Natawa kami sa tindi ng protesta ni Troy habang nagmamaneho siya. 

Nagkwentuhan na lang kami all the way at hindi man lang namin namalayan nasa harap na pala kami ng isang boutique. Ito na siguro yung sinasabi ni Tita.

"By the way Sam, akala ko may isasama kang friends nasan na sila?" 

"Don't worry Tita I already texted them the address  and they'll be there." Sabi ko. 

Hindi sumasagot si Mandy sa mga text messages ko, kahit si Roxanne ay busy ang telepono. 

Tumuloy na kami sa loob ng boutique at tulad ng inaasahan ko nasa loob na si Mandy at Roxanne.

"Hi Sam.... Hi Troy" bati nila habang nakangiwi kay Troy. Hindi naging maganda ang huling pagkikita nila pero mukhang magiging maayos naman ang lahat. After all, Rox and Mandy agreed to be part of this wedding.  

Bahagya namang ngumiti si Troy. "Nice to see you, again." aniya. 

They both turned to Troy's mom.

"Hi po." pagbati ni Roxanne.

"Hi po Mam Ysabelle" bati ni Mandy.

Umiling si Tita. "Just call me Tita Ysa, Girls. You're Sam's friends and you're family."

Nanlaki ang mga  mata nila pero agad din nakabawi. I've warned them about Tita's cool demeanor. 

"Sige po Tita Ysa" sabay na sambit nila

"That's better, so girls we should get going hinihintay na tayo ng friend ko sa loob." paanyaya ni Tita kasi nasa may lounge pa lang kami ng boutique at napapasarap na ang kwentuhan.

One thing to describe the whole place, MAGICAL. It's like every girls dream closet. Mula sa everyday get up hanggang sa mga gowns and formal wear meron sa loob.Pumasok kami sa isang office dito sa boutique.

"Hi Monique" nagbeso beso sila. Ang ganda niya, siguro siya yung designer friend na tinutukoy ni Tita.

"Hi Tita" bumati din si Troy sa'kanya, marahil ay kilala niya ang pamilya nila.

"Hi Ysabelle, it's been a long time since we met."

"So who's the lucky bride Troy?" tanong niya kay Troy.

"She's here Tita, right there" tinuro ako or should I say kaming tatlo kasi magkakatabi kaming nakatayo kaming tatlo receiving area ng office niya. 

Ngumiti si Ms. Monique at unti-unti siyang lumapit sa amin. Nagulat ako ng yakapin niya si Mandy.

"Wow Troy, she's beautiful!" buong galak na sabi niya. 

Mukhang napagkalaman niyang si Mandy ang fiancé ni Troy. I tried to ignore the pang inside my chest. 

"Thank you for telling that I'm beautiful, but I already know that and for your information I'm not the bride" at kumalas si Mandy sa pagkakayakap.

"Oh I'm sorry" agad siyang bumitaw sa pagkakayakap at sunod na nilapitan naman si Roxanne.

"So you must be the bride, you're beauty is stunning as well."

Alam kong mas maganda si Roxanne at Mandy sa akin aminado ako dun pero kahit papano pala nakakasama din ng loob.

"No I'm not the bride and I don't plan marrying someone anytime soon and just so you know she is the bride" at biglang hinablot ako ni Roanne at iniiharap sa designer. Mukhang nabigla siya sa naging attitude ni Roanne.

Ineexamine niya ako from head to toe, mukhang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Napayuko naman ako, simula ng maging fiancé ako ni Mackenzie naging habit ko na ang pagyuko. 

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now