Chapter 4 Ma'am Elisa Caught Us in an Awkward Position

8K 217 4
                                    

(*Chelsca's P.O.V)

ILANG BUWAN narin ang nakaraan simula ng dumating dito si Nelson at close narin kami. Friendly naman kasi siya at hindi mahirap pakisamahan.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang doktor sa hospital na pagmamay ari ng magulang niya.

Ang kulit nga niya kasi ayaw niyang pinapalinis sa iba ung kwarto niya. Sa akin lang talaga. Peste rin tong lalakeng to' ehh. Sarap tanggalan ng abs tapos isawsaw sa mainit na kape. (*_*) yummyxD

"Di ka pa tapos? Hinihintay mo siguro akong matapos maligo noh? Umamin ka."

Napaharap naman ako agad sa kanya nun na kalalabas lang sa cr.

Shimmmss! Nang aakit bato ohh ano ?

Pano ba naman, naka topless kasi siya at kitang kita ko ngayon ang abs niya na masarap isawsaw sa kape. Shiiiit >_<

Dinampot ko ang isa sa damit niyang nakakalat sa sahig tapos binato ko sa kanya. Unfortunately, nasalo niya iyon.

"Ang kalat po kaya ng kwarto mo! At ang kapal naman talaga ng face mo ehh noh? Ako? Hinihintay kang matapos maligo? Para ano!? Tss. Iniintay ka jan! Antay your face. And wala akong dapat aminin."

Tinalikuran ko na siya at ipinagpatuloy ko nalang ang pagpupulot ng mga damit ng gwapong nilalang na ito.

Tsskk, takte lungsz!

Bakit parang biglang uminit?

Narinig ko namang mahinang tumawa si Nelson bago nagsalitang muli.

"Hmm, talaga lang ahh. Kung alam ko lang, binabagalan mo talaga ang paglilinis mo para masilayan ang abs ko. Ano? Tama ako diba?"

What the heck is in this guy!? Napaka lakas talaga ng aircon ng taong to sa katawan. Dinampot ko pa ung damit niyang nakakalat sa sahig para ibato sana sa kanya pero laking gulat ko nalang ng pagkaharap ko ay napakalapit niya sa akin. Gosh! Jusmiyo marimar! Wooohhh! TUKSO, LAYUAN MO AKOOO!

"Uhh, a-ano .. Huii! Ano ba!? Lumayo ka nga!" Paano ba naman, lumapit daw ba ng tuluyan saakin. Aba't, ang loko nga naman talaga!

"Bakit ka namumula? Ahhh, kinikilig ka siguro noh? Sinasabi ko na nga ba ehh. Type mo talaga ak--uhhhmmp!"

Di pa siya tapos magsalita ay hinagis ko na sa kanya ung damit niya, at sa pagkakataong ito, tumama na sa mukha niya.

"Kapal talaga ng mukha mo noh? Dun ka na nga! Layo! Tabi! Choopiii! Choo chooo!" Sabi ko sa kanya na may hand gestures pang kasama. Lumayo rin naman siya nun with matching grin pa.

Hhmmp! May pa grin-grin pa tong nalalaman! Pasalamat siya, gwapo siya! Tssk.

Kukuhain ko na sana ung damit na hinagis ko sa kanya para ilagay sa labahan  ng bigla akong nadulas. Naapakan ko ata ung tubig na nanggagaling sa basa at hot niya katawan .. Haisst!!!! >>_<<

Agad naman akong napahawak sa kanya noon para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig, pero dahil narin siguro sa pagkabigla niya rin sa nangyari ay nawalan din siya ng balanse at natumba kaming dalawa.

Ang sakit ng likod ko dahil sa pagkakabagsak pero hindi ko un pinansin. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang bilis ng pagtibok ng puso ko nung mga oras na iyon habang nakatitig sa maganda niyang mata.

Napagmasdan ko ng mabuti ang halos perpekto niyang mukha. Brown na kulay ng mata, may mahahaba siya at mapipilantik na pilik mata, napakakinis ng mukha niya na para bang nahihiyang tumapak ang pimples dto. Matangos na ilong at may red and kissable lips rin ito.

Urrgghh! Ano bang ginawa mo saakin Nelson?

Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkakausap, magkikita at magkakadikit tayo?

Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Nakakatakot!

Napansin ko naman na bumaba ang tingin niya papunta sa labi ko, kasabay ng marahan niya paglunok.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin, at sa pagkakataong ito ako naman ang napalunok.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
*Creeeeeeeeeek-<sound effect ng nagbukas na pintuan>*

"Anong ginagawa niyong dalawa!?" Bigla naman kaming napatayo nun ni Nelson. Dun ko lang narealize kung gaano kaawkward ung position namin. Nakataas ang kamay ko at doon siya nakahawak, tapos napakalapit namin sa isat-isa to think na tanging towel lang ung harang niya sa katawan. Hmmmm, i think mas maganda yun kung walang towel XD my dirty mind ( -_-)

What the heck i am thinking.?!?

"Uhhmmm...."

Napansin siguro ni Nelson na hindi ko alam kung ano ang sasabihim ko kaya siya nalang ang sumagot sa mommy niya.

Enexplain niyang nadulas lang ako at nahila ko siya kaya nasa ganoon kaming sitwasyon. Nakayuko lamang ako habang nag papaliwanag si Nelson sa mommy niya. Nakakahiya talaga (>_<)

Lumabas narin si naman agad si ma'am Elisa pagkatapos niyang magpaalam sa anak niya na gagabihin ulit siya ng uwi.

Ako naman, minadali ko ng linisin ang kwarto ni Nelson. Hanggang sa natapos ako ay wala ng naging pansinan pa sa pagitan namin. Siguro ay dahil narin sa nangyari kanina.

Lumabas narin naman ako nun at dali daling nagpunta sa kwarto ko.

Pagkadating ko doon ay halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si ma'am Elisa na nakaupo sa kama ko.

"May gusto kaba sa anak ko?"

Agad na tanong nito saakin na siyang dahilan kung bakit biglang dinaga ang aking dibdib ...

*************************

I'm His Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon