Humalakhak ang bruha. ''By the way, nakita mo si kuya Durcan?''

Tumango si Cedric. ''Sabay kaming lumabas sa huling klase kanina tsaka nagsama na rin sila ni Anika.''

Kumunot ang noo ni Kirsten. ''Magkasama sila? Hanggang ngayon pa rin pala? Talaga?'' mukhang sobra pa siyang naintriga.

Seems like Butch was right when I heard him last time saying to Durcan that it was the first ever time Durcan engages in a long-term Mutual Understanding with a girl. Mukhang pati kasi kapatid nito ay nagulat din.

''Yeah.'' Cedric nodded.

Mapaglaro at makahulugan naman ang ngising binitawan bigla ng pinsan ko. ''Talaga lang ha? Seems that my big bro's getting serious with a girl, finally. Thanks to Anika!''

Mapaglaro rin ang ngisi ni Cedric. He's like some of those playboys and a handsome devilish one. Basta, yung tipong ang gwapo pero may halang talaga sa katawan. I even found it so hot and gorgeous.

Nang nauna na ito sa amin para pumasok na sa klase nito, hindi naman namin maiwasang nag-usapan ni Kirsten ang tungkol sa kuya Durcan niya at kay Anika, sa namamagitan sa dalawa.

''Mukhang tumitino na si kuya Durcan para kay Anika, Meg. Good thing, isn't it?'' mukhang tuwang-tuwa pang saad niya.

Ngumiwi ako. Tumitino? si Durcan para kay Anika? Hmmn.. well, I don't think so. I think that time when Durcan and Butch talking 'bout that girl, hindi iyon narinig o napansin ni Kirsten dahil mukhang busy s'ya no'n sa pagkukwentuhan kay Ingrid, 'ni usapan nga ni Trakes at kuya Ark tungkol kay Violet eh mukhang wala rin siyang kamuwang-muwang.

''Ba't ka ngumiwi? Hindi ka naniniwalang nagbabago na si kuya para sa kaibigan natin sa wakas?'' kiming tanong niya.

''Uhm.. well, posible namang hindi at posible ring oo. Si Durcan pa rin ang makakaalam no'n kung kailan s'ya siseryoso sa babae. Bakit? Gusto mo na bang magseryoso na kay Anika ang kuya mo?''

She nodded. ''Oo naman. Kaibigan naman natin si Anika kaya maganda na rin 'yon na sa kakilala at ka-close na nating girl magseryoso si kuya. ''

''Eh pa'no kapag hindi close at 'ni hindi natin kaibigan, papayag ka pa rin bilang nakababatang kapatid niya?''

''Papayag pa rin! Kapag hindi close at hindi pa natin kaibigan, edi kakaibiganin at iko-close! Kahit nga siguro kakikilala pa lang natin, basta yung mabait lang at matinong babae. Yung tipong aalagaan si kuya. Eh ikaw ba, anong tingin mo do'n sa Violet para sa kuya Arkadee mo? Okay naman ba?''

Itinuon ko sa daan ang aking mga mata. ''Okay lang naman.''

''Do you like her for your big bro?''

''Well.. '' I shrugged my shoulders. ''Katulad ng sinabi mo, basta mabait at matino, ayos na. Kung mabait at matino nga yung si Violet, then I don't have reasons to dislike her, right?

''Correct! By the way, tigilan na nga natin ang usapan tungkol sa iba. Pag-usapan naman natin yung tungkol sayo!''

Lumipad ulit ang tingin ko sa kanya at ang bruha nakakaloka ang ngising ipinupukol sa akin!

Kumunot ang noo ko. ''Anong tungkol sa akin?''

''Sus! Nagmamaang-maangan ka pa eh, halata namang interesado sayo si Cedric Ferdinand! What do you think about him? Seems like hindi rin naman imposibleng magustuhan mo yung tao, ano, Meg?''

Nabigla ako at sa pagkabigla ay bahagya akong natawa. ''Malisyosa! Cedric and I are just friends!''

''Eh! Pero kung kunwaring gusto ka nga niya at manligaw s'ya sayo one of these days, anong plano mo?''

If Only (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя