Chapter 15

84.8K 2.5K 141
                                    


Chapter 15
In Front Of Me

"Why don't you just finish your college here, El?" suggestion sa akin ni Daddy habang kumakain ng hapunan.

Ito na ang huling beses na kakain kami ng sabay-sabay bago ako bumalik ulit ng Pilipinas bukas ng madaling araw. Bilang graduating student ay mas maikli na ang bakasyon ko't kailangan ko pang ayusin ang enrollment ko para sa huling sem na paglalamayan ko.

Pwede naman ang online enrollment kaso mas madali at mas nakakasigurado ang manual process ng enrollment. Minsan kasi'y magkakandaloko-loko pa sa system kapag online enrollment.

"Daddy, isang sem nalang po't g-graduate na ako. I don't want to repeat a year again. Sayang po ang pagpupuyat ko para mag-aral." katwiran ko.

"Oo nga naman, daddy. Sayang ang pagpupuyat daw ng anak mo." natatawang sabi ni mommy kay daddy.

"Mom, totoo po ang pagpupuyat ko no." I almost rolled my eyes at my mother dahil mukhang hindi sila naniniwala.

"Parang hindi naman totoo, El." biglang sabi ni daddy. "Ang ganda-ganda ata ng anak ko't walang bahid ng pagkapuyat." bola ni daddy.

"Daddy, hindi ako si mommy para bolahin mo." and I stuck out my tongue.

Natawa naman silang dalawa ni mommy at napailing nalang ako sa mga kalokohan ng magulang ko.

"How 'bout your masterals, Lorraine? Ayaw mo bang dito nalang i-take. Magaganda ang masterals dito't you'll be given a high credit pagkabalik mo ng Pilipinas dahil sa ibang bansa ka grumaduate." isa pang suwehestyon ni daddy.

Napangiti naman ako dahil alam kong ginagawa ni daddy ang lahat para lang manatili ako't mas matagal pa nilang makasama.

"Alam ko na po 'yan, daddy. I know that it's a good oppurtunity pero mas gusto ko pa rin pong mag-aral ng masterals sa Davao." sagot ko.

"Hayaan mo na nga ang anak mo sa gusto nya. Alam mo namang nasa Davao na ang buhay nya." pag-awat na ni mommy kay daddy sa kakapilit sa akin.

Napahinga naman ng malalim si daddy. "Okay.. if that's what you really want, anak. But if you change your mind, you can call me and come back here."

"I'll put that in mind, 'ddy." nakangiting sabi ko nalang upang matigil na si daddy.

Kinagabihan ay nag-ayos na ako ng gamit ko't si mommy at daddy naman ay naglalambingan sa kanilang kwarto.

Pagkatapos kong magligpit ng gamit ay napahinga ako ng malalim at napaupo sa kama ko.

Daddy's suggestions keep on running around my mind.

Alam ko naman sa sarili ko na maaaring magbago ang desisyon ko tungkol sa pag-aaral ng masterals sa Davao. Totoo namang maraming magandang mangyayari kapag dito ako mag-aaral ng masterals.

I read about a university here na maganda ang offer and facilities graduate school sa course na tine-take ko ngayon sa Davao. Makakasama ko rin araw-araw si mommy't daddy. I don't have to be alone and I won't miss them again. And... I'll be able to forget him completely.

Pero natatawa nalang ako na naiinis sa sarili ko 'cause it's very ironic. Gusto ko syang makalimutan na isang dahilan kung bakit gusto ko ng tuluyang umalis ng bansa pero sya din ang dahilan kung bakit gusto kong manatili pa.

It's like Isaac's engrave in my soul and heart. Pakiramdam ko'y wala ng makakatanggal sa kanya dito. Being away from him this far ay nakakabaliw na para sa akin. Ngayon pa nga lang ay lagi ko ng iniisip kung ano na kayang nangyayari sa kanya. I know that he doesn't know anything tungkol sa pagpunta ko dito.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon