chapter 1: The beginning

Start from the beginning
                                    

Tinignan ko naman ang sinasabi niyang Prince Lourence, oo, gwapo nga pero kung maka-snob sa mga babaeng patay na patay sa kanya kala mo kung sinong kataas-taasan.

"Oo tama ka. Gwapo sya... Pero parang ang yabang naman."

"Super cute naman nya. Hayaan mo na kung mayabang hihi!" Ani kylie

Habang nagpapacute sya parang nasusuka ako sa mga kinikilos ng kaibigan ko, para syang baliw sa mga kinikilos nya ngayon.

"WALA AKONG PAKE DYAN! Dapat nag-aaral ako e! Bat nakikitingin ako sa mga lalaking yan!"

Bigla ko namang sinigaw.

"Wala ka lang pake. Ano naman?" Asar niya sakin at inirapan ako.

"nakakita ka nanaman kasi ng gwapo eh! kaya iba nanaman yung kinikilos mo!" Sabay inirapan ko sya.

Ganyan ang kylie na yan! Pag nakakakita ng gwapo akala mo balimbing kung makapagpacute.

Lumipas ang maraming oras sa klase.

Ang bilis talaga ng oras, uwian na! syempre dismiss na yung klase ko. Kaya nagligpit na ako ng mga gamit ko.

nang naligpit ko na ang lahat ng mga gamit ko umalis nako sa classroom at umuwi na ako.

-

Nagising ako ng tumunog ang alarmclock.

aaarrrgh! inaantok pa ako!

ano ba yan!

No choice! Kaya tumayo na ko

Naginat ako at nagpungas-pungas ng mata nang nakita kong...

6:00 na?!

6:00 na pala! Eh ang klase namin ngayon 6:45! Kasi exam namin!

Agad naman akong naligo. ang bilis ko nga eh 10 minutes lang yata, pero binilisan ko parin

nang nakabihis nako.. kaagad ko nang tinali yung buhok ko, kakamadali inulit ulit ko kasi gulo-gulo.

Aaaargh! Ano ba yan! Malelate na ko!

Nang tumingin ako sa orasan nanlaki ang mata ko.

"Ay shemay! 6:30 na! Patay!" hinayaan ko nang gulo-gulo yung buhok ko.

Kaagad akong lumabas para makapaghintay na ng sasakyan.

Ang tagal naman magdaan ng trycicle at jeep!

Mga 10 minutes na kong naghihintay meron ng dumating na trycicle kaya agad ko ng sinakyan.

"Manong! Pwedeng pakibilisan! Late na kasi ako! eh please po!" Pagmamakaawa ko sa driver.

"Nako! Ineng! di pu-pwede! mabilis na tayo baka maaksidente na tayo nyan!" sabi ni manong driver

No choice! kundi mag ubos ng time.. Sana tumigil naman yung oras. Sana di ako ma late papagalitan nanaman ako ni mrs. villanueva nyan eh!

"O sige po manong.. ok lang po na di nyo bilisan" Walang gana kong sabi.

Ngumiti ako kay manong driver.

Mga 15 minutes yung byahe! Traffic kasi eh, nanandya ba yung araw?! Nakakabwiset!

"manong eto na po yung bayad! thank you po!"

Agad akong tumakbo pagkabigay ko ng bayad ko.

Pero tinawag pa ko ni manong driver, shemay! Late na ko paano na?!

"Bakit po ba!?" Matabang kong sabi.

"eh ineng yung sukli mo kasi eh!" Aniya

Pagkabigay sakin ng sukli, tumakbo nako ng mabilis..

Natapilok pa ko at muntik madapa! Tsk!

At last! Ayan na yung section ko!

Malapit na ko sa pinto! pero...

Pero..

Biglang sumara kaya tumama ako sa pinto!

Ouch!

"Aray!" Daing ko.

"Oh! Miss lazaro! You're late!" Ang sigaw sakin ni mrs. villanueva with matching talsik ng laway!

Yuck!

"Sorry maam, because im
Late" Sagot ko naman at yumuko.

"Mag sulat ka sa one whole sheet of paper! na di kana malalate!"

Eto yung parusa sakin! mag sulat nun.. Shemay! nakakabwisit! Eh exam pa ngayon!

"Uhhmmm.. Miss lazaro mamaya mo gagawin yung parusa mo ha?!" Galit na sinabi ni mrs. villanueva.

Binigyan na kami ni mrs. villanueva ng test paper. Ang dali ng exam namin!

Tiningnan ko si kylie... nangangamot ng ulo iritang irita! Hahaha! nakakatawa yung expression nya!

Yung kamot nya sa ulo parang magkakasugat na yung anit nya hahaha!

Habang tinitingnan ko sya.. natatawa ako! Hahaha!

Nagsimula na ko sa pag sagot sa exam habang si kylie ganon parin. Hahaha!

Maya-maya may biglang nagsitilian na mga babae.. Tiningnan ko saglit, binaling ko yung tingin ko dun sa mga babae

Nang tumingin ako kay kylie.. shemay! nangongopya na pala sya saakin!

Binatukan ko nga!

"Aray!"

Ang lakas ng boses ni kylie!

"Oh! Nangongopya ka na naman?!"

Sabay ngumisi ako sa kanya.

"Number 1 at 2 lang please?!"

Paliwanag nya sinabyan nya pa ng paawa!

"NO! AYOKO!" Sigaw ko kay kylie

"Ms. Lazaro! quiet!? or get out!?!"

Nagulat ako sa sigaw ni mrs villanueva!

"Im sorry maa'm..." Sagot ko.

Tumingin ako kay kylie pero tumatawa lang sya, Walang kwentang bestfriend!

Tuloy parin ang tilian ng mga babae, nakakarinde na! kung sila sila lang sana ang nakakarinig ng mga tili nila, ok lang eh! pero hindi eh! pati akong nagfofocus sa exam nadadamay kung pwede ko lang silang tirisin kanina ko pa ginawa!

Yiningnan ko kung ano yung tinitilian nila

Mali! Sino ang tinitilian nila!

Yung lourence lang naman pala! akala ko kung ano naman! akala ko naman may namatay na!

"kylie ang o-oa naman ng mga babae noh!"

pero pagtingin ko kay kylie.. wala na sya! hinanap ko kung nasaan... at ayun nandun na nakikisali na sa mga nagtitiliang babae! bestfriend ko talagang yun!

tss

pinaupo na ni mrs. villanueva ang mga babaeng nagtitilian.. pati narin si kylie

"hoy! kylie ang kire mo din noh!"

mabilis kong sinabi pero nginitian nya lang ako

maya maya.....

bigla namang nagsalita si mrs. villanueva

"class last 3 minutes" OH MY GOD!!

3 minutes nalang!

di ko na mabuting binasa yung mga question basta sagot nalang ako ng sagot! kaya pakiramdam ko hindi ko perfect ang exam ngayon!

ghad! i'm so stupid.......

++++++chapter end++++++

i hope you enjoy it














A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Where stories live. Discover now