Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Three)

3.9K 11 0
                                    

Alyssa

Robin: Sowee talaga kanina ah! Nadala lang tlga aq dhil sa pagm2hal q sau…

Aly: Aus lng. Nbgla lang nman tlga aq =C sa su2nod kc magp2alam k, panu kng nalunod ako dhil di aq nakahinga eh di nilalamayan na ako ngayun?

Robin: Kya nga sowee na db? Yaan mu nxt tym magppapaalam na ako kng iki-kiss kita ul8.

Aly: Ok, mbuti nman. Cge m22log n aq, gud nite nah!

Robin: Cge phinga k ng mbuti ah! Gud nite, wit dreams! Luv u 4ever! Mwahhh! Take cre always! =X PS: Miss na kta.

Napatitig ako sa kisame. Malakas talaga ang tama sa akin si Robin. Masaya na dapat ako kaso bakit ganito?  Pakirandam ko hindi ako buo. Para bang may kulang. Ang nararandaman ko sa kanya ay hindi pagmamahal. Unfair ako sa kanya at masama ito dahil hindi ako tapat sa kanya. 

<Message received>

Carla: Hi Aly, gcng kpb?

Aly: Gud pm Carla! OO, gcng pa aq.

Carla: Iniicp mo pb si Michael

Aly: Hmm, bat mo nman natanong?

Carla: Sana lng kc sinus nod m yung advice ko sau db?  

Aly: Anung bal8a kay Michael?

Carla: Aly, sabi ko 4get him na db? D mo prin ba sya nafo-forget? Hindi sya ang nara2pat sayu..

Aly: Bkit Carla? May nasabi na naman ba si Paul sayu?

Matagal bago nakapagreply uli si Carla.  Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko, may masamang balita na naman siya dahil sa huling text niya sa akin. Si Paul ang boyfriend niya na nagaaral din sa pinapasukan ni Michael. Close friends kaming apat noong high school, pero sa di malamang dahilan, bigla na lang nagiba si Michael. Hindi na rin sila masyadong nagkakasama nina Paul at Michael. Best friend niya dati si Paul at ngayon daw ay iba na daw ang mga kabarkada nito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang sumunod na message ni Carla.

Carla: Wag kng mabi2gla ha…

Pagkabasa ko ng message, agad na tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Carla. “Hello Carla.”

“Aly, naisip ko kasi na dapat marinig mo to mismo sa akin ng personal kaya naman tumawag na ako."

“Ano ba iyon Carla? Sabihin mo na.” Kilala ko si Carla, hangga’t maaari hindi siya gagamit ng tawag dahil isa siya sa pinaka kuripot na tao sa mundo. So ibig sabihin, seryosong bagay talaga ‘to. “Binibitin mo naman ako eh.” 

“Si Michael, nakakulong..”

“Ano?!!”

“Oo, nakakulong siya ngayon dahil nahulihan siya ng marijuana.” Di ako nakapagsalita. Pakirandam ko nanghihina ako. “Kalat na kalat sa buong university nila na isa siyang addict. Hinuli siya kaninag umaga, nakita kasi ng guard sa bag niya. Lumunok ako. 

“Saan siya nakakulong?” tanong ko gamit ang natitira ko pang lakas.

Kaynee

“There are times when I just want to look at your face…” 

Unti- unti kong dinilat ang mga mata ko, tiningnan ko ang orasan. Alas- nuwebe pa lang, nabulabog na ako sa ingay ng kapatid kong si Anne. “You were just a dream that I once knew…”, pakanta- kanta siyang nagsusuklay sa harap ng salamin.

“Anak naman ng tinapay Anne, o! Tumahimik ka nga! Kita mong may natutulog eh.”

“Ate naman! Di mo ba nakikita? I’m inlove!” pandidilat niya sa akin. “Palibasa wala kang lovelife! Ayoko ngang tumandang dalaga tulad nila Tita.” 

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man HatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon