Nag-isip ako ng ilang beses bago tuluyang nagreply sa huling mensahe nito. Kabanas na talaga kasi. Ang kulit na niya.

Me:

Moving on doesn't mean that you forget about things. It's accepting what happened and continue living.

You're a good person Ray. Let this not come between us. And your future. I know you'll be someone great someday. And I'll be very happy that once in your life, I was your friend. At least. Best of luck. Goodnight. :)

Nagdadalawang isip pa ako sa smiley non. Sana naman hindi na niya ako kulitin bukas. Pinatay ko na ang cellphone at lampshade bago pinikit ang mga mata.

***


Sa bahay na naglunch ang pamilyang Pelaez.

Si Mason lamang ang hindi nakapunta sa magkakapatid dahil kinailangan nitong mauna sa eskwelahan kung saan ito ang punong abala ng programa. Nagmistulang may fiesta ng araw na yon. Hustong dumating si Mama ng alas otso ng umaga at pagkatapos nito magsiesta ng ilang oras ay inistima nito ang mga bisita ng dumating bago magtanghalian: ang Mommy at Tita Charlene ni Chang, mga magulang at kapatid ni Charlie ang pumuno sa bahay. Nakigulo din ang mga pinsan ko na nakihalubilo sa mga Kuya ni Charlie.

Mabuti na lang bati na kami ni Kuya J bago dumating si Mama. Nagsorry siya sakin sa inasal niya nung Wednesday sa library. Syempre pinatawad ko na. Alangan namang magmatigas pa ko eh hindi ko kayang nagtatampo yon. Alam ko din namang concerned lang talaga siya sakin eh. Nagsorry din ako sa kanya dahil baka nasaktan ko din siya sa sinabi ko. The point is, okay na kami ni Kuya.

Tig tatlo kaming gown na pinatahi ni Mama sa couturier.

Actually, mahahaba talaga yung disenyo ng mga damit ko kaso si Charlie kasi nag-iinarte. Ayaw ba naman sa gown dahil maikli daw? Eh yun kasi ang bagay sa kanya dahil katamtaman lang naman ang height niya. Pinakonsulta talaga kasi ni Mama yun sa couturier.

"Tapos na ba kayo? Bilisan niyo na diyan malelate na tayo! Tapos na ko," sabi ni Chang pagkatapos kumatok sa nakapinid na pinto ng guest room kung saan kami nagbibihis.

"Hoy! Bakit ang ikli neto?! Louieee!! Maikli! Gusto ko mahaba!!!" Nagpapadyak pang sabi ni Charlie habang nakatitig sa mga damit ko.

Halos mabingi ako sa sigaw nito. Kala mo pitong bukid ang pagitan namin kung magsalita.

"Tss. Hindi mo naman sinabing kailangan mahaba. Sabi mo lang kulay blue! Tsaka akala mo lang yon, tumangkad ka kasi kaya feeling mo umikli yan," pampalubag loob ko dito sakaling kumalma. Grabeng bunganga talaga meron ang babaeng 'to.

"Eh? Talaga? Sige na nga," nakangiti ng sabi nito.

Kaloka. As in instantly talaga, pinatawag ni Mama ang couturier para bawasan ang damit ko at maging sing-ikli tulad nung kay Charlie. Kita mo 'tong babaeng 'to. Ambraaat pa sakin. Tsk.

At dahil mas malapit ako sa pintuan ay napahagikhik ako ng marinig ang bulong ni Chang na 'Uto-uto talaga'.

Miss AstigOnde histórias criam vida. Descubra agora