Chapter 11

88.6K 2.5K 525
                                    


Chapter 11
Stop

Pagkatapos nyang sabihin sakin yun ay bumagsak na ang talukap ng kanyang mga mata na hudyat na sya'y nakatulog na.

Napabuntong hininga naman ako't hindi ko alam kung matatandaan nya pa bukas ng umaga ang kanyang sinabi sakin ngayong gabi.

"Isaac... open your eyes please. Ako 'to oh.. Nandito lang ako lagi para sayo... pero bakit hindi mo ko makita?" halos naf-frustrate ko ng sabi.

Napahinga naman ako ng malalim at tumayo saka inayos ang tutulugan kong sofa. Mayroon akong kwarto dito sa bahay nila pero sa ngayon ay maiging sa kwarto nalang din ako ni Isaac upang malapit lang ako kapag may kailangan sya.

Kinaumagahan ay nagulat ako ng gumising ako sa isang malambot at malaking kama.

Napabalikwas ako ng bangon at nakitang wala dito sa loob ng kwarto si Isaac. Naghilamos nalang ako ng mukha at nagmumog ng mouthwash na mayroon sya saka inayos ang aking buhok. Bago ako bumaba upang hanapin sya sa sala.

Mamaya nalang siguro ako maliligo dahil may damit naman ako sa kanila. Uunahin ko muna ang pag-aasikaso kay Isaac.

Bago pa ako makababa ay isang tawanan na ang narinig ko ng isang babae at ng isang lalaki na sa tingin ko'y alam ko na kung sino.

Napahinga nalang ako ng malalim at bumalik ako sa kwarto ni Isaac upang makaligo na para diretso na ako palabas ng bahay.

I dont want to deal with them. Not when I'm hurt. Not now.

Pagkatapos kong maligo ay tuluyan na akong bumaba't nakita kong nakasandal pa ang ulo ni Rona sa balikat ni Isaac habang nanonood ng telebisyon at nakangiti namang pinaglalaruan ni Isaac ang kamay ni Rona.

What a perfect view to break my heart.

Wala na akong balak na istorbohin silang dalawa kaya tahimik akong naglakad nang mapatingin sa akin si Isaac at mabilis na bumitaw kay Rona upang harapin ako.

Nakita kong nagulat si Rona sa mabilis na pagkilos ni Isaac at saka napatingin sa akin.

"Gising ka na pala." nakangiting pagpuna nya. "Are you hungry? Do you want some breakfast? May waffle dyan with your favorite brand of maple syrup and some vanilla ice cream to top it up." aniya. "We're waiting for you to come down para sabay-sabay tayong kakain. I dont want you to eat alone."

Sounds tempting.. my favorite kind of sweet breakfast pero mas importante sa akin ngayon ang panatilihing buo ang puso ko kaysa kumain ng masarap na pagakin kasama kayong dalawa na alam kong magiging bitter lang ako. Baka maglasang pinaghalong ampalaya at kape ang kinakain ko.

Umiling naman ako habang pinipigilan ang pag-iinit ng bawat sulok ng aking mga mata.

"Sa bahay nalang ako kakain. Nagpaluto ako ng breakfast." I lied.

Sometimes, it's good to lie if it's for your sake too. And right now is a good time to lie.

"Sayang naman." biglang singit ni Rona na papalapit na sa amin. "Pinagluto ka pa naman ni Isaac kanina ng waffle even if he still has a fever."

Kumapit sya sa braso ni Isaac ng makalapit sya sana dito.

Kumunot ang aking noo nang marinig kong Isaac na ang tawag nya kay Isaac. Parang kagabi lang ay Cole pa rin ang tawag nya. Ang bilis naman atang magbago ang ihip ng hangin.

"Pwede nyo namang kainin 'yon. Hindi naman masasayang." sabi ko. "Favorite din 'yon ni Isaac. I'm sure marami rin syang makakain."

"But it'll be more fun kapag sabay-sabay tayong kumain." masayang sabi ni Rona.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon