ONE

29 3 0
                                    


Fangirl ako ng isang boy band. Buhay ko sila katulad ng ibang Fan. Iniyakan ko pag di ako makabili ng merchandise at album nila o kaya pag kulang ipon para sa concert.

Pag nakarinig ako na pinatugtog ang isang kanta nila sa mall o kaya sa ibang lugar titigil talaga ako at aantayin matapos ang kanta.

Pag naman nakita ko ang mukha nila sa mg tindah@an o sa mall di ko mapigilan tumili. Dumami kaibigan ko dahil sa pagfa-fangirling ko siguro kalahati ng kaibigan ko ka fandom ko.

Yung tipong bubuksan mo pa lang ang Twitter o Facebook mo mukha nila agad ang bubungad.

Ganun nga siguro pag fangirl, umiikot ang buhay mo sa pag iidolo sa iyong paboritong banda o grupo.

Ang iba ginagawa silang addiction pero okay na yun kesa sa drugs sila maging addict. Ako ginagawa ko silang inspirasyon.

Tipong pag hindi ako nakapagpasa ng isang project iiyakan ko dahil ang iisipin ko.

'Di ako nakapagpasa,maghihirap ako tapos di ko sila makikita'

O kaya..

'Di na naman ako nakapagpasa, maghihirap ako tapos di ako makakapuntang London at Korea'

OA na kung OA pero ganyan ang pagiisip ko. Kaya pati magulang ko di ako maintindihan sa gusto ko kaya ako ang gumagawa ng paraan para makaattend ng mga concerts.

One time nga, nakita ng magulang ko tumatawa magisa habang hawak ang phone ko. Dahil dun napagkamalan akong baliw pero ang totoo nanuod ako ng funny moments nila.

Nagsikap ako para makapagtapos sa isang sikat na unibersidad bilang isang english teacher.

Dahil sa kanila kaya pinili kong maging isang english teacher, bobo kasi ako sa english baka pag kaharap ko si Bias mautal ako kasi di marunong mag english pero ngayon okay na.

Naghanap ng trabaho sa France dahil kelangan nila ng mga english teacher. Malaki ang sweldo,nakapagpatayo na ako ng sariling bahay sa France at bahay sa Pilipinas para sa magulang ko.

Minsan ngang nag-concert ang bandang yun dito di ko pinalagpas ang pagkakataon at nagpunta sa concert.

Bago magsimula ang concert, nag announce sila na nangangailan sila ng translator kaya nag apply ako.

Trabaho na yun plus makakasama ko ang bias ko.

Masaya ako dahil natanggap ako dahil madami din ang nagsubok mag-apply.

Kasama ko sila sa backstage syempre nahihiya pa ako pero nagpapicture na rin ako at pa-autograph. natutuwa sila dahil ang saya ko daw kasama.

Pero syempre natapos din ang concert pero bago yun tinanong nila ang number ko. Lagi kaming magkachat ng mga members at ni Bias.

Nakadalawang concert na sila dito sa France at ako pa din ang Translator.

Si Bias ang madalas sumama sa akin pero umalis na din sila ng bansa ano bang aasahan mo sikat sila.

Dahil sa pagsisikap ko at dahil din sa kanila. Masasabi kong nagtagumpay ako sa buhay.

Ngayon nandito ako sa bahay kasama ang 2 anak ko ang tatay nila busy na sa ibang bansa may world tour.

Tama ang hinala nyo napakasalan ko ang Bias ko at ngayon may 2 anak na kami at masayang nabubuhay kapiling ang isa't isa. Pag may oras naglilibot kami si iba't ibang bansa. O kaya dinadala nya kami sa tours nila. Napuntahan ko na rin ang mga bansang gusto ko puntahan.

Dahil sa kanila at pagsisikap ko naabot ko ang mga pangarap ko. At sobra-sobra pa ang blessings hiniling ko lang na makita sila pero ngayon napakasalan ko pa ang isa sa kanila.

Mabuti na lang at naging..

FAN ako

Xxxxxxxxxx
VOTE AND COMMENTS IS A MUST HAHAHA

Dedicated sa Bestfriend ko na laging binabasa yung story ko muhehehe jnkylnpls

ENJOY READING!

Fan (one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon