Nagtungo ako sa bookstore at nag tingin-tingin ng mga new releases na libro doon.

Nasa best selling list na naman ang tatlo sa mga pina-publish naming book. Yung isa, ayun na ang ika-fourth book ng favorite kong author.

Naalala ko, ako ang nag proofread noon ng first book niya at gandang ganda talaga ako sa kwento nito. Ngayon, released na pala ang ika-fourth book.

Nakakamiss din magtrabaho sa publishing house ko dati. Kaso hindi ko alam kung pwede pa akong bumalik doon.

"Jillian?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga ka-trabaho ko na papalapit sa akin.

"Uy! Edgar musta na?" bati ko rito.

"Eto ayos naman! Ikaw? Ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya.

"Wala nga eh. Naghahanap ako ngayon ng work," natatawa-tawa ko namang sabi. Napatingin ako bigla sa hawak-hawak ni Edgar. Puro mga fairytale books.

"Pang-regalo?" tanong ko sabay turo ng mga librong hawak niya.

Napa-ngiti ng malawak si Edgar.

"Ah hindi, para sa baby ko."

Nanlaki bigla mata ko.

"B-baby?! As in bata? As in anak?!"

Tumango siya, "oo magkakaanak na ako. Eh sabi nila mas okay raw pag binabasahan na agad ng books ang bata habang nasa sinapupunan pa."

Shit. Sino ang nabuntis ng isang 'to?

"Babe! Kanina pa kita hinahanap!"

Nagulat ako nang may isang babaeng lumapit kay Edgar at pinulupot nito ang braso niya sa braso nito.

Nanlaki ang mata ko.

Isang babaeng matangkad, morena, makinis, and holy shit, I know her!

She's Diana Martin. Isang beauty queen.

At nakita kong medyo bilugan na rin ang tyan niya.

"Ay babe, may ipapakilala ako sa'yo," sabi ni Edgar sa kanya sabay tingin. "Si Jillian nga pala, dati kong ka-trabaho. Jillian, si Diana, ang napaka-ganda kong asawa."

Nag-shake hands kami ni Diana.

Shit talaga hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oo nga pala Jillian, nasabi mo na naghahanap ka ng trabaho? Baka gusto mong bumalik sa publishing house natin. Nag resign na kasi ako doon at naghahanap sila ng bagong proofreader."

"Talaga? Wait, ba't ka nag resign?"

Hinawakan ni Edgar ang kamay ni Diana at tinignan niya 'to tsaka nginitian.

"May business na kasi kami ng babe ko. Focus na ako doon!"

Tumango si Diana, "I can feel na magiging isang mabuting ama 'tong baby Edgar. Nung boyfriend ko pa nga lang siya, sobrang caring na eh. Ngayon pa na magkakababy na kami."

Napangiti ako. Kita ko na sobrang mahal ni Edgar si Diana.

Kahit unggoy pala tumitino pag naiinlove. I'm happy for him.

"Ngayon pa lang congrats na sa inyo!"

"Thanks Jillian!" sabi ni Edgar. "So ano, sasabihin ko kay Sir West na interviewhin ka na?"

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon