Chapter 14 - LEVI

12 0 0
                                    


A day in Levi's head. 


Levi's POV


Nakapameywang si Mikasa sa akin habang tinataasan ako ng kilay. 

Pinsan ko si Mikasa, magkapatid ang mga nanay namin. Pero marami ang nagsasabi na mukha raw kaming magkapatid. Kesyo daw pareho kami ng mata, kesyo pareho kaming may 'bunny teeth'. I don't blame them, nasa dugo namin ang ganyang mga facial features. Mabuti pa 'yung physical appearance namin naikukumpara nila, pero 'yung mga pangalan namin na parang kinuha lang mula sa isang anime, hindi nila napansin. 

The dentist earlier was her mother. Mikasa's also a low key fangirl of kpop. Low key, in a way na hindi-alam-ng-mga-pamilya-namin-pero-alam-ng-buong-internet. She also has a low key kpop fanboy of a boyfriend. Nagkita sila noong nakaraang taon sa isang concert. Fourth year college na si Mikasa noon, hindi siya nakabili ng tiket at hindi naman pwedeng humingi siya ng pambili mula sa parents niya. Fortunately, this guy Mithra came along and helped her get in, FOR FREE. They miraculously bump into each other almost everywhere, the following days until they became friends. And then some stuff happened in between and poof! Sila na. 


" May naikwento si Mommy sa akin, may dinala ka rawng babae sa clinic niya at pinatingnan mo ang sugat niya. So? Sino 'yun Lev?" Tanong niya sa akin. Nakapameywang pa rin siya at tinataasan ako ng kilay. 

"Kumusta na nga pala kayo, ni Mithra, Miks?" Pag-iiba ko sa usapan. 

"Pwede ba huwag mo na akong tawaging 'Miks'? Grow up dude. And stop changing the topic. Sino yung babaeng yun?"

"She's Asi. Sh'es just my friend, but I'm only an acquaintance to her. Trust issues and stuff you girls make up."

"I know her name, sinabihan ako ni Mommy" sabi niya at inirapan ako. "but I need details. Ito ang unang beses na nagdala ka ng babae sa clinic ni mommy. Binata ka na Lev! Big deal 'yan! Hindi na ka pumupunta roon para humingi ng pamasahe o kendi!"

"Kapitbahay namin siya. I've know her for as long as I can remember. As in, waay back. Even before that news came in and caused us to fly outside the country. Tapos nakita ko siya, ulit sa park malapit sa subdivision namin. Sinisigawan niya yung mga magsyota na 'WALANG FOREVER! MAGHIHIWALAY DIN KAYO'--" Natigilan ako sa pagsasalita kasi tumawa ng malakas si Mikasa. 

"Seriously!" Sigaw niya sa akin habang tumawa pa rin. "That's so cute! OMG! I need to meet her!" Dagdag pa niya. 

"You find it cute?" Di makapaniwalang saad ko. "Harriet, hates her guts." 

"What?! Why?" 

"Naalala mo 'yung kinuwento niya sa atin noon? 'Yung babae na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Axel?"

"Wait. You can't be serious? Siya 'yung babae?!"

"The only one." Saad ko. Wearing a lopsided smile on my face. 

"God! I need to meet her!" 




In the end, hindi ko dinala si Mikasa sa bahay nila Asi. Asi is probably still pissed at me. Or maybe embarrassed, even. But that doesn't mean I'm going to stop bugging her. Nakuha ko na nga ang cellphone number niya. How, you might ask?


Nagkita kami ng kapatid niya. Tinanong niya ako kung anong ginawa ko kay Asi. Pagdating daw niya kasi sa bahay nila ay minumura niya ang pangalan ko. I laughed. He was confused. (Hindi siya bakla, ah. Nalilito lang kung bakit ako tumawa.) Hiningi ko ang number ni Asi, he asked for a bribe. Binigyan ko siya ng isang daan, in exchange binigay niya sa akin ang number ni Asi. I still don't know the boy's name, but I am loving his existence. Why did that last sentence sound like something a gay pedo would say? 


Ngayong nasa akin na ang phone number ni Asi, aanhin ko ba ito? Kanina pa ako nakahiga sa kama ko't nakatitig sa puting kawalan na siyang kisame ng kwarto ko, iniisip kung aanhin ko ito. Was asking Asi's phone number from her brother a little too impulsive?

Pwede ko siyang itext, pero ano naman ang itetext ko? 

Pwede ko rin siyang tawagan. Wait, what? Please, Levi, don't. Ipapahiya mo lang ang sarili mo. 

I should text her. But what? 


To: bH3b Asi

Kmusta n kyo jn, Asi? nwala ang roaming ko eto n gmit ko ngayon dito na kau mgtxt pakisbe n lng sa lhat jn, ingat kyo plge.. txt bck.


Perfect. Sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang magrereply sa ganitong text? Unless, troll din yung taong yun. 


From: bH3b Asi

Sino 'to?


Holy tae. Bakit siya nagreply? Akala ko ba ako ang wala sa tamang pag-iisip sa aming dalawa ni Asi?! Bakit niya nireplyan ang prank text kooo?


To: bH3b Asi

Syota mo to. Hindi mo na ba ako naaalala bH3b? Akala ko ba forever tayo? Akala ko ba l3Vi lhAnG sApHAt NuAH? amff. Pinaasa mo ako, Asi!! Tssk, amfff


I'm such a genius. 


From: bH3b Asi

Wtff. Levi? Saan mo nakuha ang number ko? 


I told her how, of course. Tapos nireplyan niya ako ng "I'M GOING TO KILL THAT KID!" And I told her not to, because I like her brother (Damn, I sound like a gay pedo again.) Pagkatapos nun ay hindi niya na ako nireplyan.

Ano? Hanggang dito na lang ba ang istorya namin ni Asi? Nagpaload pa naman ako ng malaki para maka-unli ako ng isang buwan tapos hindi na niya ako rereplyan matapos ang tatlong text? As if!


Tinadtad ko ng text ang cellphone ni Asi. Kahit ano nalang ang tinetext ko sa kanya. Imposibleng hindi niya mapansin ang mga ito.  ASI SENPAI, NOTICE ME! 


From: bH3b Asi

Stop texting me, dumbass. I'm trying to listen to a podcast here. 


To: bH3b Asi

Anong klaseng podcast pinapakinggan mo?


From: bH3b Asi

Learn Japanese 101


Holy tae. Asi is trying to learn a new language! Ibig sabihin sinusunod na niya ang nasa bucketlist namin. MAY FOREVER NA KAMI!


To: bH3b Asi

Asi senpai daisuki! 

Sending...

Message not sent.


From: Touch N'Text

You have reached your text limit for today. Please try again later. 



nooooOOOO. Paano na malalaman ni Asi senpai ang tunay na nararamdaman kooooo!!! 



END OF CHAPTER 14

THANKS FOR READING!


====

A/N Note to self: don't write, late at night. 




First and Last FiftyWhere stories live. Discover now