CHAPTER TWENTY-TWO

Magsimula sa umpisa
                                        

Nag-isip ako bigla. ''Hmm.. well, as long as wala pa ako sa situation, ayoko munang mag-assume ng kung anu-anong mga bagay.''

''Kung kunwari nga lang! Ano na?'' pangungulit pa talaga niya.

Napahalakhak ako. Ang bruha lang talaga! ''Ewan ko!''

''Hindi ka makasagot agad, it's in between oo o hindi lang naman eh! But since hindi ka nga makasagot ng diretso, ibig sabihin may pag-asa nga si Cedric, yieeh!'' ayan, mukhang kinikilig pa para sa akin.

Natawa lalo ako, ang baliw nito! ''Wala akong sinasabi!''

''O baka nga, hindi ka makasagot dahil ang totoo, crush mo na s'ya at inililihim mo lamang!'' panunukso na talaga niya.

''Ano! Haha! Uh oh, couz, wala akong sinabi!''

''Namumula ang mukha mo oh! Ikaw talaga, isinekreto mo pa sa akin, crush mo pala si Cedric! Yieeeh! Sa wakas, dalaga ka na talaga, Meg! Mantakin mo? may crush ka na!'' tawang-tawa at walang tigil siya sa panunukso.

''Loka! Hindi ko sinabing crush ko si Cedric Ferdinand! Loka ka talaga!'' tawang-tawa din ako.

''Pero aminin mo, nagagwapuhan ka sa kanya tapos natutuwa ka kapag nandiyan s'ya! Aminin mo! Yieeh, Megan!''

Hindi na ako sumagot. Tumawa na lamang kami nang tumawa habang naglalakad. Nang makaabot na kami sa tapat ng cafeteria kung saan kami kakain ay nabigla pa ako nang hinila niya saglit ako para tanungin ulit ng tungkol sa itinutukso niya sa akin.

''Sige na, Meg. Aminin mo na kasi, crush mo si Cedric 'di ba? Kahit konti lang, may nararamdaman ka rin para sa kanya 'di ba? Please, Meg, be honest.'' walang tigil pa rin niya sa pangungulit.

''Baliw! Halika na nga't pumasok na tayo! Nagugutom na ako eh!''

''No! Hindi tayo papasok at kakain hanggang hindi mo inaamin sa akin na crush mo nga si Cedric, kaya aminin mo na kasi, Meg!''

Dala ng gutom, napahalakhak ulit ako tsaka tumango nalang. Bahala na, gutom na ako eh! ''Oo na, oo na! Happy?''

''Ahhh!'' tumili pa talaga s'ya, dahilan kaya pati ang ibang mga dumadaan para pumasok at lumabas ng cafeteria ay napapatingin sa amin. ''Sinasabi ko na nga ba eh! Meg! I'm so happy! Bagay kayo ni Cedric!''

''Hay, ewan ko sayo! Pumasok na nga tayo!''

Talak pa rin nang talak ng kanyang mga magagandang opinyon at papuri si Kirsten para sa umano'y feelings ko para kay Cedric samantalang ako walang tigil lang naman sa kahahalakhak, para kasing baliw ang bruha! Sobra pa sa akin kung kiligin!

Nang makabili kami ng pagkain at nag-uumpisa nang kumain, wala pa rin siyang ibang ginawa kung hindi ang sabihing natutuwa talaga s'ya na may crush ako at sabi pa niya, dapat ko na raw itong i-pursue. Oh heck!

''The barkada should have to be informed about this! Para masurportahan ka namin, siguradong matutuwa yung mga 'yon!'' aniya habang nilalantakan ang fried chicken.

Kahit puno ang bibig ko ng kain, hindi ko pa rin maiwasang matawa. ''Oh don't!''

''Kinikilig ka oh! Kanina ka pa tawa nang tawa, as if ang saya-saya mo! Kinikilig ka lang talaga eh, ang pula na nga ng mukha mo oh!''

Napapailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

''Don't worry, Meg. I'll ask kuya Durcan later kung single pa yung classmate niyang iyon, close naman sila kaya sigurado akong alam niya, alam nga nito ang tungkol sa kanya kaya hindi imposibleng may alam din s'ya tungkol rito. And if ever I found it that he's still single, sasabihan ko si kuya na ilakad ka niya kay Cedric!''

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon