Kabanata 16

100K 2.1K 71
                                    

Alas dyes na ng gabi ng makarating si Annisa sa hotel kung saan nanunuluyan ang binata. Nang kumatok siya sa pinto nito, ay ang driver na si Mang Randy ang bumungad sa kanya.

"Ma'am kayo po pala." nilawakan nito ang pagbukas ng pinto upang makapasok siya.

"Mang Rudy, si Duke po asaan?" Tanong niya rito ng makapasok siya. Sakto lang ang laki ng silid. Tantya niya ay may dalawang kwarto ito.

"Ah nasa isang kwarto ho, kanina pa nga po hindi lumalabas mula ng dumating kami." Nag aalalang wika nito.

"Ibig hong sabihin hindi pa siya kumakain mula kanina?" Bulalas niya rito. Napakamot ito ng ulo at tumango.

Dali dali siyang kumatok si tinuro nitong pinto, kung nasaan ang binata.

Marahan kumatok rito. "Duke?"

After a couple of knock ay nag salita na ito. "Come in." malamig na wika nito.

Agad niyang pinihit ang pinto at pumasok. Nadatnan niya itong naka upo sa kama, habang nakapatong rito ang laptop at abala sa pag titipa.

"Duke." muling pagtawag niya rito. Dahan dahan nitong iniangat ang ulo at tinitigan siya ng malamig.

Napaatras siya ng bahagya. Muli niyang naalala yung unang araw ng pagkikita nila. Just like how he stare before. Cold as ice.

"Why are you here?" Kahit ang boses nito ay nababalutan ng lamig. Hindi agad siya nakapag salita at Bahagya siyang napalunok.

"Hindi ka pa raw kumakain?" Tanging nasambit niya rito.

"Why do you even care?" Ismid nito sa kanya habang abala parin sa kung ano mang ginagawa nito sa laptop nito.

Marahas na napabuntong hininga siya at lumapit rito. Umupo siya sa tabi nito, kaya nakikita niya ang pinag kakaabalahan nito. Business.

"Duke sorry na." malambing na wika niya rito at dahan dahang hinaplos ang braso nito. Naramdaman niya ang paninigas nito at pagtigil nito sa ginagawa.

"Annisa, stop it." matigas na saway nito sa kanya.

"Stop what?" Patay malisya niyang tanong rito. Good thing she knows Duke's weakness.

"Stop flirting with me." saad nito nagtitimpi.

"I'm not flirting with you Duke. I'm just saying sorry." naka ngusong wika niya rito. But she gave him a flirty tone.

Hindi makapaniwalang napatingin ang binata sa kanya. Gusto niya tuloy matawa rito. Too bad she knows him very well. Alam niya kung paano ito mapapalambot.

"Sorry na Duke. Wag ka na magalit sakin. Alam ko namang kasalanan ko eh." anas niya rito habang naka nguso pa. Blanko parin ang ekspresyon nito, ngunit malambot na ang mata nito.

Eksaheradong napabuntong hininga ito, at hinatak siya papalapit rito upang makulong siya sa mga makisig na bisig nito.  Isiniksik nito ang mukha sa kanyang leeg. Lihim tuloy siyang napangiti. 'Gotcha!'

Sinuklian niya ang mga yakap nito at mas siniksik ang katawan rito. "Sorry na ha? Wag kanang magalit. Bati na kami ni tatay." malambing na wika niya rito.

"Sorry rin dahil napagtaasan kita ng boses at nasabihan ng masama. Nadala lang ako." paliwanag niya rito.

"I understand." mahinang wika nito.

Umiling naman siya at inilayo ang sarili rito, pagkuwan ay sinapo niya ng mga palad ang pisngi nito. "No. You didn't understand. What I've said, that you have no rights in meddling with me is a big mistake. Dahil mula nang mahalin kita at angkinin mo ako, ay malaki na ang parte mo sa buhay ko. Bawat desisyon ko ay nakasalalay sayo. because you are my other half. Do you understand Mr. Herrera?"  Paliwanag niya rito.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon