"Nanay monster siya! takot si gael sa kanya" 

"Yes gael she's a monster." sagot ni grey na kakapasok lang. "Thankyou green ha, sorry sa storbo." sabi niya pa. ngayon ko lang napansin na nakaupo pala si green sa sofa namin.

"tss. I'm going home." sagot niya sabay tayo.

Kahit noon pa gwapo talaga si green parang mas gwapo pa nga siya kay grey eh,

napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin sakin.

nakakatakot lang talaga siya!

"Hoy berde! mamaya na tayo umuwe, mag uusap pa kami ni leyla eh!" saad ni farrah. 

"Dito ka na lang matulog farrah" sagot ko, nakita kong humikab na si gael

"WHAT? No way! umuwi ka na farrah, green ihatid mo na yan." si grey. 

"Ulol!" sigaw ni farrah. umiling na lang ako at lumakad na paakyat, narinig ko pa yung sigawan nilang dalawa ni grey at farrah.

"Hindi ako uuwe noh! baka rape-in mo pa si leyla!"

"SHUT UP!"


-----x

Matapos kong patulugan si gael bumaba ako, Pero si farrah na lang na abutan ko.

"Umalis na si green?" Tanong ko pag upo sa tabi niya. nilipat niya yung tv tapos nilipan niya ulit sabay bato sa unan na nasa gilid niya.

"Bwiset talaga ang berde na yon! Sarap patayin sa sarap!" hindi pa rin siya nag babago. Baliw pa rin. Pero anong meron sa kanila ni green? Bakit parang close sila? Eh nung nag aaral pa kami hindi ko pa nakita na nag usap sila ha,

pero namiss ko siya. Napangiti ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Naloloko ako sayo! buntis ka ba kaya bigla kang umalis noon?' biglang tanong niya.

"H-hindi ha, Hindi ko rin alam na buntis ako nung umalis ako...Nasan si grey?" lumingon ako sa paligid.

"Nawala lang saglit inahanap agad! Adik lang kay grey? hay nako! Labas ka nga ng beer! inom tayo!" tumayo siya "Doon tayo sa terrace,"

"Hindi naman ako umiinom,"

"Edi ako iinom, Move!" Nakapameywang na saad niya.

ginawa ko na lang ang sinabi niya kumuha ako ng dalawang beer sa ref tapos pumunta na sa terrace.

"Nasan pala si loisa? Kamusta siya?" Tanong ko pag upo sa tapat niya. binuksan niya agad yung beer na binigay ko.

"Ayon busy sa kakalandi kay fray.. hindi ko na nga halos nakikita yon eh..Anyare sa inyo ni grey?"

fray?

huminga ako ng malalim bago ikwento sa kanya lahat ng nangyari sakin, yung pagbalik ko sa probinsya pag balik ko dito kung paano ko nakita ulit si grey at kung bakit kami nag pakasal..

"So you married him because of gael ganun.. Hindi mo na siya mahal?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Hindi ka na nakasagot..Mahal mo pa" Umiling siya "Mahirap talaga kalimutan ang mga first love noh, Tsk! First love never die nga daw diba," tinignan ko siya. Parang may pinagdadaanan tong si farrah,

"Eh ikaw? ngayon ko lang nalaman na close pala kayo green.." Tumawa siya bigla.

"Anong close? iniwan nga ako eh!" tinignan ko lang siya..

"Well...."

kinuwento niya lahat sakin kung paano niya nakilala si green at grey yung kapatid niya na girlfriend noon ni green pero ..Wala na daw si faye..Yung  tungkol sa pamilya,

bigla siyang nalungkot ng mapag usapan namin ang papa niya.

"Totoo nga yung sinasabi na yung mga taong masayahin yung pasan ang mundo diba?" bigla siyang tumawa,

"O ano okay na ba kayo grey?" pag iiba niya ng usapan. Halatang lasing na siya.

"Okay naman kami ha,"

"Kayo na ulit?" Kami?

"Hindi naman naging kami.."

"Bitter much?" Sabay tayo.

"Why don't you give him a chance?" Chance? Hindi naman siya ng hihingi ng chance.. Gulo na niya kausap.. lasing na talaga siya.
"I mean.. your relationship with him..Why don't you give it a chance.. I think he's a better man now."

"H-hindi ko alam.." hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Tsk.tsk.tsk. Isa pa ngang beer!"

"Lasing ka na eh, Matulog na tayo"

"No..I'm not drunk...last na lang" Mapungay na mata niya tapos tawa pa siya ng tawa.

Nakailang beer na rin siya kaya alam ko lasing na siya.

bumaba ulit ako para kumuha ng beer niya pag akyat ko nakita ko si grey na nilalagyan siya ng kumot.

"Knock out na to," Sabi niya paglapit ko. Tinignan ko lang siya..

gumugulo talaga sa isip ko yung sinabi ni farrah..

Dapat ko bang subukan na maayos ang relationship naming dalawa?

Hindi kaya sa huli ako pa rin ang kawawa?








------
Sinisipag ako today hohoho!

malapit na ang pasko.. Anong balak niyo? XDXD



VOTE AND COMMENT



GreenMasCARA











LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now