Chapter 7

94.2K 2.7K 279
                                    


Chapter 7
Best Friends

Pagkapasok namin sa aking kotse'y nagulat ako sa biglang paghalakhak nya.

Bakit nga ba ako ulit sumama sa kanya kahit na hindi ko sya kilala? Mukhang nababaliw na ata sya.

"You should've seen his face." natatawa nyang sabi't napapailing-iling pa.

Kumunot naman ang aking noo. "Excuse me?"

Lumingon naman sya sa akin nang nakangiti.

Hindi ko makita nang maayos ang kanyang itsura nang dahil sa bumabalot na dilim sa aming dalawa ngunit kitang-kita ko ang magandang kurba ng kanyang mga mata'ng kumikinang habang tinitignan.

"Oh! I mean, you should've seen Cole's face. He's so pissed off lalo na nung pinili mong sumama sa akin kaysa sa kanya." paglilinaw nya sa akin na bahagyang natatawa pa rin.

Mas lalo lang nagpakunot sa aking noo ang kanyang sagot.

"What's with you and Isaac?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Isaac?.. Oh.. Cole." ngisi nya na medyo naguluhan pa sya. "Nothing. We're not acquainted or something. We're absolutely strangers." sabi nya't pinagkadiin-diinan pa ang salitang 'strangers'.

"Eh bakit parang kilalang-kilala mo kaming dalawa o kung anumang nangyayari sa amin?" hindi ko na napigilang itanong.

"Well, that's an easy question." ngumiti ito't inalis ang pagkakatingin sa akin saka pinaandar ang aking sasakyan.

Muli syang humarap sa akin nang mai-start na ang kotse't seryoso akong tinignan.

"I'm Martin. Rona's my cousin." he answered.

Napaawang naman ang aking bibig sa kanyang sagot at hindi ko inaasahang pinsan nya pala si Rona.

"But dont worry. Hindi ka naman nya sinisiraan sa akin. She's just scared of you. That's all." pahabol nya't nagsimula ng magdrive.

"Scared of me?" tanong ko.

"Yup!" tumango naman sya sa akin. "Parehas kayo ng subdivision ni Cole right? Magkatabi ang bahay nyo?" tanong nya sa akin na para bang naninigurado syang doon talaga ako nakatira.

"Oo.." sagot ko nalang. "Pero.. bakit natatakot sa akin si Rona?"

Gusto kong malaman kung bakit dahil wala naman akong nakikitang dahilan para matakot sya sa akin. I never gave her a threat or something. Am I that intimidating for her?

"My cousin's scared because she can feel that you dont like her for Cole. And she got more scared dahil alam nyang kung papipiliin mo si Cole ay ikaw ang pipiliin nya at hindi ang pinsan ko." sumeryoso na ang tono ng boses nya.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't gusto kong sabihing lumayo na ako kay Isaac ngunit hindi nya pa rin itinitigil ang relasyon nila ni Rona kaya hindi na dapat sya matakot dahil sya ang pinili ni Isaac at hindi ako.

"To be honest, I dont like him for Rona." he stated na dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. "My cousin loves him too much at sa tingin ko'y hindi na maganda ang nakikita ko. It's like she's depending her life to Cole. That when Cole's going to break her, it will never be fixed."

Sa tingin ko'y hindi kakayanin ng konsensya ko ang paghiwalayin sila Isaac at Rona nang dahil sa naririnig ko. Pakiramdam ko'y kapag nagpatuloy pa ako sa pag-iwas kay Isaac ay baka madamay si Rona. Minahal nya lang naman si Isaac at nagkataon na parehas kami ng nararamdaman sa iisang tao.

If I'm going to sacrifice, dapat ay lubus-lubusin ko na. Dapat ay wala ng iba pang masasaktan. Dapat ay ako lang.

"How 'bout you?" biglang baling sa akin ni Martin nang huminto kami sa tapat ng aking bahay. "Do you like my cousin for your bestfriend?" tanong nya sa akin.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon