"Shocks! Nagblush ang ice prince" narinig kong bulong ni Trix

Blush? I doubt it. Lagi kaya syang naka poker face..

--------------------

11 am na! Shems sa wakas malapit na kaming matapos, grabe di ko naman inakala na ganito pala kahirap maging waitress.

"Miss Flame yung order namin? Papicture na rin po!"
"Kukunin ko na yung order, wait lang" sagot ko

"Miss Flame oorder na kami"
"Sige sandali lang po" sagot ko sa isa pa

"Smile miss Flame" sabi ng isang lalaki at pinicturan na ako

"Miss Flame, papicture po"
"Nako mamaya na, medyo marami pa kasing ginagawa eh"

Napabuntong hininga nalang ako pagka lapit ko sa counter. Napaka daming tao dito sa loob ng room namin at may mga naka pila pa sa labas. Seriously, ano bang ipinunta nila dito? Yung pagkain o ang magpapicture? Nakakaloka!

"Naks Flame, bentang benta ka sa costumers ah. Ang mahal ng papicture sayo pero marami paring may gusto"-Daina, classmate

Mahal, oo may bayad magpapicture sa aming lahat na naka costume. At ang mahal! Lakas kasi ng trip ni Trixie naglagay ng karatula sa labas ng pinto at ang nakalagay... Pwede magpapicture sa staff, 50 sa regular staffs, 100 sa specials. Oh diba, kamusta naman yun? But in fairness, ang daming kumagat sa pakulo nya..

"Ate Flame, hayaan mo na sila sa pagkuha ng orders. Ang daming gustong magpapicture sayo oh!" Sabi ni Trix sabay hila sa akin sa mga costumers

Juice colord! Pagod na ang panga ko!

"Eh bakit si Frost? Hindi lumalabas ng counter? Magtitimpla nalang din ako ng cape!"
"Eh alam mo namang pabebe yun eh, walang nakakapigil sa kanya! At isa pa sayang ang pera kung di ka magpapapicture noh"-trix

Ang daya talaga ni Frost, sya patimpla timpla lang ng kape samantalang kami hirap na hirap dito. Hustisya!

"Nasaan ang hustisya Trix? Hindi to makatarungan!" Paghihimutok ko
"Tama! Tarang mag welga! Katarungan para sa mga manggagawa!" Paggaya nya sa akin

Nagkatinginan kami at sandali lang ay natawa na.. nakakamiss din talaga ang kalokohan naming dalawa:)
Nasa kalagitnaan kami ng pagtawa ng may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako at bumungad sa akin ang umaapaw sa ka-cute-an na mukha ni Frost.

"Doon ka na sa counter, ako nang bahala dito" sabi nya at itinulak ako papunta sa counter

Ilang sandali lang ay pinagkaguluhan na si Frost, ang daming gustong magpapicture sa kanya. May narinig pa nga ako na nagsabi I'm willing to pay 500 for your smile, Frost! Grabe ah, die hard lang teh?

Pinanuod ko namang magpapicture si Frost sa mga fangirls nya habang si Trix naman ang taga kuha ng pera. Kawawa naman sila, ang laki ng ibinabayad pero ni hindi manlang ngumingiti si Frost.. Ice Prince talaga.


-----------------------

12 pm

"Waaaaaaaaaaahhh sa wakas natapos din!!"-trix
"Nakakapagod! Parang matatanggal na yung panga ko"-sky
"Yung totoo, cafe ba to o photo booth?" Tanong ko

Pansamantala naming isinara yung cafe para makapag pahinga at makapag ayos ng kaunti.

"Oks lang yan, ang dami naman nating kinita oh!" Tinuro pa ni Trix yung pera na nakalagay sa box "Bawing bawi, may pang Christmas party na tayo!" Dag dag pa nya

"Huh? What party?"-jeanne
"Duh! Christmas party! Wala bang pasko dito?"-trix
"Pasko?"-axel

Ang corny naman nila, wala silang Christmas? Gara..

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon