na siya. Mukha kasi siyang pusa!

"Ikaw lang naman ang hinihintay namin, e."

"E di, tara na."

Pumasok na kami sa loob. Dinala ko na lang muna sa taas si Cholo, baka pag-initan na naman ng Doraemon na 'yon. Mga pusa nga talaga, ayaw sa aso. Haha! Sabagay, ayoko rin naman sa pusa, pareho lang din siya sa aso ko. E, mas cute naman si Cholo kesa ro'n sa alaga niyang si Princess. Tss, sigurado akong salbahe rin 'yon kagaya ng amo niya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon