di ba talaga steph?
tigilan mo nga ako konsensiya! lumayas ka!
may kakaiba akong naramdaman habang buhat ako ni lourence yung mabilis na pag tibok ng puso ko at yug pag blu-blush ko gusto ko na ba tong lourence?
hindi SHEMAY!!!
"napalakas yata yung pagbaba ko sayo" sabi nya
hmmmm!!
parang nag blu-blush nanaman ako ah!
tumahimik muna ako di nagtagal nagtanong nako
"saan ba tayo pupunta?!" sinigaw ko yun
bigla din syang sumigaw
"diba nga pupunta tayo sa hospital!? dahil na injured ka nakalimutan mo na ba?!"
nakakatkot naman tong tanungin highblood
napaka sungit siguro meron sya ngayon ha! pagkakaalam ko babae lang yung nagkaka ganon tsss!
sasagot na nga lang ako
"so-sorry naman na-nakalimutan ko"
pautal utal kong sabi yun kasi parang kakainin nalang ako ng buo nito kung makasigaw
he's freak, jerk, idiot kahit ano pa.. napaka sungit na nga ang yabang pa.. oo gwapo sya pero di yun rason para mag yabang at magsungit sya ng ganyan tsss!
mga 15 minutes din syang nag dri-drive.. ang seryoso nya pala pag nag dri-drive
once lang siguro syang nabangga nung sinipa ko yung can ng coke
badtrip na badtrip lang talaga ako nun di ko namalayan napalakas yung sipa ko
kung sumali kaya ako sa soccer? ano sa tingin nyo? hmmmm!!
wag na lang baka malaglag ako sa top 1 tsssss!!
napaka tahimik habang nasa byahe kami... pero ang sakit na talaga ng likod ko
malas talaga kasi itong lourence na to sa buhay ko
kung mabait lang sana tong si lourence na in love na ko sa kanya
kasi biruin mo gwapo na mabait pa diba?
kaya lang kung minamalas ka nga naman di sya mabait napaka antipatiko naman napaka yabang pa
kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko
itetext ko kasi si kylie baka di na kasi ako makapasok ng afternoon class
nakiusap ako kay kylie na i-excuse ako sa mga teacher namin
lalong lalo na kay mrs. villanueva, isang absent lang ibabagsak kana agad
ang lupet noh? nakakabwiset nga yon eh kung di ko lang prof. yun baka nakalbo ko na yun eh! sarap sipain tssss!!.. lumalabas nanaman yung sungay ko!
bigla namang binasag ni lourence ang katahimikan
"ok dahil nasaktan kita.. yung utang mo nalang eh 8,000 dahil nabali ko yang likod mo, ok ba??"
mas ok na yung kesa 10,000 kaya lang wala parin akong 8,000 na pera.. kaagad naman akong sumagot
"wala parin akong ganong pera, paano yan? mayaman ka naman please wag mo nang pabayaran"
pagmamakaawa kong sabi with puppy eyes
"wag kang magalala may naisip na kong way para jan sa problema mo.. pag magaling kana malalaman mo din yun."
at ngumiti pa sya
parang kinakabahan ako sa iniisip nya ah!
pero bakit ganon pag ngumingiti sya bumibilis yung heart beat ko
ang gwapo nya kasi eh para akong nasa langit pag nakikita ko syang ganyan
hay! erase erase erase ano bang pinagiisip ko
nabigla ako ng biglang tinigil ni lourence yung sasakyan eh wala pa naman kami sa ospital
"may first kiss ka na ba?"
and he's smirk at me
kinakabahan ako sa pinagsasabi ng lalaking to
"wa-wala pa ba-bakit mo na-natanong?"
di ko alam kung bakit utal utal akong magsalita
hinawakan nya ang ulo ko at nilapit nya yung muka nya sa muka ko
kinakabahan parin ako at parang nag blu-blush ako.. p-pero teka! pati rin sya nag blu-blush?!
nabigla nalang ako at bigla ko syang tinulak at sinipa
bastos to ah! tch!
hindi purkit gwapo to eh pababayaan ko na syang halikan ako!
haha! nevaaah!
nasaktan din ako kasi yung injured ko na banat nanaman eh! nakatalikod parin sya sakin dahil sa pagkakasipa ko sakanya
kinakabahan din ako sa ganti nya... humarap na sya sakin
namumula yung sinipa ko sa kanya sa may pisngi
ano kaya ang gagawin nya sakin??
lumapit sya ng lumapit parang hahalikan nya ko pero pero pero............
"Hahahahaha!!" tumawa sya ng malakas "sa tingin mo hahalikan kita in your dreams hahahaha!!" pangaasar nya sinabi
i'm so disappointed sa ginawa nya napahiya ako
nagtuloy tuloy na syang mag drive papuntang hospital,
nagmamagaling to hininto yung sasakyan para lang pag tripan ako tsssss!! malala na to!!
+++++chapter end+++++
an:
ganda ni steph noh!! sana nagustohan nyo ang chapter na to :)
Vote, comment and follow me
![](https://img.wattpad.com/cover/56843025-288-k609035.jpg)
YOU ARE READING
A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]
Teen Fiction#9 in Teen fiction- highest rank achieved Lalaking mayabang... Rude boy meet Prince Lourence Scott... Ang hot ang gwapong mapang-asar na lalaki, at higit sa lahat ay mayabang! Babaeng nerd... Nerdy girl Her name is Stephanie Marie Lazaro. Clumsy at...
chapter 4: sweetness with fighting
Start from the beginning