Dylan James

8.2K 132 0
                                    



Dylan James POV

Hindi ko alam na ganito pala kahirap mag-aral sa MU, yong mga studyante kong makapagbulong bulongan akala mo wala ka. At kong makatingin sakin akala mo kakainin.

At yong masaklap pa? Muntik na akong mabugbog dahil nalaman nila na nabungo ko ang Queen nang skwelahan na to. jusko' hindi ko naman sinasadya yun no?! Nagmamadali lang talaga ako dahil malelate na ako.

Ang laki laki din naman kasi nitong MU na to.

Magkakaibang building bawat Year.

Dahil late nga ako. Kumatok muna ako sa glass door.

"And you are?" Agad na tanong sakin nang teacher namin.

"Im Dylan James Buenavista. Transferee po" iniksamin niya muna ako bago papasukin.

Nagtingin tingin ako kong meron pang bakanteng upuan pero sa tabi nalang ni Kria.

Nagtataka siguro kayo kong bat ko kilala si Kria no? Basta kilala ko siya madami akong alam sa kanya.

Uupo na sana ako nang tiningnan niya ako nang masama.

"Fuck! Sino ba yan? Bat ba ginagalit niya si Queen?"

"Diyan pa talaga niya balak umupo ha"

"Ang kapal nang mukha"

Napakamot nalang ako sa ulo.

Nagpunta nalang ako sa likod at tumayo.

"Mr. Buenavista? Bakit ka nakatayo?" Bulag ata to si Ma'am. Nakita niyang wala nang upuan eh. Meron naman kaso bawal. Baka hindi na ako makalabas nang buhay.

"Ah eh... Ma'am wala na pong upuan" sabi ko kay Ma'am.

Magsasalita palang sana siya nang may pumasok na babae na may mga kasunod na guro din.

Nagsitayuan naman sila para batiin yong ginang na pumasok. Except kay Kria.

Ngumiti siya saamin.

"Oh iho, bat dika pa umuupo?" Mabait na tugon niya sakin.

Napakamot ako sa kilay ko.

"Ma'am wala na pong bakante" nahihiya kong sabi. Lahat nang mata nasakin na.

Lumapit siya sakin at hinatak ako paupo dun sa tabi ni Kria.

"Much better... Candice behave okey?" Tugon pa niya bago siya bumalik sa harapan.

Naramdaman ko ang sama nang tingin nang mga tao sa paligid.

Nang makaalis si Miss Montes ay nagbalik na sa normal pero ganun parin ang sama nang tingin nila.

Maya maya nagring ang Cellphone nang katabi ko.

"What now?.... F*ck! .... Noooo... Fine, were on our way" saka niya binaba ang tawag.

Bigla nalang silang tumayo at umalis nang walang paalam.

"Ma'am, may i go out?" Paalam ko. Pumayag naman siya.

Palihim kong sinundan sina Kria. Hanggang sa nakarating sila sa parking at pinaandar nang mabilis ang mga sasakyan nila.

Kaya nagmadali din akong sundan sila.

Pumarada sila sa isang lumang building. Kaya kumunot ang noo ko.

Pero mas lalong kumunot ang noo ko nang lumabas sila sa kotse nila nang naka-maskara?

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Where stories live. Discover now