Chapter 16

89.3K 2.4K 157
                                    


Chapter 16
With Him

"Isaac.." at bahagya akong lumayo sa kanyang pagkakayakap sa akin.

Nang makakawala ako sa kanyang yakap ay tinignan nya ako na para bang ito na ang huling beses na pwede nya akong makita.

"Akala ko talaga hindi ka na babalik.." biglang sabi nya habang nakatingin sa akin.

"Graduating ako, Isaac. Hindi pwedeng hindi ako bumalik. Ayokong masayang ang paghihirap ko sa pag-aaral." sagot ko nalang at nakita kong lumabas si manang na agad akong sinalubong ng ngiti.

"Lorraine!" masayang bati ni manang at niyakap ako ngunit agad ding humiwalay. "Hindi mo man lang sinabi na ngayon ang balik mo. Magluluto pa ako ng marami."

"Nako, manang, huwag na po. Kumain na po ako sa labas bago umuwi dito sa bahay. Yung kakainin nyo nalang po ang lutuin nyo." sabi ko.

"Ay eh saan ka naman kumain? Hindi ka nalang dumiretso dito sa bahay para hindi ka na gumastos pa." medyo nanghihinayang na sabi nya.

"Hindi rin naman po ako gumastos ng kinain ko kaya okay lang din po." nakangiti kong sabi habang iniisip na si Martin ang nagbayad.

"Eh sino naman ang nagbayad ng kinain mo?" tanong ni manang.

"Si Martin po. Sinundo nya po ako galing sa airport kanina't kumain na rin po kami sa labas dahil ginutom na po ako para diretso pahinga na rin po pagkauwi." sagot ko.

Magsasalita na sana si Manang nang maunahan sya ni Isaac agad ko namang nilingon.

"Sinundo ka ni Martin sa airport?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

Ngumiti naman ako't tumango sa kanya. "Oo, sinundo nya ako."

Napaawang ang labi ni Isaac na para bang may gusto syang sabihin na agad nya ring tinikom at hindi na muling nagsalita.

"Bakit hindi mo man lang pinapasok si Martin sa bahay?" tanong sa akin ni manang.

"May lakad pa po ata yun, manang. Inabala ko na nga po sya sa pagsundo sa akin." sabi ko nalang.

"Oh sige. Sa susunod ay papuntahin mo dito si Martin at ipagluluto ko kamo sya bilang pasasalamat sa pagsundo sayo. Sabihin mo ah?" ani manang.

Tumango naman ako. "Sige po. Sasabihin ko." ngiti ko.

"Oh sige't doon muna ako sa kwarto. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." at umalis na ulit si manang patungo sa kanyang silid.

Muli ko namang nilingon si Isaac na nakatingin nalang sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip.

"Uhmm.. Isaac." pagtawag ko sa kanya at unti-unti naman syang nag-angat ng tingin sa akin. "Aakyat na ako sa kwarto. Umuwi ka na muna. Saka na tayo magkwentuhan."

Bahagya akong ngumiti sa kanya't hinawakan na ang maleta ko na mabilis nya namang naagaw sa akin.

"Ako na ang mag-aakyat sa kwarto mo. Mabigat itong gamit mo." pagp-prisenta nya.

"Sige.." pagpayag ko nalang dahil alam kong pagpipilitan nya pa rin kapag humindi ako.

Ayoko na munang gumawa ng kahit anong pag-aawayan naming dalawa. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga sa sobrang pagod sa biyahe. Liparin mo ba naman ang kabilang sulok ng mundo. Sino ang hindi mapapagod doon?

"Alam ni Martin na umalis ka ng bansa?" tanong sa akin ni Isaac habang paakyat kami ng hagdanan.

"Oo, alam nya." sagot ko.

"Tapos ako hindi." komento nya't hindi nalang ako nagsalita.

Nagpatuloy lang kami sa pag-akyat hanggang sa marating namin ang huling hakbang sa hagdanan.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon