43: In between

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yong nangyari. Nag-kiss kami ni Jeydon. Nag-kiss. Huhu! hindi ko naisip na magki-kiss kaming dalawa. Kaso bakit gano'n? Noong hinalikan niya ako, hindi man lang ako umiwas, hindi ko man lang siya itinulak. Parang lumabas tuloy na gusto ko rin. Hala! Hindi, 'no?! Kasi naman, 'yong mga mata ng lalaking 'yon ang ganda tapos parang tinatawag ako. Hindi pa rin talaga ako maka-get over do'n.

"Candice, kanina ka pa wala sa sarili mo, may nangyari ba sa inyo kagabi ni Jeydon?"

"Wala!"

Nagulat si Marky sa sagot ko. Bakit kasi ang defensive naman masyado ng reaksyon ko. Wala naman talagang nangyari, 'di ba?

"Ah, gano'n ba? Mabuti naman."

Nakakahiya na talaga 'yong mga pinaggagawa ko sa harap ni Marky. Mamaya, ma-weirdo-han na siya sa 'kin. Huhu! Pambihira naman kasing Doraemon na 'yon, e, ano ba kasing ginawa sa 'kin kagabi? Halikan daw ba ako? Huwag niyang sabihing trip niya lang 'yon, ha? Huhu! Nauna pa ako magka-kiss kesa magka-boyfriend, nakakahiya ako. Dapat bigyan niya ako ng magandang dahilan kung bakit niya ako hinalikan. Speaking of, nasaan na nga pala siya? Tsaka si Stacey?

"Wala na si Jeydon." Parang nabasa ni Marky 'yong nasa isip ko.

"Ha? Bakit hindi nila tayo hinintay?"

"Ang taas kasi ng lagnat ni Jaydee kagabi kaya sinundo na siya ni Baron kagabi pa. Sumama na si Stacey." Naalala ko nga noong hinawakan ko siya, ang init niya.

"Ah, gano'n ba?"

"Kumain ka nang marami, ah, para makauwi na tayo."

May sakit na naman si Jeydon. Dahil na naman sa 'kin kaya napahamak 'yong abnormal na 'yon. Nakakainins naman, ang dami ko nang utang sa kanya. Bakit ba kasi palagi na lang niya akong inililigtas? Siya pa tuloy 'yong napapahamak. Kumusta na kaya siya? Okay na ba siya? At bakit ba ako nag-aalala nang ganoon sa Jeydon na 'yon? Hays, feeling ko, may sakit din yata ako. Kung anu-ano ang naiisip ko.

Pagkatapos naming kumain, inayos na namin ni Marky 'yong gamit namin tsaka kami umalis ng Tagaytay. Nakakabitin naman 'yong date namin ni Marky, kulang 'yong isang araw.

"Candice, nag-enjoy ka ba sa date natin?"

"Oo, naman. Sobra... Marky, thank you, ah, kasi inaya mo ako ro'n."

"Wala 'yon. Masaya ako na nag-enjoy ka." Kahit hindi siya nakatingin sa 'kin kasi nagda-drive siya, kita ko pa rin sa mukha niya na parang malungkot siya. Bakit kaya? Hindi ba siya masaya? dahil kaya sa mga ka-weirdo-han ko?

"Marky, bakit malungkot ka. Hindi ka ba masaya?"

Finally, tumingin na siya sa 'kin. Ngumiti na rin siya sa 'kin. Hinawakan ng isa niyang kamay 'yong kamay ko. Waaaah! Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Makasama lang kita, masaya na ako."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, namumula na naman 'yong pisngi ko. Bakit ang cheesy niya, 'no? Palagi na lang niya akong pinapakilig. Alam na alam niya ang kiliti ng mga babae. Ngumiti lang ako sa kanya, hindi ko alam 'yong sasabihin ko, e. Ginulo niya 'yong buhok ko tsaka siya tumawa. Hala? Nakakatawa ba ako? Huhu.

"Matulog ka na. Gigisingin na lang kita pagdating natin sa inyo."

Natulog na lang talaga ako. Antok pa rin naman ako, e. Mas okay na 'yon, baka kung anu-ano na namang nakakahiya ang gawin ko sa harap ni Marky, e.

Pagdilat ko ng mga mata ko matapos ang masarap na tulog, nakita ko agad si Marky na nakatingin sa 'kin. Oh, my!

"Ba-bakit ka nakatingin sa-sa 'kin?" Huhu, sana hindi ako tulo-laway kanina, nakakahiya 'yon.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon